MATAPOS ang naging pag-uusap sa library ay agad ding nagpaalam si Tito Leandro na aalis na. Hindi ko na muling namataan si Phillip, marahil ay hindi na niya maatim ang bumalik sa opisina ni Daddy para pag-usapan ang kasal namin. Pagkaalis ni Tito Leandro ay kami ni Daddy ang naiwan na magkaharap. Agad akong nakadama ng pagkailang.
“I'm sure Phillip is upset with me, but I hope you're happy now,” seryosong simula niya. Napapahiyang tinitigan ko lang siya. Maging sa kaniya ay hindi ko maramdamang masaya siya sa naging desisyon na ipagkasundo kami ni Phillip. Nang akmang aalis na siya ng silid ay mabilis akong tumayo buhat sa couch at hinabol siya.
“D-Daddy, b-binabawi ko na—“
“It's too late, Regina! I am a man of my word. Nasabi ko na ang gusto kong mangyari at hindi ko na babawiin ‘yon!”
Hindi ako nakaimik. Worry filled me as I watched Dad’s back leaving the library. Sumunod ako sa kaniya at pagdating sa sala ay siya namang pagdating ni Helena. Hawak niya ang cellphone at masayang sinalubong si Daddy.
“Callyx! Tingnan mo itong resort sa Balesin! Gusto ko din dito maikasal! Dito pala ikinasal iyong si—“
“I'm afraid we'll have to postpone our wedding, Helena,” putol sa kaniya ni Daddy.
“P-Postpone? Anong ibig sabihin noon?” tanong niya. “Hindi na tayo magpapakasal?”
“Ang ibig kong sabihin ay…ipagpaliban na muna natin,” paliwanag ni Daddy Callyx.
“Bakit naman?” napalakas ang boses na tanong ni Helena. Nagdududa ang mga tingin na ipinukol niya sa akin.
“Because Regina is getting married.” Napahilot pa si Daddy Callyx sa noo habang sinasabi iyon na animoy malaking problema ang pagpapakasal ko.
“Ha? Ikakasal ka? Kanino naman?” buong pagtatakang tanong ni Helena sa akin.
Sinupil ko ang hiyang nararamdaman. Hindi ko gusto ang magpakita pa ng anumang kahinaan sa harap niya.
“Yes, I’m getting married to Phillip,” seryosong sagot ko. Kitang kita ko nang manlaki ang mga mata niya pagkatapos ay dumaan doon ang inis na dagli din niyang sinupil.
“P-Paanong?! Kay Phillip?” hindi makapaniwalang tanong niya.
“Yes, you heard me right. Magpapakasal kami ni Phillip,” walang emosyon na sagot ko.
“P-Pero C-Callyx, tayo ang naunang mag-anunsyo ng plano nating pagpapakasal! Bakit siya biglang magpapakasal? Paanong si Phillip—“
“Helena, hon, we must make way for Regina and Phillip,” simula ni Daddy na inabot ang kamay ni Helena para pakalmahin ito. Hindi ko mapigilan ang mapairap sa nasasaksihan. “I assure you, it is best if they marry as soon as possible. Right, Regina?” baling din sa akin ni Daddy na nilingon ko. Alam kong may laman ang sinabi niya. Saka ko naalala ang kondisyon na inilatag sa kaniya kapalit ng kasal na hiniling ko.
“Yes,” walang buhay na sagot ko. Habang nakalingon sa akin si Daddy ay nakita ko ang pagtalim ng mga tingin sa akin ni Helena kaya naman malawak ko siyang nginitian. Ngayon ko lang naisip na dahil sa pagpapakasal ko ay maaantala ang kasal nila ni Daddy. At malaking bagay para sa akin iyon. Magkakaroon pa ako ng mahabang panahon para alamin ang nakaraan niya. Malakas ang kutob kong may itinatago sila sa kanilang nakaraan. Hindi ako naniniwalang hindi lang niya magawang ikwento sa amin ang nakaraan nila dahil sa trauma umano sa dinanas. Bagamat nagawa niyang dalahin si Daddy sa lugar na dati nilang tinirahan ni Sabrina, halos wala naman silang kamag-anak doon. Hindi iyon sapat para pagtiwalaan ko siya.
MABILIS na lumipas ang mga araw at kasabay noon ang pagkalat ng balita tungkol sa nalalapit na kasal namin ni Phillip. Iba talaga ang nagagawa ng pera. Nagagawa nitong pakilusin ang lahat. Maging ang puso na walang nararamdamang pagmamahal para sa isang tao ay kaya nitong itali. Tulad ni Phillip. Alam ko na dahil sa negosyo kaya siya pumayag na makasal sa akin kahit pa alam ko kung gaano niya ako kinasusuklaman. Tulad nang ipinangako noon ni Tita Leandro, sinigurado ng pamilya nilang maipapaalam sa publiko at mga kilalang tao ang tungkol sa pagpapakasal namin. Nakikita ko ang disgusto ni Helena sa sitwasyon. Si Sabrina naman ay tikom ang bibig bagamat nakita ko ang pagkabigla niya noong malaman niya ang pagpapakasal namin ni Phillip. Batid ko din ang mga pag-iwas niya sa akin. Dahil doon ay hindi ko mahulaan kung ano ba ang tunay niyang damdamin kay Phillip.
Kakatwang kalat ang balita tungkol sa nalalapit na kasal namin ni Phillip pero ni anino niya ay hindi ko masulyapan. Buhat noong huling pag-uusap namin dito sa opisina ni Daddy ay hindi na muling nagpakita si Phillip dito sa mansyon. Tanging si tita Estelle, ang ina ni Phillip, ang kumausap sa akin at sumama sa paghahanda para sa kasal namin. Although she didn't say anything directly, I know Tita Estelle isn't thrilled about my upcoming wedding to her son. Dahil doon ay labis ang kaba at pag-aalala ko ngunit wala naman akong mapagsabihan ng takot bukod kay Mika na wala din namang maipayo sa akin. Bagkus ay nagagalit siya sa padalos-dalos ko umanong desisyon.
Dalawang buwan lang ay agad naihanda ang kasal namin. Sa kilalang hotel ang napili naming pagdausan niyon. There were fresh flowers everywhere, a gorgeous white wedding cake, stunning lighting that gave the impression that we were floating in the sky, and a wedding dress covered in thousands of crystals—all signs that our wedding had been meticulously planned. Ngunit lahat ng ito ay hindi sapat para mapagtakpan ang katotohanang walang nararamdaman si Phillip para sa akin.
Tulad noon, halos hindi niya ako tiningnan habang ina-anunsyo sa mga kaibigan at kakilala namin ang aming pagiging ganap na mag-asawa. Hanggang sa makarating kami sa reception ay hindi niya ako kinibo. Gayunpaman ay hindi ako nawawalan ng pag-asa.
I will make you love me! bulong ko sa isip.
Paminsan minsan ay nasisilayan ko si Phillip na ngumiti kapag may mga kakilala siya na bumabati sa amin. Magkatabi kami sa upuan pero halos hindi kami nag-uusap. Pinagmasdan ko ang mga bisita. Ang mga kalalakihan ay abala sa pakikipag-usap sa isa’t isa. Kahit hindi ko dinig ay alam ko ang paksa ng kanilang usapan. Negosyo. Halos lahat yata ng mga bisita dito ay mga kasamahan sa negosyo nila tito Leandro at Daddy. Sa tabi ng bawat kalalakihan ay ang kanilang asawa o nobya na pawang may mga suot na mamahaling alahas, o di kaya naman ay may bitbit na designer bag. Lahat sila ay nakangiti sa tuwing magagawi ang tingin sa akin. Ngunit alam kong sa likod ng mga ngiting iyon ay ang mga lihim na bulongan tungkol sa aming biglaang pagpapakasal.
Siya namang pagdating ng babaeng gusto ko na sanang mawala sa buhay ko. Agad nabura ang aking ngiti pagkakita kay Sabrina. Nakatayo siya di kalayuan sa pwesto namin ni Phillip. She’s wearing a simple pink dress. Hindi ko pa rin maunawaan kung anong nagustuhan ni Phillip sa kaniya. Malayong-malayo siya sa mga naging kasintahan nito. Tumingin si Sabrina sa gawi namin at tipid na ngumiti. Sa pagkabigla ko ay mabilis na tumayo si Phillip at lumakad sa gawi niya. Ni hindi man lang siya nag-abalang magpaalam sa akin. Batid kong madami sa mga bisita ang nakaabang sa bawat kilos namin, at napapahiya ako dahil basta na lang ako iniwan ni Phillip sa pwesto.
Hindi ko magawang alisin ang mga mata kina Sabrina at Phillip habang nag-uusap sila. Nais ko sanang sumunod sa kanila ngunit pinigil ko ang sarili. Bahagya pang tumawa si Phillip habang ang mga kamay ni Sabrina ay humawak sa braso niya. He seemed to enjoy her company.
“Congratulations!” bigla ay lumapit sa akin si Helena. Sinulyapan niya din sina Sabrina at Phillip na noon ay nag-uusap pa rin. “Pero bakit malungkot ka yata?”
“I am not. Sa pagkakaalam ko ay ikaw ang malungkot dahil nasira ang mga plano mo. Hindi na makukuha ni Sabrina si Phillip, I am now his wife.”
Nakakaloko ang ngiting ipinukol ni Helena sa akin. Naupo siya sa tabi ko at tinitigan ako. Alam kong sinusukat niya ang tunay kong nararamdaman.
“Hindi naman sa pinag-iisip kita…pero sa tingin ko, inlove ang asawa mo sa anak ko.”
Sa sinabi niya ay para akong sinaksak ng patalim sa puso. Sinulyapan ko ulit si Phillip at Sabrina. Nakangiti si Phillip habang kausap ang babae at para akong nahirapang huminga habang pinagmamasdan sila. Siya namang pagtayo ni Helena at naglakad na palayo sa akin. Malawak ang ngiti niya na animoy maganda ang mga salitang iniwan niya sa akin. Tumungo ako para itago ang pangingilid ng luha.
Ang totoo ay gustong gusto kong magwala dahil sa galit ngunit hindi ko magawa. Napahigpit ang hawak ko sa gown na suot dala ng galit. Pagtunghay ko ay sinalubong ako ng mga mata ni Phillip. Bakas doon ang pagtataka. Hindi ko siya pinansin at iniwas ko lang ang tingin. Nang maupo siya sa tabi ko ay saka ako pabulong na nagsalita habang hindi siya sinusulyapan.
“Saan ka ba galing? Today is our wedding day pero nagawa mo pang makipaglandian kay Sabrina! Basta mo na lang akong iniwan dito!”
“What?!” inis na tanong niya. “Are you a child? Mawawala ka ba kung iiwan kita dito?”
Tumaas-baba ang dibdib ko sa galit pero hindi na ako nagsalita. May mga bisita na lumapit sa amin para batiin kami at pilit pa rin akong ngumiti sa kanila. Nang makalayo ang mga ito ay saka ko narinig ang pagbulong ni Phillip.
“That’s what you get for being too ambitious, Regina. I swear I’ll make you regret marrying me.”
Maang na sinulyapan ko siya. His eyes lacked concern for me; instead, they were full of contempt. Ngunit hindi sapat iyon para matakot ako. Ang mahalaga ay akin na siya. Ang kailangan ko na lang gawin ay ang paibigin siya.