CHAPTER SIX

3260 Words
BUONG AKALA ni Carila ay hindi niya magagawa ang katrabaho dahil sa sobrang magkailang kay Shan pero nagulat siya ng walang ginawang kahit ano ang binata. Seryuso lang ito habang umiikot sa hotel na pinapatayo ng kompanya. Kasama nila ang isa sa Engineer ng kompanya. Habang umiikot sila ni Shan ay hindi niya mapigilan na sulyapan ang binata. Ibang-iba kasi kung umasta si Shan kapag oras ng trabaho. Sobrang seryuso at bossy nito. Napansin din niya na malaki ang tiwala nito sa sarili. He talks like firm and authorities. Bagay na wala si Shilo.  “Carila.”  Napakurap siya ng marinig ang pagtawag sa kanya ni Shan. Natauhan naman siya at mabilis na lumapit sa binata. “Yes, Sir Shan.” “Did you take note everything?” pareho ng nakatingin sa kanya ang dalawang lalaki. “I take note everything sir.” Pormal niyang sagot dito.  Tumungo lang si Shan sa kanya at muling kinausap si Engr. Mercado. Sumunod na lang siya sa mga ito at sinusulat ang ilang importanteng pinag-uusapan ng mga ito. Madilim na ng lisanin nila ni Shan ang site. Nakaramdam siya ng pangangalay ng paa. Ilang oras din kasi silang nakatayo at lakad ng lakad sa site. Malaki lupa na pagtatayuan ng hotel na balak ni Shan. Naglalakad na sila papunta sa labasan. Magkasabay sila ni Shan na naglalakad. Hindi nila kasama si Engr. Mercado dahil may sarili itong lakad. “Are you tired?” Napatingin siya kay Shan. Nasa daan ang tingin nito at wala siyang nakikitang kahit anong emosyon sa mukha nito. “I’m okay.” Sagot niya kahit ang totoo ay nanakit ang paa niya. Nagpapasalamat siya nakasuot siya ng rubber shoes at pantalon. Comfortable siya sa suot kaya hindi niya nahihirapan gumalaw. Napasinghap si Carila ng biglang kunin ni Shan ang bag niyang naglalaman ng ipad at ilang gamit niya. Sinundan niya ng tingin ang binata na ngayon ay naglalakad na palayo sa kanya. Nasa isang kamay nito ang bag niya. Nang mapansin na malayo na sa kanya ang binata ay mabilis siyang tumakbo para makahabol dito. Pagdating nila sa labasan ay sumakay sila nang e-trike. Inarkila nito ang sasakyan dahil ayaw nitong huminto pa kung saan ang tricycle. Wala silang kibuan ni Shan habang nakasakay sila. Inabala na lang niya ang sarili sa panunuod sa mga taong naglalakad sa kalsada. Gabi na pero maraming tao ang naglalakad sa kalsada. Mas buhay pa nga yata lugar na iyon kapag gabi. Kanina kasi ng dumating sila ay iilang tao lang ang nakita nilang naglalakad. Hindi lang iyon ang napansin niya. Maraming iba’t-ibang lahi ang naglalakad ng mga sandaling iyon. People here is busy walking and having a good night. Natigilan siya ng biglang huminto ang e-trike na sinasakyan nila. Napatingin siya sa unahan at doon na pansin na mahaba ang pila ng mga sasakyan. Nagsalubong ang kilay niya. Nagtatraffic din pala sa lugar na iyon. Ibang-iba ang na-iisip niya sa lugar na iyon. Hindi naman nagtagal ay umusad na din ang sinasakyan nila. Narating nila ang hotel ng wala na silang nasalubong na traffic. Binayaran ni Shan ang driver ng e-trike at nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang tatlong daan ang binigay ng kanyang boss. “Tatlong daan ang binayaran mo?” gulat niyang tanong ng makaalis ang sinakyan nila. “Special ang ride natin kaya ganoon ang bayad.” Baliwalang sagot ni Shan. “Special na iyon?  “Yes. Tayo lang kasi ang sakay niya papunta dito.” Lumapit sa receptionist si Shan. Sinundan niya ito. “Pero hindi naman yata makatarungan iyon. Para kang nagbayad ng taxi pero kung tutuusin ay saglit lang naman ang byahe natin. Wala pa ngang kalahating oras.” Patuloy niyang reklamo. Hindi kasi fiar para sa kanya. Tatlong daan para sa bente minutos na byahe. Hindi pa aircone ang sinakyan nila. Hinarap siya ni Shan na hindi itinago ang irritasyon. “Carila, ganito ang kalakaran dito sa Boracay. Dollar ang umiikot na pera dito kaya mahal ang lahat. Kaya nga magandang magpatayo dito ng hotel. Boracay is number one tourist destination here in the Philippines and most of their guests are from other country. Anong aasahan mong presyo dito kung hindi dolyar? That how people living here. Kahit probinsya at isang maliit lang na isla ang Boracay ay mataas ang standard living dito.” Paliwanang nito. Hindi siya nagsalita pa. Natameme siya sa sinabi nito. Wala siyang alam sa pamumuhay ng mga tao doon. “Look Carila, seasonal ang buhay dito. Kapag ganitong summer, maraming bisita ang isla, saka lang maayos ang kita ng mga tao at kapag malakas ang hangin, walang masyadong bisita na pumupunta. Maswerte na lang kung meron.  Maliban pa na provincial rate ang sahod dito. Living here is not like what other think. This is not a paradise for those who working here.” Tumalikod na si Sir Shan. Sinundan niya ng tingin ang binata. Napatanga na lang siya sa sinabi nito. Nakakagulat ang mga sinabi nito. Ngayon lang siya nakatapak ng isla at wala siyang alam tungkol sa lugar na iyon. Wala naman siyang masayang ibig sabihin sa sinabi kanina. Totoo naman kasing over pricing ang ginawa ng driver. Lumapit siya kay Shan na kinaki-usap na ang receptionist.  “Kahit na ganito ang buhay nila dito hindi pa rin tama na ganoon ang gawin nila. Panluluko iyon.” Aniya. Napatingin sa kanya ang receptionist at si Shan. Pinakatitigan siya ng binata. Sinalubong din niya ang titig nito. Kung ano ang paniniwala niya ay iyon ang ipaglalaban niya. “Carila, hindi ko sinasabing tama ang ginawa ng driver. Inilalagay ko lang ang sarili sa sitwasyon nila. Pinanganak akong may gintong kutsara sa bibig. Hindi big deal sa akin ang tatlong libong pinaglalaban mo. Isipin mo na lang na binigyan ko siya ng tip dahil ligtas niya tayong hinatid.” Tinalikuran na siya ni Shan at hinarap nito ang babaeng receptionist. “Please! Bring our dinner at my room.”  Napakuyom siya sa rason ni Shan. Hindi ba nito alam kung anong pinaglalaban niya. Kailan pa naging tama ang isang mali? Paano kung ganoon din ang gawin nito sa ibang taong sumakay?  Dapat ay hindi tinutolerate ang ganoong sistema. Hinarap siya ni Shan. “Carila, let it go.” Anito. “Pero hindi kasi talaga tama. Mahirap din ako pero hindi ako nanlamang o nanluko ng ibang tao para lang umangat ang buhay ko. Hindi ko lang talaga maintindihan ang ginawa ng driver na iyon.” Huminga ng malalim si Shan. “You can’t understand them, not until you are in their shoes. Yes, you are poor like them but you have a different life from him. So stop arguing with me because we can undo what already happens, I already pay him for a short ride. Stop stressing yourself.” Nagtaas-baba ang dibdib niya sa sinabi ng binata. Talagang baliwala lang dito ang nangyari. Mukhang napansin ni Shan na na-iinis pa rin siya. Inilapait nito ang sarili sa kanya. “You arguing with me are turning me on. So, kung ayaw mong halikan kita sa harap ng mga tao dito sa lobby. Stop getting mad.” Bulong ni Shan. Dahil sa sinabi ng binata ay mabilis niyang inilayo ang sarili dito. Nanlalaki ang mga matang tinitigan niya ang mga mata ng binata. May naglalarong ningning doon. He is being flirty again. Inirapan niya ito at naglakad papunta sa sofa. Nakita niyang may naglarong ngiti sa labi ng binata. Akala niya ay susundan siya nito ngunit hindi. Naglakad ito papunta sa kabilang bahagi ng lobby at umupo sa upuan na gawa sa rattan. Hindi nagtagal ang paghihintay nila sa golf car na maghahatid sa kanila sa kanilang kwarto. Hindi na silang nagkibuan ni Shan hanggang sa marating nila ang kanilang kwarto. Magkatabi lang ang kwarto nila ni Shan. Mabilis siyang pumasok sa kwarto niya. Naiinis pa rin siya sa ginawa ng binata. She took half bath. Pakiramdaman niya ay dumikit ang alikabok sa katawan niya. Saka lang niya naramdaman ang panglalangkit ng kanyang katawan. Katatapos niya lang maghalf bath ng makarinig ng mahinang katok. Sa pag-aakalang room attendant ay agad niya iyong binuksan. Napasinghap siya ng makitang nakatayo sa harap niya ang nakasuot na itim na sando na si Shan. Pansin na pansin ang muscle sa braso nito. Ganoon din ang pantay na kulay ng balak nito. Shan looks so fresh with his wet messy hair. Gusto niyang kagatin ang ilalaim na bahagi ng kanyang labi dahil sa nakakatakam na katawang nasa harap niya. Buti na lang talaga at malakas ang matinong bahagi ng kanyang isipan. “May kailangan po kayo, Sir Shan?” na-iilang siya sa uri ng titig na ibinigay nito sa kanya. Naglakabay kasi ang mga mata nito sa katawan niya.  Pinag-cross niya ang kanyang braso sa tapat ng kanyang dibdib. Nakasuot kasi siya ng sando at maikling short. Hindi niya alam na iyon pala ang inilagay ng kanyang inay sa bag. Mukhang iniisip ng kanyang ina na sinusuot niya pa rin ang damit na iyon kapag natutulog. Hindi niya tuloy napigilan na hindi ma-ilang. Gumuhit ang pagnanasa sa mga mata ni Sir Shan ng mapunta sa kanyang binti ang mga mata nito. Tumikhim siya ng napakalakas para kunin ang atensyon nito. Epektebo naman dahil bumalik sa mukha niya ang mga mata nito. “Our dinner is already in my room.” Sabi ng binata. Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito. “Hindi tayo lalabas?” “Masyado na tayong pagod pareho. Alam kong napagod ka kanina sa site kaya mas mabuting magpa-room service na lang.” Pinakatitigan niya si Shan. Inaalam kung may iba pa bang agenda ang lalaking ito. Walang siyang tiwala sa lalaking. The last time she put down her guard, he stole her first kiss. Seryuso lang ang binatang nakatitig sa kanya at wala siyang napapansin na kahit ano dito. Mukha naman wala itong masamang balak sa kanya. “Fine. Magbibihis lang ako.” Aniya at mabilis na pinagsarhan ito ng pinto. Wala siyang paki-alam kung magalit ito sa kanya. Nagsuot siya ng pantalong at isang malaking blue t-shirt na may mukha ni Doramon, sa likod noon ay likuran naman ni Doramon. Itinali niya ang mahabang buhok. Hindi na siya nag-abala pang maglagay ng lips stick at pulbus. Kakain lang naman silang dalawa. Hawak ang kanyang cellphone na lumabas siya ng kwarto. Nabungaran niya si Shan na nakasandal sa isang poste. Agad itong napatingin sa direksyon niya. Tumaas ang isang sulok ng labi nito. May nakita din siyang paghanga sa mga mata nito. “Common, I’m hungry.” Una itong pumasok sa kwarto nito. Sumunod naman siya. Kagaya ng kwarto niya ang kwarto ni Shan. Hindi VIP room ang pinareserve ni Shan sa hotel na iyon. Ang dahilan nito ay hindi tamang gumastos ito para lang sa dalawang gabing tulog. Kaya hindi niya ma-intindihan kung bakit ito pumayag kanina na ganoon ang bayad sa e-trike. Nakita niya sa gitnang bahagi ang maliit na mesang may lamang pagkain. Doon lang siya nakaramdaman ng gutom.  Umupo sa isang sofa si Shan. “Umupo ka na.” Umupo siya sa katapat na upuan ni Shan. Filipino food ang nasa harap nila ngayon. Napansin niya din na may isang bucket doon at may isang bote ng wine. Nagsalubong ang kilay niya pero binaliwala na lang. Nagsimula siyang kumain. Tahimik lang silang pareho ni Shan hanggang pasagin ng nag-iingay niyang phone. Inilapag niya kasi iyon sa mesa kanina bago nagsimulang kumain. At dahil inihaw na manok ang nilalantakan niya ay hindi niya iyon madampot. Puno kasi ng sauce ang kamay niya. She leak the sauce off her fingers before she pick up the phone. Nabasa niya ang pangalan ni Shilo. Sasagutin na sana niya iyon ng may taong bilang umagaw ng phone. Nanlalaki ang mga mata na sinundan niya ng tingin ang phone na kinuha ni Shan. “What are you doing? Akin na iyang phone ko.” Hindi niya mapigilang sigaw dito. Buti na lang talaga at walang lamang pagkain ang bibig niya kung hindi may lumipad na sa mukha nito. “Kumakain tayo tapos sasagot ka ng tawag. It’s that a proper way of eating, Carila?” madilim ang mukha ng binata. Hindi siya nakapagsalita dahil tinamaan siya sa sinabi nito. Hindi naman nga talaga tama na sagutin niya ang tawag habang nasa harap sila ng pagkain. Masyado lang siyang na tuwa ng makita ang pangalan ni Shilo. Yumuko na lang siya at pinagpatuloy ang pagkain. Shan puts her phone at the table. Kumain na din ito. She mentally note that she will call Shilo later after they finish eating.  Busog na busog siya ng matapos silang kumain ni Shan. Halos pumutok na ang pantalon niya. Wala talagang tatalo sa pagkaing pinoy. Ngayon lang ulit siya kumain ng ganoon karami. Mabilis kasi siyang tumaba kaya kontrol niya ang kanyang pagkain. One a month, she has this cheating day and Shilo knows it. He invites her to food trip once in a month. Tatayo na sana siya dahil sabi nila nakakabilbil daw ang umupo pagkatapos kumain ng hawakan ni Shan ang kanyang braso. Napatingin siya dito. “Let’s have some toast.” Itinaas nito ang hawak na wine. “Hindi ako umiinum ng alak.” Tahasang sabi niya. “It’s just a wine.” “It does still have alcohol content.” Sagot niya. Hinila ang brasong hawak nito. “It won’t get you drunk. Nasisigurado ko sa iyong hindi ka malalasing sa wine na ito.” Itinaas pa ng lalaki ang hawak na baso. Napatingin si Carila sa baso nito. In the end, Carila accept the glass of wine. “Para ba saan ang toast na gagawin natin?” umayos siya ng upo. “For the job, we have done today. I little bit of chilling is a simple reward to ourselves.” Nagulat pa siya may pumutok ng bukasan ni Shan ang wine. Nilagyan nito ng wine ang baso niya at baso nito. Huminga siya ng malalim bago itinaas ang hawak na baso. Ibinangga niya ang baso sa baso ni Shan. Ngumiti ang binata. He drinks his wine while staring at her. Nag-iwas naman siya ng tingin dahil nakaramdam siya ng kakaiba sa titig nito. She didn’t drink her wine. “Can I ask you something, Carila?” Bumalik ang tingin niya kay Shan ng magsalita ito pagkalipas ng ilang minutong katahimikan. “Ano iyon?” “I heard you intern in our company and luckily they hired you afterward. Why did you choose Mei De Hau to intern?” sumandal si Shan sa sofa. Hindi agad siya sumagot. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. “Maraming nagsabi sa akin na mahirap makapasok sa Mei De Hau. I feel challenge when I heard about it and the same time eager to enter to a good company. Kung hindi man ako kunin na empleyado ng MDH pagkatapos ng internship ko ay okay lang. Maganda naman parin ang mailalagay sa resume ko bilang internship ko. Sinubukan ko at maswerte ngang nakapasok. Unexpected nga ang nangyari dahil napakastrikto ng dating HR head. Hindi ko nga alam kung paano nakapasok bilang intern ng MDH.” Sagot niya. Naalala pa niya ang unang araw na pagtapak niya sa MDH para magpasa ng resume para sa internship niya. Talagang nagbabakasali lang siya ng araw na iyon. Nang ininterview siya ni Mrs. Dela Verde na siyang dating HR head ng MDH ay halos ma-ihi siya sa sobrang kaba. Napaka-intimindating kasi ang dating nito. Iyong tipong anumang sandali ay sasabihin nitong lumayas siya sa opisina nito. Para itong professor nila sa Filipino na matandang dalaga. “Well, hindi ko masisisi ang iba na gustong makapasok sa MDH. Stable ang kompanya at maayos magpasahod. Maraming privilege na natatanggap ang mga empleyado lalo na kung nasa top position ka. May tanong pa ako.” “Marami ka yatang tanong.” Masupladang sabi niya. Tumawa ng mahina si Shan. “I want to know you more, remember.” Inirapan niya lang ang binata. She is not buying her reason. Alam niyang may malalim pa itong rason. She drinks her wine. Humagod ang init ng lalamunan niya papunta sa kanyang puson. Bakit parang ang tapang yata ng wine na iyon? O ganoon lang talaga ang lahat ng wine? Sa buong buhay niya ay iyon ang unang pagkakataon na makakatikim siya ng inumin. “Napansin ko na hindi mo kamukha ang parents mo. Hindi ka ba nila totoong anak? No offense means. Nagtaka lang talaga ako.” Itinaas pa ni Shan ang isang kamay ng binigyan niya ito ng masamang tingin. Huminga siya ng malalim. “Hindi ako totoong anak ni Itay at inay. They adopted me when I was twelve years old. Namatay ang mga magulang ko sa isang car accident. Walang nakakakilala sa kanila at walang kumuha ng bangkay. Tulala naman daw ako dahil sa nangyari kaya ipinasok nila ako sa bahay ampunan hanggang sa natagpuan ako ni Itay. Tito ko talaga si Itay.” Paliwanag niya. Hindi napapansin ni Carila na unti-unting naparami ang pag-inum nito ng alcohol dahil paduloy si Shan sa paglagay ng alak sa baso ng dalaga. Gumuhit ang pagkagulat sa mukha ni Shan. “So, technically you are adopted?” Tumungo siya. “Pero hindi iyon ang pinadama sa akin ni Itay. Ako ang tinuturing talaga nilang panganay na anak.” Hindi nakasagot si Shan. Tinitigan lang siya nito. Nasa mukha pa rin nito na hindi makapaniwala sa sinagot niya. Nakadama naman siya ng discomfort sa titig nito kaya umiwas siya ng tingin. Nahagip ng kanyang mga mata ang phone na nasa mesa. Tumayo siya at kukunin sana iyon ng hawakan ni Shan ang kamay niya. Napatingin siya sa binata na siyang maling galaw niya. Sobrang lapit ng mukha ni Shan sa kanya. Ilang hibla na lang at magtatagpo na ang kanilang mga labi. “You making me so proud of you.” Bulong ni Shan bago sinakop ang kanyang labi. Nanlaki ang kanyang mga mata. Shan kisses her. Hindi lang simpleng paglapat ng mga labi nila ang ginawa ng binata. He literary eating her lower lips. Hinahagod ng labi nito ang kanyang labi na lalong nagpatigil sa kanya na mag-isip ng matino. Imbis kasi na itulak niya ang binata ay ipinikit pa niya ang mga mata at dinama ang bawat galaw ng labi nito. She feels thousand butterflies in her stomach. Kinikiliti siya ng bawat hagod ng ginagawa ng labi nito. Hindi siya humanti sa ginawa nitong paghalik. She doesn’t know how to return the kiss he giving to her. Ipinikit na lang niya ang kanyang mga mata ng mariin. Nang pareho na silang kinapos sa paghinga ay inilayo ni Shan ang labi nito. Nagmulat naman siya at nagtagpo ang kanilang mga mata. May nakita siyang ningning sa mga mata nito. Isang ngiti sa labi ng binata ang siyang nagpabalik sa matino niyang isipan. Natulak niya ang binata palayo sa kanya. Nanlalaki ang mga mata niya at nagtaas-baba ang kanyang dibdib. Para siyang nagising sa isang panaginip. Tumayo siya ng tuwid. What the hell is she doing? Bakit niya hinayaan na halikan siya ng ganoon ni Shan? Why she let her guard down again? Umiwas siya ng tingin dito. Hindi niya alam kung anong gagawin. Siguradong iba na ang iniisip sa kanya ni Shan. Mablis siyang naglakad papunta sa pinto pero bago pa niya mapihit ang doorknob ay may tao ng humawak sa kanyang magkabilang balikat. Marahas siyang iniharap ni Shan. “You are not going anywhere, Carila. You are mine now,” anito bago sinakop muli ang kanyang mga labi. This time he kisses her with eagerness. HanjMie
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD