STILL A FLASHBACK...
I'm in the middle of reviewing my presentation ng biglang nangalabog sa maindoor ng apartment ko.
Napakunot naman ang aking magandang nuo.
Gabing-gabi na may nangingistorbo pa, saka wala naman akong ini-expect na bisita?
"Ano ba't nangingis-
Nagulat ako.
Anong ginagawa nya dito? amoy alak at lasing na lasing.
" Sir, ano'ng gi--
Then bigla ko nalang naramadaman na I'm in a middle of hell and heaven, he drags me to him.
This time, nangimay ang aking mga tuhod, and if his not hugging me baka napasalampak na ako sa sahig.
He was embracing me tightly sa hindi ko malamang kadahilanan, pero napangiti naman ako sa hindi rin malamang kadahilanan.
Ganito pala ang pakiramdam pag-kayakap ka nya.
I was in my day dreaming ng humiwalay sya sa pag kakayakap nya sa akin.
Yumuko sya at tiningnan ako sa mata at dahilan kung bakit sobrang bumilis ang t***k ng puso ko.
He is looking at me, looking at my eyes, we're looking each other's eyes.
Hindi ko alam kung bakit unti-unti nang kinakain ng kaba ang aking sistema at the same time my heart keeps skipbeating so fast.
Mas lalo pang lumakas ang pintig ng puso ko when something suddenly collides with my lips.
Sya ang first kiss ko.
At hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. I just realize everything when I feel my back gently lying in my bed.
My brain wants me to stop kung ano man ang nangyayari samin ngayon pero, my heart wants to him.
Gusto kong matigil to, but my body doesn't agree with me.
Handa na ba ako?
Lasing lang sya at ayokong mag take advantage. Hindi porket mahal ko sya. Dahil hindi naman ako desperadang tao.
But I think this lust can't stop me now.
Hindi to pwede. I tried to push him, but sobrang lakas nya kaya wala naman akong nagawa pa.
"Ahhh."
Pagka-tapos ng gabing yun, nawala na ang pinaka-iingatan kong bagay sa lahat at nag-sisisi akong naibigay iyon sa maling lalake.
Hindi nakuntento ang tadhana, nahusgahan pa ako, at ang masama pa doon yung taong pinagsilbihan at minahal ko ng husto pa ang gumawa sakin nun.
1month na akong naka-leave sa trabaho to think naman na sya ang boss ko, hindi ko nga sya kayang makita at hindi ko din alam kung paano ako haharap sa taong pinag-mukha akong tanga. Hindi ko din kayang makita sya sa kadahilanang masakit isipin at makita ang taong naging dahilan ng sakit na nararamdaman ko ngayon.
Oo, inaamin ko ginusto ko rin naman pero nasa huli nga naman ang pagsisisi. Gusto kong kalimutan na ang lahat pero di ko magawa, kase kahit anong gawin ko ang sakit talagang isipin at nagagalit ako sa aking sarili dahil kong hindi din ako nag-padala sa damdamin ko hindi sana ganito.
"I enjoyed the night and I hope that money is enough, see you around I need to go."
"I enjoyed the night and I hope that money is enough, see you around I have to go."
"I enjoyed the night and I hope that money is enough, see around I have to go."
Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang kanyang sinabi at paulit-ulit din namang parang sinusuntok ang puso ko sa bawat salitang narinig na pilit ipinaparamdam saakin kung gaano ako ka-walang kwentang babae.
Nakapag desisyon na ako.
Napatigil naman ako sa mga iniisip ko ng bigla nalang ako nakaramdam ng pagka hilo at pag baliktad ng sikmura ko. Dali dali akong tumungo sa cr.
Sana mali ang iniisip ko.
"This, gamitin mo yan. Dali na."
"But Carla I--
"Ayy nako hah! But but babatbatin kita! Wag mo na akong artehan day! Nakkkoo".asar namang sabi Carla.
Do I need to do this?
Tinawagan ko si Carla at sinabi ko sakanya ang nangyayari sakin. Then she came here into my house at ibinili nya talaga ako ng P.T
So pano na pag Positive nga?
Jusko, di ko alam ang gagawin ko.
Tumingin ako sakanya. "Ca-Carla hindi naman siguro diba?"
"hay nako, alam mo ba ren, wala namaang mawawala kung susubukan natin diba? Kung sakali mang buntis ka nga 'di tanggapin! Saka magandang lahi naman yan sayang din."at tumawa pa sya. I glare at her and then tumigil naman sya and make a peace sign.
"Pwede ba Carls tama na dada mo, eto na nga oh susubukan ko na!"
Ngumisi naman sya.
"Good."
Alam na ni Carla lahat, sinabi ko sakanya ang nangyari. Susugurin na nga sana sa office eh kaso lang pinakalma ko nalang sya at baka yun pa ang maging reason para ma-walan sya ng trabaho.
Galit na galit sya nung nalaman nya lahat, actually pati sakin galit na galit sya kase napaka-tanga ko naman daw, then again natauhan naman na daw sya kaya di na sya galit ngayon sakin kase wala nanaman daw syang magagawa dahil nangyari na.
Kaya mahal na mahal ko yang isang yan eh.
No choice ako kaya ginamit ko nalang, para naman din to sakin pero kinakabahan din naman ako para sa magiging result nito.
Hayyyy nananaginip ba ako?
"awts! Sakit!"
"Ren ano na?!"
"Oo na! eto na nga oh!"
hayyyy. bahala na talaga to, basta ano man ang maging resulta tatanggapin ko.
5minutes kaming nag-hintay ng resulta ng test at parang hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa ngayon.
"Hoy, Castillo! Tigilan mo nga ang paroo't parito mo ako ang nahihilo sayo eh " nag-salita nanaman ang maputak na babae.
"Hey Carls, ano na?"lumapit nama ako sakanya para tingnan ang resulta.
"Oh.Em.G.!"
"Ren."
Ipinakita nya saakin ang result at ganon na lamang ang gulat ko..kasabay ng luha ko.
"Tw-two lines mi-means---
"POSITIVE Ren."
END OF FLASHBACK...
Hindi ko na ulit inalala ang sulat na ipinadala nya. Sinunog ko din ang pinag-punitan ko ng sulat na yun at saka ano ba ang sadya nya at may pada-dala pa sya ng sulat?
"Good morning mama."-and then she kiss me all over my face. Sumaya naman agad ang araw ko.
"Good morning din bebe."-I kiss her in her forehead.
Ang sarap ng feeling pag-kakagising mo palang isang angel ang sasalubong sayo.
Since, its Saturday so syempre wala akong pasok. Si Ckari gusto ko sanang ipasyal sya kase before kami natulog last night she ask me kung san daw ba kami mag-hahang out kahit alam kong sobrang antok at pagod sa pakikipag-tilaukan sa ninong nyang si Sir Nes-ay Ernest pala. So, no choice ako kailangan kong pag-bigyan ang anakis ko, pero hindi naman sa kinukonsinti ko sya I have my own reason why I'm doing this.
Hayy wala talaga akong maisip na galaan eh, San kaya? Matawagannga Nestie. Maraming alam yun eh.
"Hello, Nest. Goodmorning!"
[Hanubayan ke aga-aga eh! Ano ba yun?! Storbo ka 'lam mo yun Castillo.!]
"Sorry naman, at saka anong maaga? 9:30 na maaga parin? Maaga sa tanghalian kamo. May gusto lang sana akong itanong."
[uurgh! anobayon!?] haha mukha nabad-shot yata ang Ernesto na to ah.Haha
"Mag-tatanong lang sana ako kung san masarap gumala ngayon. May alam ka ba? Nag yaya nanaman kase yung ina-anak mo eh."
[ah ganon ba? Di mo naman sinabi agad eh. So ibig sabihin ba kasama ako?]
Hay sabi na eh. Bumait kase dora the explorer ang pinag-uusapan.
"Syempre ikaw nga ang may alam eh."
[okay,okay. What time ba?] oh ta nyo?bumait bigla. Pero kanina halos lagnatin kase naistorbo daw.
"Mga before lunch sana Nest. Para dun nalang din tayo mag-lunch"
[okay sige gora. Susunduin ko nalang kayo jan. Bye!]
"okay ba-bye!"
Sa Nuvali naman kami napadpad and It is located in Sta. Rosa Laguna. Well, maganda nga dito ang lawak lawak ng lugar at kahit san mang lugar na gusto mong mag latag ng picnik carpet ay pwedeng pwede. At ayun nga, complete package din dito kase may mga food chains din dito eh tulad ng jollibee and etc.
And take down note po, wala pong entrance fee pero sulit na sulit mo talaga kase napaka fresh talaga ng hangin dito at ang lawak lawak ng pwede mong lakaran. May malaking bridge din kase meron silang human made yata na parang lake. Dun naman sa ilog tuwang tuwa si Ckari kase ang daming koi fish na lumalangoy almost lahat sila maganda ang kulay na medyo may kalakihan din ang size. Pwede nyo sila pakainin ng kahit ano. Ckari feed them a bread kaya naman nag uumpukan naman sila dun sa area na pinag-hahagisan ni Ckari. She is so enjoy this day. The way she smile nakaka kuha din ng pagod ng byahe. Pero di maiwasan minsan na naalala ko sakanya ang tatay nya.
She got the color and the shape of his eyes pati narin ang kanyang ilong.
Minsan naawa nalang din ako sa anak ko kase nga simula noong nakaraang araw hinahanap nya na ang papa nya but I just keep ignoring her question and open another topic.
Nag-ikot ikot pala muna sina Ernest at Ckari para daw mas ma-enjoy nila ang view at atmosphere nakooo! Pag pinag-sama mo talaga ang dalawang yon parang sasabog ang mundo sa kaingayan.
2:30pm palang pala pero hindi naman sobrang init ng panahon ngayon. Ang lamig nga dito sa Nuvali eh kase nga medyo papuntang tagaytay narin kase.
Di mo din talaga maiiwasang makakita ng masayang pamilya na nag pipicnic dito. Nakaka-inggit lang sila tingnan, yung mga batang di matago ang ngiti sa sobrang enjoy at dahil kasama ang mga magulang nila, yung mga mag asawang ngumingiting tinitingnan na masaya ang mga anak nila.
Pero ako sa tuwing tinitingnan ko ang anak ko nalulungkot ako para sakanya and I 'm sure mas lalo syang malungkot dahil di nya kilala ang ama nya at di nya ito nakakasama. Pero paano? Anong gagawin ko?
"Ate Karen ito na po ang mga cupcakes. Since monday naman po ngayon sainyo po muna ang kita nito."
"Ah sige po ma'am Eiren. Panigurado ako dudumugin nanaman to ng mga estudyante mamaya." galak namang sabi ni Ate Karen haang ipinipwesto ang cupcakes sa table.
"Ah ganon ba? nako nasarapan yata sa pag kaka bake nyo ma'am."-ani pa ng isang stuff sa canteen.
"Oo nako pinag-kakaguluhan nga ito eh."
"Kailangan ko pa yata mag-bake ng mas marami."-ako.
"Tara na po mama baka sisimula na po class nyo! Dali na po! dali na po!"
Hinila-hila naman ako ni Ckari. Nako itong batang to, If I know miss nya lang mga nanay-nanayan nya sa faculty room.
"Sige ate Karen hah, nag mamadali na tong kasama ko eh."
"Sige po ma'am baka na mimiss na nyan ayung mga kabarkada nya sa faculty nyo." Tumawa naman kami sa loob ng canteen.
Nagdi-deliver ako ng cupcakes na bini-bake ko pa sa bahay sa canteen namin bago pumasok para kahit papaano may extra kita din araw araw at syempre sa pag-bi-bake ng cupcake hindi mawawala ang taga tikim or should I say taga kain.
Nandyan si Ckari at laging umaali-aligid yan kapag nag be-bake ako kaya minsan nakaka dalawang cupcakes yan bago kami pumasok ng school oh diba sa bahay palang medyo lugi na ako.
Idagdag mo pa si Ernesto na mangungutang laging naka tambay sa table ko pag-vacant sya. Ang rason nya nga minsan kahit yun nalang daw ang kunswelo sa kanya sa pag-babantay nya din sa makulit na si Ckari.
Makapal din ang mukhaa nya talaga minsa-- ay lagi pala hehe.
"Hey ma'am Eiren asan na ang inaanak ko?"
Speaking of.
"Nandoon kay Ma'am Evelyn bakit?."-napangiti naman ang pobreng bakla. Haha peace.
"Ah okay. Pero alam mo ba Ren--
"Hindi pa eh bakit alam mo na ba?" pamilosopo ko pa dito. Sumimangot naman sya.
"Oo alam ko na kaya nga ikikwento ko eh."-saglit kaming napatigil at napa tawa naman.
"Oh eh ano ba yun?"-napasandal naman ako sa aking upuan.
"May mag-dodonate pala dito bukas ng mga new computers para sa mga i.c.t students natin sa senior high. Pero NGO daw yata."-
well, yun lang pala akala ko kung ano nanamang chismis.
"So ano ang big deal mo dyan aber?"-sagot ko naman. Akala ko kase malala ang ichichika nya yun lang pala.
Paano eh daig pa ang tinga kung maka dutdut sakin sa table. Pero kahit ganyan si Nesty napaka bait nyan at napaka sarap kasama masiyahin kase sya at kalog.
"Ay grabe na talaga! Meron ka ba at ganyan ang GMRC mo ngayon? Makapang bara eh!"
"Pst. Oy! Sir Ernest magpa tulog hah? Aba eh ang lakas ng boses mo oh!"-inis naman na reklamo ni Ma'am Florido.
"Haha yan kase high blood agad di na mabiro." Habang inis naman sya ay tiwanan ko nalang sya.
Masarap din palang mang inis.
"Hi Ma'am Eiren, Hi ma'a--eh sir Ernest!" bati naman ni Ms. Loyola at lumapit samin.
"Hi" sabay naman naming bati ni Nestie.
"Tomorrow na daw ang delivery ng mga computers ang gadgets guys ah, and take note we need to welcome the hot and super gwapong CEO ng kompanyang mag dodonate."-patiling wika ng teacher.
"Isa ka pa Ma'am Loyola. Faculty ito hindi fans signing ng k-pop event"-inis namang sabad ulit ni ma'am Florido na hindi makatulog.
"Ay sorry po ma'am Daisy sige tulog na po kayo."-at nag peace sign pang sabi ni Loyola.
Nahiya naman silang dalawa kaya napag-pasyahan nalang nilang bumulong.
"Weh? Di nga!? Gwapo? Gwapo?"-curious na curious namang tanong ng nag papaka lalakeng bakla. Haha take note naka bulong yan.
"Oo nga kasasabi ko lang nga eh!"-pilosopong sagot nito sa bakla. Di umasim ang mukha ng dakilang si Ernesto.
Naiinis naman ako sa kanilang dalawa na kanina pa pinag-uusapan ang tungkol bukas, pero patuloy parin akong nakikinig habang inaayos ang mga paper works ng mga students ko. Kesyo daw na sobrang gwapo, sobrang yaman at sikat na business man, na 32 years of age daw at kesyo may pag-asa pa daw sila.
Pati ang edad inalam talaga at mas malala pa dyan nag-aassume pa.
Ako para sakin kahit gaano pa ka gwapo yan kung gago naman ang ugali, bakit pa?
Hindi ako bitter guys pero real talk po yan. Dun nalang ako sa pangit na mabait kung ganyan din lamang ang usapan.
"Mama! Andito na po ako." andito na pala ang galaerang bata.
"Pansin ko nga"-sabi ko naman dito. Lumapit naman sya sakin.
"Basang basa ang likod mo! Saan ka ba nanggaling?"
"Sorry po mama di po ako nag-paalam isinama po kase ako ni Teacher-ninang Evelyn sa mall eh kase bumili po sya nang kulay snake na bag kase sale daw po mama, we punta-punta to icecream parlor po dun bumili po kami ng mango icecream. May nakita din kaming doll house dun ma gusto ko sanang bilhin kaso wala naman daw akong money sabi ni teacher ninang. Kaya we went nalang sa book store."
Eto nanaman po kami sa kadaldalan ni Ckari.
"Anong gi-
"Binilhan ako ni teacher ninang ng story book. I like yung ano mama yung isang story kaso lang may naunang kumuha sakin. Sya po si Tito Story. I didn't know his name mama eh kaya tito story nalang kase he told me na his nephew likes to read stories daw kaya he going to buy him one sana but instead of getting the story book na pareho naming want he gave it nalang to me kase I'm so cute and adorable naman daw."-ngumiti pa ito ng pagka tamis tamis habang nakakandong saakin kase may alam nyang may kasalan na naman sya.
"Diba sinabi ko na sayo na di ka pwedeng makipag-usap sa strangers diba? ?"
Sumimangot naman ito. Inalo ko nalng kase napagod yata kaya ganto nanaman.
"Sorry mama." Pinunasan ko naman ang likod nya at niyakap sya.
"Its okay pero wag mo na ulit uulitin yun okay?"
"Okay."
"Vitonvouge ang apilyedo!?"
"Oo Sir Ernest! Excited na talaga akong makita sya tomorrow!"
Vitonvouge?
Bigla akong kinabahan at bumilis ang t***k ng puso ko..
Hinding hindi ko malilimutan ang apelyidong yan.
This is the day na pinaka-ayaw ko na yatang mangyari but, I have no choice naman.
Eh ano naman kung makita nya ako? Hindi na dapat big deal yun right? Ewan ko ba.
"Mga Ma'am and mga Sir Ma'am Principal ask us to go to the audio visual room kase nandoon na daw si mr. Vitonvouge!" Nakita ko namang biglang nagbulungan ang dalawa. Well, alam nyo na kung sino sino.
"Goodmorning all teachers of Collegio de San Agustin." Nag-simula naman syang mag-salita sa unahan at ang ginawa ko di talaga ako nakinig. Kaplastikan lang lahat ng sinasabi nyan 'swear.
After 5years nakita ko ulit sya at mas naging gwapo at matikas na sya kesa noong 5years ago kaya nga siguro ako nainlove dyan dati eh. Halatang halata naman na sagana sya lagi sa work out dahil sa nag-hihimutok biceps kahil pa naka corporate atayr sya.
Ang totoo ano ang ipinunta ko dito?
Well, as of now baka may pamilya na din yan sa itchura nyan. Di maaring mawalan. Napaka swerte ng naman siguro sakanya ng babaeng pinakasalan at minahal nya.
Hayy heto nanaman ako.
Ckari pop up in my mind. Naaawa ako sa anak ko. Hindi nya deserve to eh, she should have a happy family at alam ko she needs her father. Pero ayoko naman ipag-siksikan ang anak ko sa lalaking yan at baka i-reject nya lang saka may pamilya na siguro sya at ayoko naman naninira ng buhay na may buhay. I don't want Ckari to be hurt thats why I'm doing this.
Teka? Asan ba yung batang yun?
Nakay Ma'am Evelyn pala.
Napag desisyunan ko nalang na umalis sa audio visual. Nag excuse naman ako sa mga teachers mag-ccr lang ako.
Well, kitang kita ko naman sina Ernest at Ma'am Loyola kanina. Bulungan ng bulungan. If I know gwapong gwapo ang mga yun sa lalaking yun. Pero di nila alam ang tunay na baho nyan. Gago yan.
Natapos naman agad ang conference sa AVR but hindi parin daw umuuwi ang CEO kasi daw ay mag-iikot pa ito sa buong school. Pero, wala namang problema dun kase naman eh kahi semi-private school lang kami pero napaka ayos at maganda ang quality namin dito. Ang mga rooms ay may tigiisang aircondition at ang gingamit na namin sa pag tuturo ng mga student namin ay sa projector nalang meaning sa bawat isang room may sarili ring projector. But, hindi ito provided ng deped provided din yata to ng Gagong yun.
Asan na kaya si Ckari? Hay talaga naman ang mag-ninang na yun oh!lakwarchera talaga eh dinaig pa si Dora.
Nag-lalakad lakad ako sa hallway dahil hindi naman ako takot na in case na magka-salubong kami. At hinahanap ko din kase sina ma'am Evelyn.
Asan na ba ang mga yun?
"Mama! Mama!"
Pag lingon ko sa likod.
S-ht!
Bakit kasama nya yang lalaking yan?!
Napatulala lang ako habang bahagya silang lumalapit sa kinatatayuan ko.
"Mama may ipapakilala ako sayo!"
Nakabawi na ako sa pag kaka tulala ko pero alam ng Diyos kung gaano ako ka tensyonado.
Like what the f!
Hindi ko sinubukang tumingin sakanya pero but aside of that I can smell his scent, his masculine scent that makes my mind confusing.
Yumoko naman ako sa anak ko.
Nakkoooo!
Pano ba sila nag kita ng madaldal na to.?
"A-ah ganun ba? pero kailangan na nating umuwi eh, lo-look ha-hapon na oh, Tara na?".habang hindi parin tumitingin sa kasama nya.
Haaaay ano ba tooo? Kelangan na talaga naming maka alis.
Hindi pwede to.
"Eh mama just for a while lang naman ma eh!" pamimilit nito na naka simangot na. Hay nako Baby kung alam mo lang sana lahat.
Samantalang ang Sir ay wala paring imik na alam kong nakatitig na saamin. Pero hindi ko sya tiningnan.
"Sa susunod na-nalang siguro baby b-baka busy din ka-kase si Mr. Vitonvouge na--
" Its okay for me Ms. Castillo, gusto ko rin naman makilala ng husto tong si little girl na anak mo pala."
Nagulat naman ako ng sa wakas ay nag-salita na sya pero may halong sakastiko ang boses nito at in-emphasize nya pa ang salitang anak.
Kahit nag-salita na sya, di na ko nag abalang tingnan sya kase ayoko lang talaga. Napa ayos naman ako ng tayo sa sinabi nya. Pero Hindi ko naman inalis ang tingin ko sa anak ko. I didn't expect na mag-sasalita sya so napa tulala nanaman ako.
"Oh diba mama, okay lang kay tito Story na ipakilala kita sakanya!"
Tuwang tuwa naman ang bata.
So, ito din ang lalaking nakita nya sa book store?
Small world talaga pala. Pero sana naman hindi nila ma Identify ang isa't isa na mag ama sila dahil yun ang hindi ko kakayanin. Baka pag-nalaman nya ay ilayo nya sakin ang nag-iisag kasiyahan ko.
Hindi.
Kailangan kong ilayo agad sakanya agad si Ckari.
"Tara na Ckari! Aalis na tayo!"
Hindi ko sinasadyang kaladkarin ang anak ko pero kaylangan.
We have to escape as soon as posible.
Nag-lakad kami papuntang Faculty para kuhanin na ang ang gamit ko.
"Huhuhu mama. Gusto ko lang namang makilala mo si Tito Stor-
"Stop it Ckari! No. hindi pwede at saka busy yung tao and we have to go I told you right?!" I slightly shout at her.
Hindi ko gusto ang maging mahigpit sakanya pero para din to saamin.
I'm so sorry baby , hindi mo pa maiintindihan ngayon. Ayoko lang na mawala ka sakin.
"Bad ka pala mama huhuhuhu"
Napatigil naman ako sa mga binanggit nito. Natauhan ako.Yumuko ulit ako ng bahagya at hinimas ang kanyang mamula-mulang pisngi.
"Sorry baby, we just need to go already saka diba sabi mo kanina nag papabili ng icecream?"
Bigla naman itong napatigil sa pag-iyak at tahimik namang tumango-tango. Pumara naman kami ng jeep para maka sakay na.
Pero may bigla nalang pumaradang mamahaling sasakyan sa harap namin.
"I'm offering you a ride and I don't take no for answer" its Vitonvouge again.
"Tito Story!"agad namang sumakay ang bata sa sasakyan na bahagyang naka bukas.
Fvck.
So, wala na akong nagawa naka sakay na si Ckari eh. Jusme talagang bata to!
Nakaka-inis.
Naka stress talaga ang araw na to. Sana di na to maulit. Sana di na sya ulit mag-pakita samin after this day.