Chapter 3

3097 Words
(knocking) Madali akong pumunta at binuksan ang pintuan. "Good morning po ma'am, may sulat po kayo from Ms. Carla Muestra po."-nakangiting abot nito sakin ng sulat. Na miss ko talaga tong si Carla. Kung di pa sya maaalala haaay sorry talaga sakanya. "Thank you po." Nginitian ko pa ito. "Ano kaya ang pakulo ng isang to at nag-pasulat sulat pa?" Binuksan ko ang laman ng sulat and Its not an ordinary letter. "Wedding invitation!" I'm so happy for her at mag se-settle na sya. And guess what? Eto nga, I'm invited. Teka? Pano nya nalaman ang address ko? "Mama, pupunta po ba ulit si tito Damien sa school, mag-kikita po ba ulit kami?" Napatigil naman ako sa tanong ng anak ko. At bigla na lamang akong nainis. Oo friends na sila ngayon, but sana naman wag na talaga syang mag-pakita dahil nakakasira talaga ng araw ang prisensya nya at ang pag-fe-face nya kahit na gwapo sya. Hmp. Pero Oo nga gwapo sya, Eh ano ngayon? Gago naman. "E-eh kase baby..uhmm me-medyo busy kase daw sya eh kaya baka di muna daw kayo pwedeng mag-kita, okay ba yun?"-sagot ko naman. Bigla naman lumungkot ang mala anghel na mukha nito. Hindi ako naka tiis at hinaplos ko ang maamng mukha nya. "Ckari, kailangan mo syang intindihin baby."-pang-aamo ko pa rito. Pero hindi parin ito umimik at patuloy na pasimangot lang. Bigla naman akong may naisip na solusyon. Bright Idea! " Baby, lika kay mama may surprise ako sayo!"-pilit kung pangungumbinsi. Dahandahan namang lumingon ito sakin. But still not in her smiling face. Kinuha ko naman ang binili ko at ipinikita sakanya. "Wooooow! Mama yan yung doll house na gusto ko!"-dalidali naman itong lumapit saakin. At tuwang tuwa na ito ngayon. Galak na galak naman nitong binuksan ang malaking karton ng laruan. Masaya ako to see her na masayang masaya rin. Oo, binili ko talaga yung gusto nyang doll house noong nakaraang dinala sya ni ma'am Evelyn sa mall. I bought it kase yun naman ay para sakanya. Gusto kong masaya lang sya palagi at lahat gagawin ko para maputol ang ano mang ugnayan nila ni Da-Sir Damien which is her father. Hindi ko ginusto ang mapalayo sa isa't isa, yes I maybe selfish but I want this. "Class, I just want to inform you na next week na ang Midterm exam nyo and you should be ready for that. Mag review kayo. Clear?" "YESS!" "Okay, you may go." Nakaka-stress talaga ang araw na to. Hayy gagawa pa ako ng back up na long long quiz para kung sakaling may mga nag fail na student sa exam may mai reretake pa sila and syempre hindi ko naman pwedeng iasa ko ang anak ko sa mga co-teachers ko. 3pm na at dahil out-time ko na uuwi kagad kami ni Ckari. Gusto ko na munang magpahinga. "Baby halika na. Uuwi na tayo medyo tired na si mama eh."-aya ko sa busing-busy na anak ko. She's currently coloring her coloring book. "Okay po mama!"-masigla naman nitong tugon. Nung malapit na kami sa gate, nakita ko naman ang isang pamilyar na tao na hindi ko talaga gustong makita sa buong buhay ko. Bat ba sya nandito? "Tito Damiennnn!"- sabik sigaw batang katabi ko at bigla na lamang itong tumakbo papunta sa lalaking yun. Kumabog ng husto Ang dibdib ko ng buhatin nya yung anak ko at niyakap pa nya na parang miss na miss nya ito, bigla na lamang akong nakaramdam ng kasiyahan ng makita ko sila and at the same time nandun yung guilt. Napatigil naman ako sa mga iniisip ko ng tumingin ang pamilyar na mata saakin. There's no emotion in his eyes so I decided to raise my eyebrows to him. Hmp Bakit ba kase sya nandito? "Tito why you are here? I thought you're busy po"-tanong naman ng inosenteng bata. "I'm not that busy little girl."-at nginitian naman nito ang bata and then they started to turn their back on me and walk. For god sake nandito ang nanay oh. "Okay, but why you're here nga po?" Patuloy parin silang nag-lakad at naka sunod naman ako na parang tanga. Bat kase ayaw mag reklamo nitong bunganga ko? "I'm here para sunduin kayo."       "Bye tito Damien! Punta ka ulit dito sa house namin ni mama hah?.May ikikwento pa ako sayo po!"-ani ng magandang bata. Masayang masaya ito. Samantalang may dalawang pares ng mata na kanina pa inis na naka tingin sa lalaki. "Okay little girl as you wish. Lagi na akong pupunta dito..."-at napatingin ito sa akin. Like What? "If your mom will allow me then..."-ibinalik naman nito ang tingin sa bata at ngumiti ng pagka-tamis tamis. "Mama diba pwede naman po?" Kasalanan nya to eh! Pero kailangan kung mailayo ang loob ng anak ko sakanya. Ayokong baka tumagal ang ganitong sitwasyon at malaman nila ang totoo. Pero paano? "Mama?" "A-ay si-sige okay lang." "Hehey!!"-at nagpa-karga ulit Ito sa lalake. "Let's go inside na Ckari aalis na si Tito Da-damien mo."-yaya ko pa dito. Nag pa karga kase talaga yan haggang dito sa labas. "Ahm..mama pwede po ba na dito na po matulog si tito Da-" "Enough Ckari! Nagiging matigas na ang ulo mo huh."-inis ko pang sabi sakanya. At kinuha ko na sya kay Sir Damien. Nakainis na tong batang to.  "You don't have to shout at her Ms. Castillo."-saligbat ng magaling na lalaki. "Sir Damien please you dont have to..you know, hindi mo kaylangang mangealam. Kase dinidisiplina ko lang yung anak ko. You can go now."-I turn my back at him when carrying my daugher na naka simangot at mukhang iiyak na to isang dura nalang. Wala naman akong natanggap na sagot galing sakanya. But, i know nung sumagot ako sakanya his gaze became angry and I can't explain it. Pero kase di ko dapat sya sinagot ng ganon? Ngayon bakit feel ko na gi-guilty ako? Walang rason para maging guilty!! Bakit na-guilty ba sya sa ginawa nya sakin? Diba hindi? "Mama, bakit ang bad mo kanina kay Tito Damien?"- "Baby."- I sigh. Sumimangotnaman ang bata. "baby namannn." She was about to cry and walk to our room when I grab her and carry her. Next week na pala ang kasal ni Carla!. Pero hindi ko pa alam kung sino ang makaka-partner ko during the march sa wedding. "REEEEEEENN!!" "CARLA!" "I miss you so much girl!" "Ako din naman na miss kita."-Then we hug each other. "Ayy. Eto na ba ang inaanak ko? Ang Ganda ganda naman ng inaanak ko Ren manang mana sa ama." "A.a ikaw hah? Pwede ba wag na muna natin pag-usapan ang ama amahan na yan."- Umupo naman kami sa reserve table para samin. We're currently on the restaurant nag-yaya kase tong makipag meet si Carla. Well, sa tagal naming di nag-kita. Wag nyo nang alamin kung bakit nagka-hiwalay kami ng landas nito. "Ckari, she's your tita ninang. Kiss ka sakanya dali."-Tuwang tuwa namang lumapit ang bata kay Carla. "Oh. Talaga namang napaka-beautiful ng aking inaanak mana sa magandang ninang!" Hindi naman sila nag paawat na tumawa. Tumatakbo ang oras at pinag-uusapan lang namin ay ang tungkol sa mga buhay-buhay namin at about sa wedding nya, ofcourse di mawawala ang story nya tungkol sa first meeting nila ng magiging husband nya. Kinikilig-kilig pa nga eh and ayun tawa din kami minsan kase kalog parin talaga tong isang to, di talaga nawala yun sakanya for pete sake! "Uyy by the way Ren yung makaka partner mo pala sa entourage ay walang iba kundi ang magaling na si Sir Damien, special request nya kaya sino naman ako para tanggihan diba?."-relax na relax na turan nito. "WHAT?!" "Yes Ren exactly at wiz ka na ma do-do naka encode na po sya sa entourage."-mapang-asar na titig at ngisi ang ipinukol nya sakin. Nababaliw na ba tong babaeng to!? If I know galit na galit sya sa lalaking yun tapos ngayon gagawin nyang abay sa kasal nya?! Aba malupet!at magka-partner pa kami! "Carls, aminin mo nga. Nananadya ka ba?" "Aba aba eh malay ko ba sa inyo eh sya ang nag request nyan eh."-bigla naman itong nag-akmang kinikilig. "Ano?! Ni-request nya?!" "uhhuh, Exactly. Actually kanina ko pa nga sinasabi." S-ht! Ano ba talaga ang pumasok sa kokote ng lalaking yun? At bakit naman magaan na ang loob ng isang to sa lalaking yun eh demonyo ang isang yun? Pssh. Sabagay baka boss nya parin. THE WEDDING DAY "Hey baby ! Saan ka ba nanggaling?   Kanina pa kita hinahanap! I'm worried too at baka nawala ka na!" "Mama sorry po."-paumanhin ng bata. "She's with me."- at bigla naman dumating ang lalaking magiging ka partner ko sa wedding na to. Sila nanaman nag mag-kasama.  Bahagya ko namang hinila agad si Ckari papasok sa hotel room kung saan kami pinag-stay before the wedding. Malayo kase ang venue eh tagaytay pa, nakakainggit nga si Carla dahil matutupad na ang dream wedding nya. Well, mayaman kase ang mapapangasawa nya eh thats why. Pasalamat nalang ako at hindi na sumunod pa ang lalaking yun dahil kung susunod pa sya baka hindi na ako makapag-timpi a sakanya.  "Mama nagiging bad ka nanaman samin ni tito Damien. Mama mabait naman si tito Damien eh pero bakit ayaw mo sakanya?"-angal pa nito. Habang nakasimangot na. "Anak please you can't understand and please..stay away from him."-malungkot ko pang tugon. Nakunsensya na ako sa anak ko pero hindi nya maiintindihan ang lahat. "But mama.." "Baby please diba love mo si mama?" "Opo."-tuluyan nang pumatak ang luha nito. "Then please baby. For mama, please."-I wife her tears. "But mama he is mabait naman eh and we have th- "Please..baby." "O-okay po." (knocking) "Ahm.. ma'am ready na daw po ba kayo?" "Okay na po." "Sige po ma'am pupunta na daw po ng Church lahat." "Okay sige susunod na kami sa baba." "Lets go Baby." I hold her hand at handa na umalis. Nakasimangot parin ito at parang  walang gana. Muli ko naman itong inalo. Nilebel ko ang sarili ko sakanya and hugged her. "Don't be lonely na okay?" She nod for her answer. "Dito na kayo sumakay sakin." Speaking of.. "Hindi na may service naman eh." "I insist."-mariin nitong pahayag ulit. He open his car for us pero nag-matigas parin ako. Tiningnan naman nya ako ng matalim dahil sa pag-tanggi ko, nabahag ang buntot ko sa estado ng tinginan nya saakin. I’m use to it, noon. Pero sa ngayon para bang may namoong takot sa loob ko. "Hi-hindi n-na, tara na Ckari sasakay na tayo sa-" "Lets go little girl, mali-late na tayo."-putol nito sa sinasabi ko. And he grab my daughter's hand from me para maisakay ito sa sasakyan nya. WHAT? Kukuhanin ko sana ang kamay nito sakanya ng mabilis nya ito binuhat at maisakay ito kanyang sasakyan. "Ano pang tinatanga mo jan Ms. Eiren Castillo? your daughter is more comfortable here in my car, so you wag ka nang mag isip kung saan ka sasakay dahil wala ka nang choice."-pang-may halong insultong tugon nito and he smirk. So, ano pa ba ang magagawa ko? Edi sasakay nalang. But, this will be the last time na mag-kikita sila ng anak ko dahil sisiguraduhin kong hindi na sila ulit, ilalayo ko sila sa isa't isa hanggat hindi pa nila alam ang totoo. Hindi man ito tama sa mata ng ibang tao pero ito ang tama para sakin. Selfish na kung selfish but I have to do this for my daughter and for me also. Ayokong masaktan si Ckari katulad ng naranasan ko at sisiguraduhin ko naman na magiging maayos ang lahat para kay Ckari kahit wala ang ama nya dahil pupunan ko yun lahat. Kaya ko namang buhayin ang anak kong mag-isa at hindi na namin sya kailangan. I was in the back sit seat while Ckari is in the shotgun sit. Ayoko namang umupo dun no. Medyo maingay ang byahe namin papuntang simbahan, mukha kasing masayang masaya ang anak kong kakwentuhan si Damien, at kung maitatanong nyo po... Naaout of place na talaga ako. "Tito Damien why we have the same eye color?" We march at the red carpet awkwardly. Alam nyo kung bakit? Kase naman.. Flashback... "Tito Damien why we have the same eye color?" Sh-t! Wala namang reaksyong natanggap galing kay Damien but I know he also thinking about that. He glance at me in the rearview mirror. I cant see anything in his eyes pero sobrang kinakabahan ako at biglang natakot. No! Hindi ito dapat mangyari pero nananadya yata ang panahon. "A-aray ano ba!?" Kinaladkad ako nito sa isang tahimik na lugar sa simbahan habang hindi pa nag-sisimula ang ceremony. "I feel something when I met her, and yes! Napansin ko din na pareho kami ng mata and all this time it's always bothering me. Tell me about it, tell me!"-gigil na sabi nito habang kinakaladkad ako. Masakit ang braso ko dahil sa pagkaka-hawak nya ng mahigpit kaya impit akong napapa-daing. Ito na ang pinakakinakatakutan ko? May kaya pa kaya akong gawin this time? Tumulo na ng tuluyan ang kanina ko pang pinipigilan na luha. I bowed my head because I don't want to meet his gaze... A demon's gaze. Natatakot ako dahil alam ko ang kaya nyang gawin pag nalaman nya ang lahat. Natatakot akong baka sa isang iglap lang mawala sakin ang anak ko. "Tell me!"-gigil at pigil nitong sabi. Natatakot ako sobra so I choose to shut my mouth at patuloy naman ang pag-agos ng aking mga luha. I dont care of my make up anymore. Naramdaman ko namang mas lalong humigpit pa ang pag-kakakapit sakin at tanda iyon ng sobrang galit. "Tell me everything!!" Nanginig naman ako sa malakas at baritonong boses na umalingawngaw. My gush. Hindi. Ako ang dapat na galit dito! Ako ang nahusgahan at tinapaktapakan kaya wala dapat syang karapatang magalit! I was about to fight back for my rights when someone suddenly burst. "Inaaway mo pala si mama."-sabi ng malungkot at maliit na boses. Si Ckari. Natigilan naman ang lalake na napatitig sa batang nakatayo na sobrang lapit sakanila. "Tama pala si mama dapat di na ako lalapit sayo kase bad ka pala!"-maluhaluha nitong sambit at pumunta sa kinaroroonan ko. Lumambot ang ekspresyong kanina ay sin tigas na di matitibag na bato. Bigla nya na lamang tinitigan ng mabuti ang bata at hindi pinakinggan ang mga sinabi nito. Mukha syang nasaktan sa sinabi ni Ckari sakanya and then he look at me again, a cold and but angry gaze. "We'll talk later."-he coldly stated. Ibinaba nito ang tingin sa batang nakakapit saakin. "We'll see each other later okay?" Siniluklian lang ito ng tingin ni Ckari and then he walk away. Im so dead this time. "Baby ano mang mangyari, don't ever leave mama hah?"- "Hindi naman kita iiwan mama eh"-sabay Yakap nito sa aking hita. Hinding hindi kita ibibigay sakanya.,kahit anong mangyari. Pumasok kami sa loob ng simbahan ng parang walang nangyari.  Inayos ko rin ang make-up ko but this time I make it lighter para simple lang. Gusto ko munang isantabi ang posibleng mangyari mamaya, gusto ko munang maging masaya ang huling oras na magiging masaya ako. END.. Kaya eto ako ngayon habang nag-mamarch sa simbahan. Yung feeling na ayokong lumingon sakanya dahil baka kainin nya ako ng buhay. I hate that. Ni pag sayad ng braso nya sa balat ko parang gusto kong iwasan. Feeling ko ano... Ano.. Bakit ba ganito ako? Dapat galit din ako sakanya diba, dapat galit ako. Nababaliw ba ako? "Oyy! Ren bat naka tayo ka pa dyan? Umupo ka na!"-bulong na sigaw ni Shana, one of my officemate noon. Napahiya naman ako dahil napatulala pala ako sa unahan. "Mama I'm tired na po." Lumapit ang bata sa ina at nag lambing ito. "Okay baby give me a minute at mag papaalam muna tayo sa ninang Carls mo."agad naman itong tumalima sa ina. Tumungo ang dalaga sa kina uupuan ng bagong kasal at nag-paalam ito na uuwi na sila at pumayag naman ito. "Tara na baby uwi na tayo."-inakay naman nito ang anak. "I'll give you a ride, lets go little girl."-nagulat nalamang sya ng may biglang umagaw ng braso ng anak nya sa kanyang pagkakahawak. Bigla namang may naramdamang inis si Eiren sa ginagawa ni Damien. He using my daughter dahil alam nyang di ako makakatanggi. bwisit. "NO! ayoko sayo!you're bad!"-pilit na binawi ng bata ang kanyang braso saka ito tumakbo sa kunaroroonan ng ina. Napatigil naman si Damien at tininingnan ng masama ang babaeng ina ng kanyang anak and at thesame time napabaling naman ang tingin ni Eiren sa lalaking nakatayo na masamang nakatingin sakanya. Napaiwas naman sya agad. Konsensya, konsensya ang umiiral sa puso't isip nito. Pero naiisip nya sa bandang isip na hindi naman sya ang may kasalanan ng lahat. Iginiya nito ulit ang nakasimangot na anak papunta sa waiting area ng taxi. Pero ang taxing inaasahan ay hindi umubra. Imbis na taxi, isang Black BMW i8 ang syang tumigil para sakanila. Bumukas ang driver's seat at iniluwa nito ang taong di nya muna nanaising makita sa ngayon at halata naman sa mukaha nito ang pigil na galit. Nabuhay ang kanyang kaba sa dibdib. Agad naman nitong binuksan ang shotgun seat. "Get in."-he coldly stated. "Hi-hindi na mag ta-taxi n-" "I said get in."-pilit nitong pakalma sa boses dahil sa batang nag papapuyos ng kanyang damdamin. "Mama tara na po sakay na po tayo wag nalang po natin pansinin yung isa jan kase pinapa-cry ka nya, kase bad sya ayoko na sakanya."-sulsul naman ng magandang bata na naka nguso pa sa ina. Bahagya namang napa ngiti si Damien dahil sa wakas ay pumayag naman ang maliit na bata at dahil narin sa sinabi nito sa kaniyang mama. Pero hindi maiiwasan ang naramdamang kaunting kurot sa huling sinabi nito. "O-okay." "Then lets go." Habang nasa byahe sila. Tila may nakaharang na pader sa pagitan. Hindi sila nag uusap at napakatahimik sa loob ng sasakyan. "Tulog na sya?" Bahagya namang nagulat ang dalaga dahil sa biglaang tanong ng lalaking nasa kanan nya. "Ah o-oo."-ilang nitong sagot at di manlang nag abalang lumingon sa gwapong kausap. "Hindi ka talaga nag abalang sabihin sakin ang tungkol sa bata."-pag uumpisa nito. Na noon din ay hindi sya naka sagot. Napapikit na lamang sya. God! This is what I'm afraid of. Bulong ng kanyang utak. "You didn't do anything para malaman ko. Now, kahit hindi mo pa sabihin sakin ang totoo I have my ways. And once na napatunayan ko wala ka nang kawala. You're so selfish you know that! You even resigned to my company para lang itago sya sakin huh?!"-ipinarada nito ang sasakyan sa gilid. Galit na galit itong bumaling sa babaeng kalong-kalong ang anak na umiiyak ng tahimik na pawang natatakot sakanya kahit di sya nito tignan. "why are you crying huh?!, because what?! So totoo nga? You resigned because you want to-" "Hindi ko pa alam na buntis pala ako nung time na-" "Then why did you resigned for fvck sake?!"-singhal ng lalake dahil sa galit. Kase maduming babae ang tingin mo saakin! Sigaw ng kanyang isip. At hindi nya nagawang ilipag ito sa harap ng lalake. "Answer my damn question?!"-napahampas ito sa manibela at sya namang gulat ni Eiren habang pinapahid ang luha. "Y-you don't have t-to know a-about it."-marahan at malamig nyang sagot dito. "I want to know about it! Alam kong alam mo ang possibilities na mabuntis ka because of that one night! But what did you do?! You didn't give a word bago ka mag resign! Wala naman akong karapatan kang pigilan na mag resign because you have your own mind to decide! At pinayagan kita because I didn't know the truth! Hindi mo alam kung pano ako ka nagdadalawang isip to let you, I don't really had an idea why you wanted to leave!" Napaiyak naman ulit si Eiren. Seriously? You don't have an any Idea kung bakit ako nag resign? Manhid ka nga talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD