MABILIS akong umahon sa pool pagkakita sa madilim na anyo ni Phillip sa harapan namin. Kung hindi ko lang alam na labis ang disgusto niya sa akin ay iisipin kong nagseselos siya kay Ian. Ngunit alam ko namang malabo iyon… “P-Phillip…b-bakit?” nag-aalangang tanong ko. “Enjoying your stay here?” sa halip ay mapanganib niyang tanong. Hindi ako sumagot bagkus ay tinitigan ko lang siya. At dahil sa nakikitang kong galit niya ay nilingon ko si Ian para magpaalam na. “I-Ian, salamat sa oras. It's a pleasure to meet you.” Bakas ang pag-aalala sa mga mata ni Ian ngunit hindi na siya nagkomento pa. Naiilang na nginitian ko siya saka binalingan si Phillip. “How’s your meeting with Mr. Reyes? Kumain ka na ba? May kasunod ka pa bang meeting?” sunod-sunod na tanong ko habang naglalakad kami pabalik

