“WHAT is your excuse this time?” tanong ni Daddy nang makalapit sa amin. Hindi ako makasagot. Bakas din ang takot at pag-aalala ni Sabrina. Inilibot ko ang mga mata sa mga kasambahay namin na pasimpleng nagsilayo dahil sa tensyon sa paligid.
“Narinig ko sila kanina. Gusto ni Helena na akitin ni Sabrina si Phillip para sa pera!” matapang na sagot ko. Sinulyapan ni Daddy si Helena na noon ay bakas ang pagkabahala.
“R-Regina, baka nagkamali ka lang ng unawa sa sinabi—“
“Hindi ako bingi!” putol ko sa paliwanag ni Helena. Si Sabrina naman ang sunod kong binalingan.
“Ngayon mo sabihin sa akin na nauunawaan mo ako! Sabihin mo kay Daddy na nagsasabi ako ng totoo!"
Tinunghayan ako ni Sabrina. Samu’t-sari ang emosyon na mababanaag sa kaniyang mukha. Tiningnan din niya ang ina saka si Daddy.
“Hindi ko inaakit si Phillip. N-Nagkakamali ka Regina. Sinamahan lang niya ako sa interview ko.”
“That's not the response I'm looking for!” Muli kong hinawakan si Sabrina sa braso. I shot her a stern glance.
“Bitawan mo siya, Regina!” saway ni Daddy sa akin. Mabilis siyang nakalapit sa amin at hinila ako.
“I am so disappointed in you! Paanong lumaki kang ganiyan? So what kung maakit si Phillip kay Sabrina? It has nothing to do with you!”
Nanlalaki ang mga matang pinagmasdan ko si Daddy habang sumisigaw siya ngunit tila hindi niya napapansin ang sakit na dinudulot sa akin ng bawat salitang binibitiwan n’ya.
“You are always stirring up trouble in this house! I've tried many times to talk to you! Ano pa ba ang gagawin ko sa ’yo? Punong-puno na ng selos ang puso mo. It's getting very toxic around you! You are right! Pinagsisisihan ko nang kinupkop kita!” malakas na sigaw niya. His eyes are filled with rage.
Parang akong tinamaan ng kidlat sa narinig. My entire body shivers and my heart briefly stops beating. Ramdam na ramdam kong parang may kutsilyong sumaksak sa puso ko. It was so painful that I thought I'd pass out. Maang na napatitig ako kay Daddy. I feel completely worthless and unloved. Ayaw ko man ngunit agad na sumungaw ang luha sa aking mga mata.
“A-Anong gusto mong gawin ko Dad?” mahinang tanong ko. Sa mga sinabi niya ay hindi ko na magawang maging matapang pa. Napansin kong maging si Daddy ay natigilan sa tanong ko. Naihilot niya ang kamay sa ulo. Nang tunghayan niya ako ay bakas na ang pag-aalala sa kaniyang mga mata ngunit hindi siya makasagot. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo.
“Fine! Ako na lang ang aalis,” naiiyak na sagot ko. Mabilis akong naglakad pabalik sa sasakyan habang pinupunas ang luha. Namataan ko pa ang mapang-asar na tingin ni Helena nang lampasan ko siya.
“Regina!” habol sa akin ni Daddy. Halata sa boses niya ang pagkabahala pero hindi ko siya pinansin. I was deeply hurt. He now regrets having me. Sumakay ako sa sasakyan at ini-lock ang pinto. Hindi ko pinansin si Daddy na kumakatok sa bintana. Kung ang iba sigurong tao ang makakakita sa kaniya ngayon ay hindi sila makakapaniwala. Dad is the Chairman of the most renowned banks in the country. He is so influential in the business world, yet he is pleading with me now. No wonder Helena wants him so badly. Iniwasan kong tingnan si Daddy na noon ay nakikiusap ang boses. Ito ang unang pagkakataon na nasaktan ako ng lubos sa mga salita niya.
Should I give him what he wants? Should I just stay out of his way?
Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan palabas ng mansion na maging ang mga driver at security ni Daddy ay napatingin sa langitngit ng gulong niyon.
Sa isang bar ako napadpad. Hindi ako mahilig magtungo sa ganitong lugar ngunit wala akong ibang maisip puntahan. Umiiyak ako habang umiinom. Wala na akong pakialam sa nasa paligid ko. Nangingibabaw sa akin ang pagrerebelde. Pakiramdam ko ay gusto kong lunurin ang sarili sa alak hanggang sa tuloyan na akong mamanhid. Saka naman hindi sumasagot si Mika sa mga tawag ko.
“Looks like you’re alone. Need someone to talk to?” tanong ng isang lalaki na hindi ko naman kilala. Agad akong nainis.
“I prefer to be alone!” asik ko agad sa kaniya. Narinig ko ang pagtawa niya at lalo pang inilapit sa akin ang katawan. Agad akong lumayo at inis siyang tiningnan kahit pa nga nanlalabo na ang mga mata ko. He's probably in his thirties, whereas I'm only twenty. He looked like a typical male f*ckboy in search of his prey.
“Hindi mo ba ako narinig? Sinabi nang gusto kong mapag-isa!” pagtataboy ko sa kaniya. I can smell his strong perfume blended with cigarrete. Lalong bumabaliktad ang sikmura ko dahil doon.
“Hah! Come on! Baka mamaya iba na ang sabihin mo. You’ll beg for more,” makahulogan niyang sagot. Mapang-akit ang boses niya ganoon na rin ang mga mata. Halatang sanay na sanay siyang mang-akit ng mga babae. Kinuha niya ang basong hawak ko at uminom doon habang nakatitig sa akin. Sa halip na maakit ay lalo akong nairita sa ginawa niya.
“Ano ba? I don’t even know you!” galit na sigaw ko.
“Don't you realize how many women are waiting for me to notice them?” tanong niya.
“I don’t care, and I am not one of them!” asik ko. Ganoon na lang ang gulat ko nang hilahin niya ako at hawakan sa batok. I know he is about to kiss me kaya mabilis akong umiwas at tumama sa pisngi ko ang labi niya.
“Tss, pakipot!” bulong niya. Parang umakyat ang dugo ko sa ulo at malakas ko siyang sinampal dahilan para mapatingin sa gawi namin iyong mga nasa kabilang table. Agad kong pinagsisihan ang ginawa dahil sa nakakuha iyon ng atensyon ng marami. Nang bumaling sa akin ang lalaki ay dagli ang pag-ahon ng aking takot. Halata ang galit sa mga mata niya lalo pa at napahiya siya. Agad akong tumayo at umalis sa pwesto. Nang akmang aabutin niya ako ay kumaripas na ako ng takbo. Nahihilo na ako lalo na sa pagtama ng mga malilikot na ilaw sa aking mga mata ngunit ipinagpatuloy ko lang ang mabilis na paglakad. Natatanaw ko na ang exit ng bar nang marinig ko ang pagtawag noong lalaking humabol sa akin.
“Hey! F*ucking b***h!”
Takot na nilingon ko siya at nang muli akong bumaling sa harap ay tumama ang noo ko sa matipunong dibdib ng lalaking kasalubong ko. Dahil sa kalasingan ay agad akong nawalan ng balanse. Mabilis naman akong nahawakan ng lalaki sa baywang. Muntik pa siyang madala ng bigat ko dahil sa wala na akong control sa sarili.
“Regina?” manghang sambit ng lalaki pagkuwan. Noon ko siya tiningnan at laking gulat ko pagkakita kay Phillip. Siya na naman? Sa likod niya ay ang dalawang kasamang lalaki.
“What are you doing here at this hour?” seryosong tanong niya. A look of annoyance instantly flashed across his face. Pinasadahan ko siya ng tingin. He is dressed casually in a polo shirt. His clothes revealed his broad chest and muscular arms. Kakatwang nakilala niya ako gayong halos hindi niya ako tinitingnan.
“Where are you going you f*ilthy b***h?” tanong ng lalaking humabol sa akin. Buhat sa akin ay natuon ang mga mata ni Phillip sa lalaki na noon ay nakatayo na malapit sa amin.
“Who is he?” he asked coldly. His gaze is intensely probing me.
“I…I don’t know. Hindi ko nga siya kilala eh!” katwiran ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ako kinakabahan sa kakaibang tingin niya sa akin.
“That b***h slapped me after flirting with me! Nobody has ever done that to me!” paliwanag ng lalaki kay Phillip. Dahil doon ay matalim ang mga tinging ipinukol niya sa akin. Bahagya ding gumalaw ang kaniyang panga.
“Excuse me! I didn’t flirt with you! Y-You tried to kiss me!” galit na sagot ko.
Lalong dumilim ang mga mata ni Phillip sa sinabi ko. Hindi ko tuloy alam kung tama bang sinabi ko iyon. Akmang aabutin ako noong lalaki pero mabilis niya akong hinila palayo. Iniharang niya ang katawan sa pagitan namin dahilan para halos hindi ko na makita iyong lalaki.
“She’s with me,” ani Phillip sa lalaki. Mayabang na tumawa ang lalaki at nagsukatan sila ng tingin. Nagsimula na silang pagtinginan ng mga tao.
“Whoa! It'll be a good show,” bulong noong kasama ni Phillip kaya tiningnan ko sila ng masama pero tumawa lang sila.
“Don't worry, that man is no match for our friend,” segunda pa noong isa na tumaas-baba pa ang kilay sa akin.
Kaylakas ng kalabog ng dibdib ko. Namataan ko ang isa sa mga bouncer na napansin wari ang tensyon sa paligid namin.
“May problema po ba---Mr. Alferez? Ikaw pala ‘yan! May problema ba?” tanong nito na sinulyapan ako at ang lalaking humabol sa akin.
“Nothing. We’re leaving,” mayamaya ay tipid na sagot ni Phillip saka hinila ako sa braso papalabas ng bar. Hindi na nagawang sumunod noong lalaki sa amin.
“Hey? Where are you going?” tanong noong dalawang kasama ni Phillip pero hindi siya sumagot. Sa diin ng pagkakahawak niya sa braso ko ay batid kong inis siya.
“T-Teka lang! Nahihilo na ako!” reklamo ko sa halos pagkaladkad niya sa akin. Pabalya niya akong binitiwan nang nasa parking na kami.
“What are you doing flirting with that guy?” inis na tanong niya.
“I-I am n-not…flirting with him,” sagot ko. My head is spinning, and my stomach felt funny. Ito na yata ang pinakamatagal na nakausap ko at nakaharap ng malapitan si Phillip ngunit hindi ko magawang magbunyi. I swallowed hard to keep myself from vomiting. Ngunit parang hindi ko na kayang magpigil...
“Then why—“ Natigil siya sa pagsasalita nang lumabas lahat ng kinain ko sa harapan pa niya. At nadumihan ko maging ang polo shirt na suot niya.
“I’m…I’m s-sorry,” hingi ko ng pasensya sa putol putol na pangungusap. I tried very hard to hold back the nausea and vomiting, but it appears I have lost control of my body. Gusto ko nang lumubog sa kahihiyan.
“F*uck!” narinig kong pagmumura ni Phillip.
Can this day get any worse?