PILIT kong pinaglabanan ang nakakatakot na tingin sa akin ni Phillip. Hindi ako magpapaapekto sa kaniya. Napansin marahil ng mga kasamahan niya na wala sa kanila ang atensyon ni Phillip kung kaya lumingon din sila sa gawi ko. Mabilis ko namang iniwas ang tingin sa kanila. Diretso lang ang mga mata ko sa direksyon ng infinity pool ngunit sinadya kong doon dumaan malapit sa mesa nila. Ramdam kong nakasunod sa akin ng tingin si Phillip maging iyong mga kasama niya. “Who’s that?” naulinigan ko ang tanong noong isang lalaki kay Phillip. Hindi ko na narinig ang naging sagot niya dahil lumampas na ako sa pwesto nila bukod sa napakahina ng boses niya. Hindi man ako lumingon ay ramdam ko ang mga mata niyang nakasunod ng tingin sa akin. Napangiti ako dahil iyon ang inaasam ko. Gustong kong makita n

