“WHO are you?” malakas na sigaw ni Daddy nang ganap na maunawaan ang pabor na hinihiling ko. Maging ako ay nakaramdam na ng hiya sa sinabi ko ngunit hindi ko na binawi iyon.
“Naririnig mo ba ang sarili mo, Regina? Anong akala mo kay Phillip? He is a man with a choice of his own! Hindi mo siya puwedeng diktahan!” sigaw pa ni Daddy. I tried to keep a straight face.
“I will never accept Helena in this family then,” walang anuman na sagot ko saka tumayo buhat sa sofa. Nang nasa tapat na ako ng hagdanan ay nilingon ko siya. “Dad, you can do whatever you want. I don't care anymore. Pakasalan mo siya kung gusto mo, just don’t expect me to be happy for you.”
Dahil sa naging pag-uusap namin ni Daddy ay lalong nagkaroon ng distansya sa pagitan namin. Ilang araw nang hindi niya ako kinakausap at ganoon din ako sa kaniya. Aaminin kong makailang beses ko nang naisipang humingi ng tawad sa kaniya ngunit sa tuwina ay natatakot akong lapitan siya. Isa pa ay nagtatampo pa rin ako. Masakit pa rin para sa akin ang mga sinabi niya. At kapag ako ang naunang humingi ng tawad, pihadong malilimot na niya na nasaktan din niya ako. Balewala na rin sa akin ang pabor na hiniling ko sa kaniya. Para sa akin ay dala lang iyon ng kalasingan at labis na sama ng loob. Higit pa ring humihiwa sa puso ko ang sinabi niyang pagsisisi sa pagkupkop sa akin. Bumabagabag din sa akin ang nalalapit niyang pagpapakasal kay Helena.
“Gusto ko nang lumayas,” wala sa loob na turan ko. Si Mika na kaharap ko noon ay natigil sa pag-scroll sa kaniyang cellphone at sinulyapan ako. Nasa work immersion kami noon at naghihintay ng uwian.
“Saan ka naman pupunta?” kunot-noong tanong niya.
“I'm not sure. I just want to leave that f*cking mansion! Kahit mga tatlong araw lang.”
“Eh, saan ka nga pupunta? Wala ka namang ibang pupuntahan!” ulit na tanong ni Mika.
“Sa hotel,” aniko sabay nagkibit-balikat.
“Ha-ha! Very funny,” nakakalokong sagot niya sabay irap sa akin. Ako naman ay napakunot ang noo sa ginawi niya.
“Miks, can I use your credit card? Sa hotel na muna ako. Ayaw ko talagang umuwi at makita ang Helena at Sabrina na ‘yon!”
“Why not use your own card?” nakataas ang kilay na tanong niya.
“Malalaman ni Daddy kung nasaan ako kapag ‘yon ang ginamit ko,” katwiran ko. “Babayaran naman kita eh!”
“Kailan? Kapag umuwi ka na ulit sa inyo?”
“Ano ba Mika! Kaibigan ba kita o ano?” yamot na tanong ko.
“I'm sorry, Regina, but you are acting so immaturely! Why don't you just confront that Helena?”
“I just need time to think, Miks. Hindi naman basta aamin ang Helena na ‘yon! Alam mo ‘yong pakiramdam na ayaw na ayaw mo nang umuwi muna sa bahay? That’s how I feel.”
“Masyado ka kasing impulsive! Dapat pinag-iisipan mo muna ang bawat gagawin mo!” sita niya sa akin. Magsasalita pa sana ako pero iniabot niya ang credit card sa akin kaya agad akong napangiti. “Siguraduhin mo lang na uuwi ka din agad sa inyo at babayaran mo ang magagastos mo diyan! Kundi ay papasampahan kita ng kaso kay Daddy!”
Natawa ako sa huli niyang sinabi. Wala sa loob na napayakap ako sa kaniya.
“Promise! I just need a week to think,” sagot ko.
Pagdating nga ng hapon ay sa isang five star hotel ako umuwi imbes na sa mansion. May dala na talaga akong mga gamit sa sasakyan. Bandang alas nueve ng gabi ay tumatawag na si Daddy sa akin. Pinigil ko ang sarili na sagutin iyon. Makalipas ang ilang attempt ay nakita ko na ang messages niya sa akin. That's when my sense of guilt set in. This is my first time rebelling against him. Kung puwede lang sigurong ibalik ang panahon, sisiguraduhin kong hindi magtatagpo ang landas nila ni Helena. Kung bakit kasi hindi pa niya makita na nakakasira lang sa amin ang Helena at Sabrina na ‘yon? Ngayon tuloy ay umiiyak ako sa gabi sa takot na baka magising na lang ako na hindi na ako mahalaga sa kaniya.
LUMIPAS ang apat na araw na nagawa kong tikisin si Daddy. Isa man sa mga tawag at messages niya ay wala akong sinagot. Taliwas sa inaasahan ko, hindi ako naging panatag kahit pa hindi ko nakikita sila Helena. Biyernes ngayon at kinabukasan ay wala kaming pasok. Bukas ay plano ko nang umuwi.
“Girl, kailan mo balak umuwi sa inyo? Maawa ka naman kay Tito Callyx!” sita na sa akin ni Mika.
“At sa akin hindi ka naaawa? Akala ko ba ay kakampi kita?” kunway ganting tanong ko.
“Oo nga pero hindi si tito ang kalaban natin dito!” aniya habang kinakalap ang mga gamit. Hindi na ako sumagot dahil alam ko namang may punto siya.
“Uuwi na din naman ako bukas. Gusto ko lang talaga na kumalma ang tensyon sa pagitan namin ni Daddy,” sagot ko. Magkasabay na kaming naglalakad ni Mika palabas ng hotel nang mamataan ko ang tatlong unipormadong kalalakihan na naghihintay sa akin sa parking lot. Agad akong siniko ni Mika.
“Hindi ba assistant ni Tito Callyx ang isang ‘yon?” bulong niya. Agad akong kinabahan pagkakita sa assistant ni Daddy na nakaabang sa akin. Wala na akong nagawa para iwasan sila dahil doon sila mismo nakapwesto sa katabi ng sasakyan ko.
“Maam Regina,” tawag sa akin ng assistant ni Daddy.
“Anong ginagawa n’yo dito? Hindi pa ako uuwi—“
“Miss, you must return home. The Alferez have arrived at your residence half an hour ago. Mahigpit ang bilin ni sir Callyx na iuwi ka namin.”
Nabitin sa ere ang sasabihin ko sa narinig. Ang mga Alferez? Ano namang kinalaman ko sa mga Alferez?
“B-Bakit? Anong kinalaman ko sa kanila?” nagugulohang tanong ko. Umiling lang ang lalaki saka sumagot.
“Miss, we don't have an answer to your question.”
Dahil doon ay napilitan akong sumama sa kanila. Ang driver na lang ni Daddy ang nagmaneho ng sasakyan ko habang inalalayan ako ng dalawa niyang assistant patungo sa luxury car na nakaabang. Nilingon ko si Mika na tumango lang sa akin at bakas ang pag-aalala sa mga mata.
Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman habang nasa biyahe. Ano kayang nangyari? Pagdating sa garahe namin ay napansin kong maraming hindi pamilyar na sasakyan ang nakaparada doon. Lalo iyong nakadagdag sa kaba ko. Pagpasok ko pa lang sa sala ay ramdam ko na ang tensyon base sa tinginan sa akin ng mga katulong at ilan pang staff ni Daddy na naroon.
“Miss Regina, Sir Callyx is waiting for you at the library,” paalam sa akin ng babaeng empleyado ni Daddy.
Inayos ko muna ang suot na damit at buhok saka naglakad patungo sa library. Kaylakas ng t*ibok ng aking puso at wariy may mga paruparo sa aking tiyan. Kumatok muna ako sa pinto saka binuksan iyon. Pagsilip ko ay namataan ko agad si Daddy na nasa sofa. Sa harap niya ay si Phillip at ang kaniyang ama. They seem very serious, and I can feel the icy air around them.
“Ah! Hija, I'm glad you finally got here,” ani Daddy nang mapansin ako. His voice was pleasant, but his eyes were stormy. Hindi nakatakas sa akin ang hinanakit sa mga mata niya.
“D-Dad,” naiilang na bati ko din sa kaniya. Sumunod kong binalingan ang mag-amang Alferez.
“T-Tito Leandro,” bati ko sa ama ni Phillip na noon ay malawak na ngumiti sa akin. Though I would have liked to return his smile, my attention was instead drawn to Phillip, who was seated next to him. Tahimik lang siya. Nagtama ang aming mga mata at agad bumilis ang t***k ng aking puso sa kaba. His eyes are dark. It's so dark that just looking at it makes me feel like I'm drowning.
Galit ba siya?
Hindi man lang siya ngumiti sa akin. Tulad noon, ang mga mata niyang matiim na nakatitig sa akin ay hindi kababakasan ng paghanga. In fact, his eyes are red with rage. His jaw moved in a suppressed anger as well. Tama ba ang nakikita ko? Galit. Iyon ang malinaw na nakalatag sa gwapo niyang mukha. Kakaibang takot ang naramdaman ko sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin dahilan upang mapatigil ako sa paghakbang. Even if we are a few feet apart, I can feel the coldness in his aura.
“Maupo ka, hija,” baling sa akin ni Daddy. Hindi ko malaman kung saan pu-pwesto. Batid kong masama din ang loob sa akin si Daddy, ngunit mas nakakatakot naman ang nakikita kong ekspresyon ni Phillip ngayon.
“We've been talking about it for a while now. Itong si Leandro ay may inaawitan sa aking proyekto. The first ever Gas project in the country,” simula ni Daddy. Nagtatakang tiningnan ko siya dahil hindi ko maintindihan kung saan patungo ang aming usapan.
“Yes, Mr. Acuesta, that was the plan,” sagot ni Leandro. Ang pamilya Alferez ang isa sa mga prominenteng pamilya sa buong bansa. They are known to be the constructors and operators of the many power producers in the country. At ang dinig ko ay nagsisimula na silang mag-expand ng negosyo sa Asya.
“Oh, let’s drop the formality. Ilang business venture na ba ang napagsamahan natin? All of which are a success. Besides we will be a family soon,” makahulogang sagot ni Daddy. Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa kaniya.
Anong ibig niyang sabihin? Bigla ay naalala ko ang pabor na hiniling ko sa kaniya noong huli kaming nag-usap. Hindi ko na nagawang bawiin sa kaniya ang hiling na makasal kay Phillip! Bigla ang pagtahip ng aking dibdib at para akong sinikmuraan sa naisip.
“D-Daddy!” napalakas na bulalas ko. Sinulyapan ko si Phillip na noon ay bakas ang iritasyon sa mukha. Batid ko ding nakalatag sa mukha ko ang guilt. “D-Daddy no—“
“Yes, Regina, everything was settled. To protect our business, you and Phillip must marry.” putol niya sa sasabihin ko. Matapos iyon ay binalingan niya si Tito Leandro. “Pagkatapos na pagkatapos ng kasalan ay ipapahanda ko na ang mga dokumento para sa Gas project. I will finance everything.”
“That good to hear. Isang international project ang calibre nito pero ayaw na sana namin na kumuha ng foreign investors. This will be the first gas project in the country that will be hundred percent owned by Filipino pag nagkataon,” mahabang paliwanag ni Tito Leandro.
“Kung gayon ay kailangang masunod muna ang kondisyon kong maipakasal itong anak ko kay Phillip,” tumatangong sagot ni Daddy.
Bigla akong nanigas sa pwesto. Malinaw na ayaw sa akin ni Phillip at pakiramdam ko ay ipinagpipilitan ako ni Daddy sa kaniya. Hindi ko akalaing susunod si Daddy sa gusto ko! Gusto ko mang bawiin ang mga sinabi ay hindi ko magawa. Tila umurong ang dila ko at naramdaman ko ang panlalamig ng buo kong katawan. Si tito Leandro naman ay napasulyap sa anak.
“Don’t worry, Callyx. We will arrange the wedding as soon as possible. I’ll make sure that the engagement party will happen next week.”
“Hija, Phillip here will be your husband. I know you are kind of young and you don’t know him that much, but I can guarantee you’ll be in good hands,” ani Daddy na animoy isang business deal lang ang sinasabi. His voice is persuasive, but his eyes are critical. Hindi na niya ako tinanong kung ayos lang ba iyon sa akin marahil dahil ako ang humiling nito. Alam kong maging siya ay napipilitan lang din sa ginawa. Ako naman ay hindi makapaniwala sa nangyayari. Pakiramdam ko ay umiikot ang ulo ko. Bumuka ang bibig ko para sana magsalita pero wala akong maisip na sagot sinabi niya. Sa halip, lumipad ang mga mata ko kay Phillip. Hindi man siya magsalita, batid ko ang matinding galit niya.
“E-Excuse me, I’ll just go to the washroom,” paalam ko sa kanila saka nagmamadaling lumabas ng library.
Habol ko ang hininga bunsod ng matinding tensyon na nararamdaman. Pagdating sa washroom ay pinasadahan ko ng tingin ang sarili sa salamin. Maayos na maayos akong tingnan pero ang kalooban ko ay durog na durog. Totoo ba ito? Ikakasal ako kay Phillip? I don’t know what to feel. Hindi ko na alam kung paano pa babawiin ang lahat. Nagulat pa ako paglabas nang makita si Phillip na naroroon at naghihintay.
“Are you happy now?” seryosong tanong niya.
“H-Ha?” Hindi ko magawang salubongin ang mga mata niya.
“I can’t believe how toxic you are! Tell me, how can you sleep peacefully at night knowing that you ruined someone elses life? Let me set the record straight, I don’t like you. Wala akong nararamdaman kundi galit sa mga katulad mo. Nagrerebelde ka sa ama mo para lang maipilit ang gusto mo!”
Nagimbal ako sa narinig. Of course, he knew. May ideya siya sa mga nangyayari sa amin ni Daddy. Hindi ko maipagtanggol ang sarili. Gusto ko sanang sabihin na wala akong alam sa sitwasyon pero alam kong magsisinungaling ako. Gustuhin ko sanang sabihin na hindi ako nakakatulog ng mahimbig sa gabi, na binabagabag ako ng takot at araw-araw akong umiiyak sa sitwasyon ko pero alam kong hindi siya maniniwala sa akin. Para sa kaniya, ako ang walang puso at malditang si Regina.
“I pity women like you. You know I hate being manipulated Regina!You are the worst thing that happened to me,” iyon lang saka mabilis na tumalikod.