The party went on, and so did my efforts to convince everyone that everything was fine between Phillip and me. Umasta kami na para bang mahal namin ang isa’t-isa. Kahit pa alam kong sa aming dalawa ay ako lang ang nagmamahal. Alam ko din na hindi ko mabibilog ang ulo ng ilang malalapit na kaibigan at kamag-anak namin na nandito. Marahil iniisip nila na isang kasunduan lang ang kasal na ito. It was, however, normal for the wealthy. For them, marriages of convenience are the norm.
“Congratulations Phillip! You’ve got yourself a pretty wife!” pagbati kay Phillip ng isang lalaking lumapit sa amin. May katandaan na siya at namukhaan ko agad siya. Siya ang sikat na newscaster sa isang kilalang TV Station. Sa katabi niya ay ang kaniyang asawa na malawak din ang ngiti sa amin.
“Thank you,” tipid na sagot ni Phillip. He pretended to wrap his arms around my waist, but I could sense his reluctance to even touch me. Pilit ko na lang iwinaksi sa isipan ang mga naobserbahang kilos niya. Sa halip ay malawak ang ngiting isinukli ko sa mga bisitang lumapit sa amin.
“Hija! You look stunning! Congratulations!” salubong sa akin ng mommy Estelle ni Phillip. Katabi niya ang ilang mga kamag-anak at kaibigang babae na panay din ang bati at beso sa akin.
“T-Thank you, tita,” nahihiyang sagot ko. Sinulyapan ko si Phillip na noon ay kausap na si Daddy at ilan pang mga negosyanteng kasama sa aming mga bisita.
“What?! Tita? I am your Mommy Estelle now,” nakangiting tugon ng ginang.
“T-Thank you, M-Mommy,” naiilang na sagot ko.
“Estelle, I had no idea Phillip and Regina were dating. I didn't mean to offend you, Regina; I just thought Phillip is dating that supermodel,” bigla ay sangat ng babaeng katabi ni Mommy Estelle. Hindi ako agad nakaimik dahil sa sinabi niya.
“What?! They broke up a year ago!” mabilis na sansala ni mommy Estelle sa sinabi ng babae. Halata din ang pagkainis niya.
“Oh, I didn't hear about their breakup. Hija, I'm sorry. It's just that I'm intrigued,” hinging paumanhin naman ng babae lalo na nang mapansin niya ang kakaibang tingin sa kaniya ni mommy Estelle.
“Ladies, where are your manners? You do realize it's Phillip and Regina's wedding day, and you're bringing up Phillip's ex-girlfriend?” mabilis na awat ng isa pang kasama nila. Marahil ay napansin din niya ang pagkainis ni Mommy Estelle. Maging ang ilan pa nilang kasama ay pasimpleng siniko ang babaeng nagtanong.
“It’s okay,” sagot ko sa kanila.
“Anyway, congratulations on getting married!” sangat na lang ng iba pang kasama ni mommy Estelle bago nagpaalam. Pilit na ngumiti si mommy sa kanila at nang makaalis ang mga ito ay narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
“Masanay ka na, hija. People will always say things like that. They will always keep an eye on you and Phillip. Maghihintay sila kung kailan kayo maghihiwalay. That vicious woman is a friend turned enemy of mine, hence the rude and insulting questions.”
Nakagat ko ang ibabang labi sa sinabi niya. Alam ko namang ipinilit ko lang ang kasalang ito at maging siya ay hindi lubusang sang-ayon sa biglaang pagpapakasal namin ni Phillip.
“Pagpapasensyahan mo ang anak ko, hija. I know he is mad,” aniya habang nakatitig sa akin. Mapanuri ang kaniyang mga mata at bakas ang kaseryosohan sa maganda niyang mukha.
“O-Opo. Sorry po—“
“You don’t have to say sorry to me,” maaga niyang putol sa sasabihin ko. “Andiyan na iyan, you and my son are already married. I don't like broken marriages. Regina, do everything possible to protect your marriage. Ayaw ko ng wasak na pamilya,” puno ng kaseryosohan niyang bilin. Bahagya pa siyang tumango na tila pinapalakas ang loob ko. Habang nakatitig ako sa mga mata niya ay para akong nakahanap ng kakaibang tapang. Yes, I'll go to any length to protect this marriage. Tumango ako at noon ngumiti si mommy Estelle. Tinapik pa niya ang balikat ko saka nagpaalam at sumunod sa mga kaibigan.
“So, how’s the bride? Happy? I can’t believe you, girl! Nagpakasal ka talaga!” bulong ni Mika na lumapit sa akin pagkaalis ni mommy Estelle. Sa mga kaklase ko ay siya lang ang inimbitahan ko.
“Why can’t you be happy for me?” nakairap na sagot ko.
“Gusto ko man, pero nakikita ko ang bawat tingin sa ‘yo ng asawa mo. At hindi maganda ang nakikita ko, girl!” komento niya.
“Don't worry, I'm sure he'll fall in love with me once we move in together. Hindi ako papayag na maghiwalay kami,” siguradong sagot ko.
At dahil sa bilin sa akin ni mommy Estelle, sa karamihan ng tao ay hinanap ko si Sabrina, agad ko naman siyang namataan sa isang sulok ng hall. She just stands there, watching us quietly. Nang sulyapan ko si Phillip ay abala pa rin siya sa pakikipag-usap sa mga bisita. Humakbang ako papalapit kay Sabrina na siya namang ikinagulat ni Mika.
“Regina! Saan ka pupunta? Ano na namang gagawin mo?” pigil niya sa akin. Mabilis niya akong hinawakan sa braso. “Girl! Today is your wedding day! Anong gagawin mo? Masisira lang ang araw mo!”
“I’ll just warn her. Stay here!” aniko at nagpatuloy sa paghakbang papalapit kay Sabrina. Halata naman ang pagkagulat ni Sabrina pagkakita sa akin na papalapit sa kaniya.
“Regina…c-congratulations,” naiilang na bati niya sa akin. Sinulyapan niya ako at nahalata ko ang pagdaan ng takot sa mukha niya dahil sa tingin na ipinukol ko sa kaniya. Hindi ako nag-abalang ngitian siya at seryoso ko lang siyang tinitigan.
“How long will you keep acting like you're an angel?”
“A-Ano?” nalilitong tanong niya.
“It’s our wedding day, Sabrina, pero hindi ka man lang nahiya! Nakipag-usap ka pa kay Phillip. Ano? Inaakit mo pa rin siya?”
“Hindi ko siya inaakit!” tanggi agad niya. Bakas ang matinding pagkabahala sa mga mata niya dahil sa galit na ipinapakita ko sa kaniya ngayon.
“Tumanggi ka hanggat gusto mo! Stop talking to him or you won't like what I'm going to do next!” mahina pero mapanganib na banta ko.
“R-Regina, alam kong galit ka sa akin…sa amin ni Mama..pero maniwala ka sana sa akin, hindi ako tulad ng iniisip mo. Ang totoo ay gusto kong maging malapit sa ‘yo.”
“Really? At gusto mo pang mapalapit sa akin? Napaka-plastic mo! Matapos mong sirain at agawin ang lahat ng akin!”
“Hindi ko sinasadya,” mahinang mahina ang boses niya na lalong nagdulot sa akin ng matinding iritasyon. Bagay na bagay siguro sa kaniya ang gumanap na Cinderella sa pelikula dahil sa mga pagpapaawa niya. Akmang magsasalita ako nang maulinigan ko ang boses ni Phillip sa aking likuran.
“Regina, they are looking for us.”
Nang lingunin ko siya ay nakatuon ang mga mata niya kay Sabrina. Lalong nagpuyos ang aking kalooban. He is talking to me, yet his eyes are on Sabrina. Nilampasan ko siya at nagpatiuna nang maglakad pabalik sa pwesto na nakalaan para sa amin. Ngunit bago ako makalayo ay nagbabanta ang mga matang nilingon ko si Sabrina. Si Phillip naman noon ay sumunod na sa akin at sinabayan ako sa paglakad.
“What did you say to her?”
Ganoon? Pagdating kay Sabrina ay nakikipag-usap siya sa akin.
“Ano sa tingin mo ang sinabi ko sa kaniya?” mataray na ganting-tanong ko. Narinig ko ang malalim na buntong-hininga niya.
“Hindi mo kailangang ibunton lahat ng galit mo sa kaniya.”
Naiinis man ay hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong sumagot sa sinabi niya dahil agad kaming sinalubong ng event host. Tapos na ang programa at nakahanda na ang sasakyang maghahatid sa amin patungo sa aming honeymoon destination. Ang totoo ay wala akong ideya kung saan kami patungo dahil si Phillip umano ang pumili ng lugar na pupuntahan namin.
Panay ang palakpakan at sigawan ng mga bisita habang papatungo kami ni Phillip sa sasakyan na naghihintay sa amin. Sinulyapan ko ang mga bisita at namataan ko si Daddy na nakangiti sa akin ngunit halata ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Nang magsimulang umusad ang sasakyan ay saka ako nagkaroon ng lakas ng loob na magtanong kay Phillip.
“Saan tayo pupunta?”
“Bohol,” tipid na sagot niya na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
Napataas ang kilay ko. Buong akala ko naman ay sa ibang bansa kami magtutungo.
“I have a meeting with a client there,” dagdag niya na lalong nagpakunot ng noo ko.
So, may business meeting siya sa Bohol kaya doon kami pupunta?
Gustuhin ko mang awayin siya sa inis ay hindi ko na magawa dala ng pagod. Hinayaan ko na lang siya at parang mabait na batang sumunod sa kaniya. Dumiretso kami sa airport kung saan naghihintay ang private plane. Matapos ang mahabang biyahe ay nakarating kami sa sikat na Beach Resort and Spa. Hindi pa ako nakakarating dito bagamat nabasa kong nai-feature ang lugar na ito sa isang sikat na international travel and leisure magazine. Napangiti ako dahil kahit papaano ay magandang lugar naman ang aming pinuntahan. Ngunit agad na nabura ang ngiti ko nang pagdating sa room namin ay agad na nagpaalam si Phillip.
“I have to leave. I have to meet someone.”
“What? Iiwan mo ako ditong mag-isa?” nabiglang tanong ko. Gulat naman na napatingin siya sa akin. Then a sarcastic grin crossed his handsome face.
“Why? Kailangan bang bantayan kita?” nakakalokong tanong niya.
“B-But…but..,” hindi ko magawang ituloy ang sasabihin. Bigla ay nakaramdam ako ng hiya dahil sa nang-uuyam na tingin niya sa akin.
“Are you seriously hoping that I'll stay in this room for our wedding night?”
Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi sa tanong niya. Nang humakbang siya palabas ay agad akong humarang sa daan.
“P-Phillip, please huwag mo naman akong iwan dito,” pakiusap ko.
“I came here for business, at iyon ang pupuntahan ko,” malamig na tugon niya.
So, iiwanan nga niya ako ditong mag-isa? Dahil hindi ako umimik ay nagpatuloy na siya sa paghakbang at nilagpasan ako.
“I’ll be back tomorrow. May kakausapin lang akong kliyente.”
Liar! Alam kong iniiwasan lang niya akong makasama. Sino pa ba ang kakausapin niya sa ganitong oras? Gabing gabi na at alam ng lahat na kasal namin ngayon. Kahit gusto kong tumutol ay wala na akong nagawa nang tuloyan na siyang lumabas ng kwarto.
Paano ko siya mapapaibig kung ganito siya kailap sa akin?