NANG matapos ako sa pagsusuka ay saka lang nabawasan ang sama ng aking pakiramdam. Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Phillip kasunod niyon ay ang paghawak niya sa braso ko at hinila ako. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari sa paligid ko habang sinasabayan ang mabilis niyang paglakad. Maging ang daan na tinatahak namin ay hindi ko na alam dahil sa pagkahilo. Namalayan ko na lang na nakaupo na ako sa passenger’s seat ng sasakyan habang siya ang nasa driver's seat.
“What is wrong with you? Bakit ka naglasing?” yamot na tanong niya.
Sinulyapan ko siya na seryosong nakatuon ang mga mata sa unahan. Halata ang matindi niyang iritasyon at bumuga siya ng hangin para kontrolin ang galit. Sino ba naman ang hindi magagalit? Nadumihan ko maging ang suot niyang damit. Binuhay niya ang makina ng sasakyan ganoon din ang aircon. Bigla ay hinubad niya ang damit na suot at napaawang ang bibig ko sa pagkagulat.
Hindi kaya hallucination ko lang ito?
Ilang beses kong ikinurap ang namumungay na mga mata. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko ang hubad niyang katawan at malapitan pa. Naglakbay ang mga mata ko patungo sa malapad niyang dibdib. I'm not the type to be easily drawn to a man's body, but I can't explain the thirst I'm experiencing right now. Clearly, I am extremely attracted to him. And right now, I know I want him even more than I did before. Bumaba pa ang tingin ko. His body is very toned and attractive, like a work of art. Parang kay sarap paglandasin ng mga kamay ko sa perpekto niyang katawan.
“Wow,” anas ko bago ko pa man napigilan ang sarili. Dagli siyang lumingon sa akin at napansin kong kunot na kunot ang noo niya.
“What?” tanong niya. Pumaling siya sa backseat at may inabot na paper bag doon.
“Can I touch them?” nakangisi kong tanong at ininguso pa ang katawan niya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para sabihin ‘yon. Hindi naman ako talaga ganito, hindi ko lang ma-kontrol ang aking bibig sa ngayon. Tila naman lalo siyang nairita dahil sa sinabi ko. Tiningnan niya ako ng masama saka kinuha ang damit na nakasilid sa paper bag at mabilis na isinuot.
“Prepared? May damit sa sasakyan? Saan ang punta?” mapang-asar na tanong ko.
“None of your business. Ihahatid na kita sa inyo,” malamig na sagot niya habang ang atensyon niya ay nakatuon na sa daan.
“What? No! Ayaw kong umuwi!” tutol ko agad.
“Why? What is it this time, huh?” tila asar na tanong niya na labis kong ipinagtaka. May alam ba siya sa mga nagiging away namin ni Daddy nitong mga nakaraan?
“None of your business!” ganting sagot ko na lang din sa kaniya.
“Stop giving your Dad a hard time. Problemado na siya sa negosyo, pagkatapos ay problemado pa siya sa ‘yo. Stop being such a brat!” sita niya sa akin.
“Excuse me? I am not a brat! Unlike your precious Sabrina, I have a life goal that I am working hard to achieve. Hindi tulad nila na mangagamit! I am working tirelessly so that one day I can run my own hotel!” mayabang na sagot ko. Narinig ko ang nakakaloko niyang tawa.
“It's ironic that you want to run a hotel but can't even welcome two people into your home,” bulong niya ngunit sapat para maunawaan ko.
“Woah! Ikaw din? Galit ka din sa akin? Bakit? Si Sabrina na naman ba? Pinagtatanggol mo din siya? Pulos na lang kayo si Sabrina!” galit na sigaw ko. “Will you please stop the car? Huwag mo na akong ihatid! I’ll find a hotel—“
Natigil ako sa pagsasalita nang pabigla niyang tapakan ang preno at halos masubsob ako sa biglaang paghinto ng sasakyan. Lalong umikot ang paningin ko sa ginawa niya.
“Huwag mo akong subukan, Regina. I don’t tolerate brats and selfish, inconsiderate people like you,” banta niya.
Hindi ako agad nakaimik dahil sa sinabi niya. He thinks I'm a brat? So it wasn't just my imagination? Hindi niya nga ako gusto! Ano bang ginawa ko para mainis siya sa akin ng ganito?
“I am not a brat,” pagtatanggol ko sa sarili kahit pa nga parang piniga ang puso ko sa narinig.
Animoy nawalan ng epekto ang alak na nainom ko dahil ramdam na ramdam ko na naman ang sakit. Hindi na rin siya umimik pa. Basta na lang niya muling pinatakbo ang sasakyan. He is very serious as he drives. Kahit nakatagilid siya ay hindi ko maiwasang humanga sa kaniya. Hindi sapat ang masakit na salitang binitiwan niya sa akin para masupil ang paghanga ko sa kaniya. I love everything about him, from the color of his hair to his strong arms as he drives. The light from the passing car's headlight reflects brightly in his eyes. How I wish he was mine. Knowing that he has feelings for Sabrina while he has none for me is killing me inside. Ang nais ko ay tanggapin na lang na hindi niya ako gusto, ngunit tumututol naman ang aking puso. Hindi ko alam kung anong nakita ko sa kaniya para magkaroon ako ng ganito kalalim na pagmamahal sa kaniya kahit hindi naman kami nagkakausap.
“Do you like what you're seeing?” nakakalokong tanong niya sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin dahil doon.
“S-Sorry,” anas ko. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi. May ideya kaya siya sa tumatakbo sa isipan ko ngayon?
“H-Huwag mo muna akong iuwi sa amin, please,” pag-iiba ko na lang ng usapan. Napansin kong bigla siyang natigilan. Sinulyapan niya ako. There's a seriousness in his gaze, as if he's reading my mind. “Please?” muling pakiusap ko.
“What happened?” tanong na niya.
“Nothing. Just like what you said, I am a brat. I…I need time to think. Nagugulohan na ako at mas lalo akong magugulohan kung nasa bahay ako,” sa halip ay sagot ko. Ngayong tinatanong niya ako kung anong nangyari, saka naman parang wala akong lakas para magpaliwanag. Isa pa ay alam ko na rin namang wala nang saysay ang magpaliwanag pa. Tumimo na sa isipan niyang isa lang akong spoiled brat na hindi kayang tanggapin sina Sabrina sa buhay ko.
“Kapag umuwi ako sa mansion ay lalo lang madaragdagan ang sama ng loob ko, kaya nakikiusap ako sa ‘yo.”
“I'm sorry, but if I leave you alone, there's a good chance you'll do something stupid again,” sagot niya.
At kahit pa nga anong pakiusap ko ay inihatid ako ni Phillip pabalik sa bahay. Labis ang inis ko habang papasok sa garahe namin ang sasakyan niya. Inilibot ko ang mga mata sa paligid, tahimik na ang buong kabahayan at iilan na lang ang bukas na ilaw. Pinatay ni Phillip ang makina ng sasakyan at bumaba siya. Mayamaya ay naramdaman ko ang pagbukas ng pinto sa tapat ko.
“Regina,” I heard Phillip’s deep voice. “We’re here. Let’s go,” aya niya sa akin. Hinawakan niya ako sa braso para alalayang bumaba ng sasakyan.
Tinitigan ko siyang muli. Muli akong namangha nang mapagmasdan siya ng malapitan. Para siyang anghel, kung meron mang anghel na masungit. He is insanely good-looking, with a hawkish nose, a prominent cheekbone, and a strong jaw. Being close to him causes my heart to race. Bumaba ako ng sasakyan at agad niya akong sinalo dahil muntik na akong matumba. Binalingan ko siya at lakas-loob na tinanong.
“I don't understand why you don't like me, Phillip. Ano bang kulang sa akin?” matapang na tanong ko. Hinawakan ko siya sa dibdib ngunit dagli niya iyong inalis.
“You’re talking nonsense,” tipid na sagot niya.
“No! I like you. Actually I think I am inlove with you,” amin ko. Alam kong pagsisisihan ko bukas lahat ng sinasabi ko pero hindi ko na makontrol ang bibig. Tuloyan na akong nilisan ng katinuan.
“What?” hindi makapaniwalang tanong niya. Lalong kumunot ang noo niya sa sinabi ko at ramdam ko din ang kaniyang pagkailang.
“Wala ba talaga akong dating sa ‘yo? Tulad kanina, it’s just you and me, wala ka man lang bang nararamdaman?”
“Oh, Regina, come on! You're just drunk—“
Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin. Pabigla kong isiniksik ang katawan sa kaniya at inabot ang kaniyang labi. Ang totoo ay hindi ko alam ang gagawin nang maglapat ang aming mga labi. I don’t know how to kiss. Siya ang una kong halik at nanginginig ang aking mga tuhod sa kaba. Ramdam ko ding natigilan si Phillip sa ginawa ko ngunit saglit lang iyon dahil agad niya akong tinulak palayo sa kaniya.
“What are you doing—“
“I like you Phillip! Bakit ba si Sabrina ang gusto mo? Hindi siya nababagay sa ‘yo!”
“Tss! And you're wondering why I can't like you? Naririnig mo ba ang sarili mo?”
Hindi ako nakaimik agad. I'm confessing my feelings to him, and here he is, completely annoyed with me.
“What you feel for me is not love, but an infatuation. Please stop your nonsense,” dagdag pa niya na lalong dumurog sa puso ko. Hindi ko na lang pinansin ang sakit, bagkus ay buong tapang kong sinalubong ang mga mata niya.
“Why? Ganoon ba ako kapangit sa paningin mo?” tanong ko. Hindi ko naitago ang pag-garalgal ng boses. Kahit alam kong hindi niya ako gusto, masakit pa ring marinig ang katotohanan.
“I know what I feel. I love you, Phillip. I really do—“
“Regina! Mabuti naman at umuwi ka! I was so worried about you!”
Natigil ang aking pagsasalita pagkarinig sa boses ni Daddy. Namataan ko siya na humahangos patungo sa pwesto namin. Pasimple si Phillip na lumayo sa akin habang ako naman ay agad na pinunas ang luha.
“Thank you for helping her,” baling ni Daddy kay Phillip.
“Nakita ko lang siya sa bar. She got in trouble so I helped her,” walang anumang paliwanag niya. Ilang sandali pa silang nag-usap ni Daddy ngunit hindi ko na iyon naunawaan. Ang isip ko ay okupado ng tahasan niyang pag-ayaw sa akin. Matapos silang mag-usap ay inalalayan na ako ni Daddy papasok sa mansion. Bago pa kami makalayo ay muli kong nilingon si Phillip. Namataan ko pa nang pasimple siyang sumulyap sa akin kaya mabilis akong nagbawi ng tingin.
Sunod-sunod ang pagalit sa akin ni Daddy nang makarating kami sa loob ng bahay. Hindi ko mamataan ang bruhang si Helena at ang mas bruhang si Sabrina.
“Alam mo ba kung gaano ka-delikado ang ginawa mo, Regina? Sobra akong nag-aalala sa ‘yo! Ipapahamak mo ang sarili mo dahil lang sa—“
“Bakit ba apektado ka, Daddy? Hindi ba at kasasabi mo lang na pinagsisisihan mong kinupkop mo pa ako? Huwag kang mag-alala dahil ako na ang kusang aalis sa buhay mo. Maghintay ka lang!” Dahil sa sakit ay hindi ko na kontrolado ang mga lumalabas sa bibig ko.
Dagli ang pagdaan ng lungkot at pagsisisi sa mukha ni Daddy habang nagsasalita ako. Humugot muna siya ng malalim na hininga saka naupo sa tabi ko.
“Anak, I am sorry. I didn’t mean what I said earlier. Walang nagpapaalis sa ‘yo dito. Minahal kita na parang tunay na anak. It’s just that…the last few days have been extremely stressful for me, kaya nasabi ko ang mga iyon.”
“Nahihirapan din ako Daddy! Ramdam kong walang nagmamahal sa akin. Lahat kayo ay ayaw sa akin,” puno ng pait na sagot ko habang nakatungo. Nagpatakan na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. My heart is breaking from the sting of rejection. Una ay si Daddy, ngayon naman ay si Phillip. Pakiramdam ko ay tuloyan na akong mawawalan ng lugar sa pamilyang ito. Soon, I won't even matter.
“W-What can I do for you to forgive me, hija? Mahal kita, anak. Maniwala ka.”
“Do you really love me Daddy?” tanong ko.
“Oo naman! Ikaw ang nag-iisa kong anak, Regina. Natural mahal kita.”
“Then do me a favor,” matapang na hamon ko. Natigilan siya at pinakatitigan ako. He assesses the seriousness of what I am saying.
“What is it?” tanong niya.
Naalala ko ang sinabi sa akin ni Phillip. I'm selfish, he said, so I'll show him how selfish I can be.
“Gusto kong makasal kami ni Phillip. Saka ko lang tatanggapin si Helena kapag nakasal kami ni Phillip.”
I watched as Dad's mouth dropped open in shock.