ANG sabi ni Phillip ay babalikan niya ako kinabukasan. Ngunit dalawang araw na ang lumipas ngunit hindi siya bumalik dito sa Resort. I'm beginning to feel incredibly dumb. Mika called to check on how I was doing, and I made up stories about how much I was enjoying my honeymoon. Ayaw kong aminin sa kanila na mag-isa ako sa unang dalawang araw namin ni Phillip bilang mag-asawa. Buong akala ko ay magiging masaya ako at madali ko lang siyang mapapaibig, ngunit nakikita kong determinado siyang iwasan ako. Maghapon lang ako dito sa hotel room. Ni hindi ko alam kung nasaan si Phillip o kung may balak pa ba siyang balikan ako dito. Nakaupo ako sa balcony at pinagmamasdan ang magandang tanawin sa labas. Siguro ay mas magandang pagmasdan ang paligid kung kasama ko si Phillip dito. Hindi ko pa rin m

