HINDI ko magawang salubongin ang mga mata ni Daddy. Nandito na kami sa mansion ngayon at magkaharap sa malawak na sala. Hindi ko akalaing iiwan niya si Helena sa kalagitnaan ng engagement party nila para sundan ako dito. I was both guilty and pleased at the same time.
“I-It was Helena,” simula ko agad. “Siya ang nagsimula! Ipinamukha niya sa akin na isa lang din akong ampon!”
“Exactly! That is why I hope you will at the very least understand them and be more considerate—“
“What? Daddy! Bakit ba nagpapadala ka sa dalawang ‘yon? You are a businessman, for crying out loud! Pero ang bilis mong nagtiwala sa Helena at Sabrina na ‘yon! We don’t even know them! Ngayon hindi ka man lang nagagalit na hinahamak ni Helena ang pagkatao ko!”
Napahugot si Daddy ng malalim na hininga saka naupo sa swivel chair. He stared at me intently for a moment. Alam kong nag-iisip siya ng mga maaari niyang sabihin para makumbinse ako pero kahit anong sabihin niya ay hindi niya mababago ang paniniwala ko. I'll never believe Helena is a good person.
“I am sorry, hija, but that is exactly what you’re doing to them. Hinahamak mo din ang pagkatao nila dahil lang sa pinanggalingan nila.”
“Dad! Hindi ako mahirap pakiusapan. Kung nararamdaman kong mabuting tao si Helena, hindi kita pipigilang maging masaya! Alam ko at ramdam kong may mali sa kaniya. Ang tagal na natin siyang kasama sa bahay pero bakit hindi niya masabi sa atin kung ano ba talaga ang nangyari sa kaniya! Asan ang pamilya nila ni Sabrina? Sino ang nagtangka sa buhay nila?”
“It wasn't that easy! You wouldn't understand the trauma they experienced. It was hard for them to talk about what happened! Hindi mo sila puwedeng husgahan dahil hindi ikaw ang nakakaramdam ng nararamdaman nila.”
“But that was six months ago! Baka nga gumagawa lang sila ng kwento—“
“Regina! I saw what happened with my own eyes!” galit na sagot ni Daddy.
Hindi ako nakaimik. Anim na buwan na ang nakalilipas nang sagipin ni Daddy ang mag-ina. Aniya ay natagpuan niya si Sabrina sa gitna ng kalsada sa kalakasan ng ulan. Her clothes are stained with blood. Umiiyak ito at humihingi ng tulong. At dahil iniharang nito ang katawan sa gitna ng daan ay napilitan siyang patigilin ang driver. Humihingi umano ito ng tulong na madala ang ina nito sa hospital.
They claim Helena was raped and nearly killed. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang mga gumawa noon sa kaniya. Isang buwan din siyang nanatili sa hospital bago nakabawi. Noon ay naka-suporta pa ako kay Daddy sa pagpapagamot sa dalawa ngunit nang iuwi na niya ang mga ito sa bahay ay noon nagbago ang ihip ng hangin sa pagitan namin. Nakita ko kung paanong nangislap ang mga mata ni Helena nang makita ang mansion ni Daddy. Alam na alam kong nagbago ang motibo niya. She saw an opportunity and took advantage of it. Hanggang ngayon ay wala kaming alam sa nakaraan niya ngunit papakasalan na siya ni Daddy. Hindi ko matanggap iyon. Alam kong inilalagay ni Daddy ang sarili sa tiyak na kapahamakan, kaya naman kahit pa magalit siya ay pilit kong hahadlangan ang kasal nila.
“Apologize to Helena. At ayaw ko nang mauulit ang ginawa mo! Wala kang karapatang pagbuhatan siya ng kamay,” utos niya.
Naikuyom ko ang kamao. Mabilis akong tumalikod at naglakad patungo sa hagdan. Alam kong tapos na ang usapan namin ni Daddy kung kaya plano ko nang bumalik sa kwarto at magpahinga. Sa kaunahang pagkakataon ay hindi ko susundin ang gusto niyang mangyari.
I will not apologize to Helena! Never!
Narinig ko ang muling pagbuntong-hininga ni Daddy ngunit hindi na siya nagsalita ulit.
KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Graduating ako sa kursong hotel and restaurant management at ngayon nga ay may internship ako. Nagpatulong lang ako kay Daddy para makahanap ng di-kalibreng hotel kung saan ako puwedeng pumasok. Agad akong naghanda at nang papalabas na ako ng kwarto ay naulinigan ko ang boses ni Helena. Naroon siya sa may bandang terrace at hindi niya ako nakikita.
“Punyeta naman Sabrina! Samantalahin mo ang pagkakataon na ‘yan! Hindi natin alam kung hanggang kailan ako mamahalin ni Callyx! Pero ikaw? Hindi mo ba nakikita ang mga tingin sa iyo ni Phillip kahapon?”
Napaawang ang bibig ko sa narinig. Sinubukan kong sumilip ngunit mabilis din akong nagtago sa takot na makita ako ni Helena. Base sa mga sinasabi niya ay hindi mahirap hulaang si Sabrina ang kausap niya.
“Pero Mama—“
“Ano? Gamitin mo ang utak mo! Kapag si Phillip ang napangasawa mo ay siguradong hindi ka na maghihirap! Makinig ka sa mga sinasabi ko at huwag mong baliin ang inuutos ko sa ‘yo!” gigil na sambit ni Helena. Narinig ko ang mga yabag niya kung kaya mabilis akong lumayo bago pa man niya ako mahuling nakikinig sa kanila.
Sinasabi ko na nga ba at mukhang pera ang dalawang ‘yon! Pero ano nga ba ang gagawin ko? Hindi naniniwala sa akin si Daddy. Masyado na siyang nabulag sa mga pagpapaawa ni Helena!
Pagdating sa hapag-kainan ay agad akong hinainan ng mga katulong ng agahan. Patapos na akong kumain nang bumulwag si Sabrina sa dining area. Napansin ko agad na bihis na bihis siya. She is wearing a formal dress. Hindi naman maitatanggi na maganda siya, pino kumilos at maamo ang mukha. She is my total opposite. Agad siyang nag-iwas ng tingin nang makita ako.
Saan naman kaya ang lakad ng babaeng ito? Alam kong tapos na sa kurso niya si Sabrina dahil matanda siya sa akin ng dalawang taon. Pinagsabay umano nito ang pag-aaral at pagtatrabaho. Tipikal na kwento ng mga bidang api ang kaniyang naging buhay at hindi ko alam kung maniniwala ba ako.
“G-Good morning, Regina,” bati niya sa akin ngunit hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin. Batid kong nakikiramdam maging ang mga katulong sa amin. Matapos kong kumain ay naghanda na ako sa pagpasok. Binunot ko ang susi ng sasakyan sa bag at walang lingon na nagtungo sa parking kung saan naroon ang kotse na ginagamit ko.
Sa hotel ay panay ang palipad-hangin sa akin ng mga kalalakihang kasama ko. Maging iyong manager ay batid kong iba ang atensyong ipinupukol sa akin. Balewala lang naman iyon sa akin sapagkat sanay na ako sa ganoon. Ang nakakalungkot lang, ang kaisa-isang lalaking nais kong mapansin ako ay tila hindi ako nakikita.
“What the f*ck, Regina! Huwag ka ngang magpapatalo sa mga hampaslupang ‘yon! Do you want me to slap that Helena for you? Para naman matauhan na siya!” bulalas ni Mika nang ikwento ko sa kaniya ang mga nangyari sa amin ni Helena. Si Mika ang isa sa matagal ko nang kaibigan at kaklase sa kolehiyo. She comes from a wealthy family, as I do, and her father is a famous lawyer.
“You'll just be wasting your time! Mas gusto kong magimbal sila sa mga susunod kong gagawin.”
“What is your plan?” tanong ni Mika na halata ang kuryusidad sa boses.
“I'm not sure yet. I hope to ruin them, though. Hindi ako papayag na mabalewala ni Daddy.”
Bumuntong-hininga si Mika saka nagsalita. “I don’t know Regina. Pakiramdam ko ay malaking gulo talaga ang dala sa inyo ng mag-ina na ‘yan.”
“Exactly! And Dad is completely unaware of it! Basta hindi dapat matuloy ang kasal nila ni Helena. I’ll die first bago sila makapagpakasal,” matapang na sagot ko.
Hanggang sa lumipas ang maghapon na halos wala akong nagawa kundi ang pag-isipan kung paano hahadlangan ang mga plano ni Helena. Pakiramdam ko ay nababaliw na ako. Hindi ko din matukoy kung sadya bang ganito ang trabaho sa hotel o nahihiya lang kaming utusan ng mga staff. Pagdating ng labasan ay inaya ako ni Mika na dumaan sa mall para mag-shopping pero tumanggi ako dahil sa wala ako sa mood. My life has been so chaotic lately that I haven't had the mental or physical strength to go out and have fun.
Dumiretso na ako sa mansion pag-uwi at kapapatay ko pa lang ng makina ng aking sasakyan ay namataan ko na agad ang pagpasok ng isang itim na luxury car sa aming garahe. Napakunot ang noo ko dahil hindi iyon pamilyar sa akin. Agad akong bumaba sa sasakyan para alamin kung sino ang sakay niyon. Nakamasid ako sa sasakyan nang bumaba ang driver niyon. Instinctively, my heart jumped when I recognized the man's physique. I immediately recognized his large frame, muscular arms, and dark brown hair. Kahit hindi ko pa natatanawan ang mukha niya ay alam ko nang si Phillip iyon. He looked so sharp in his usual business suit. Pinagmasdan ko lang siya ngunit nang lumingon siya sa gawi ko ay di sinasadyang nagtama ang aming mga mata. The instant I laid eyes on him, I felt an overwhelming attraction, as if his eyes were a magnet with a polarity opposite to mine. Tila nabitin ang aking paghinga dahil doon. Napansin kong natigilan din siya ngunit agad kumunot ang kaniyang noo. Kumibot ang labi niya na para bang hindi niya nagustuhan na makita ako. His reaction shattered my confidence. Para bang iritado siya sa pagmumukha ko. Bakit may pakiramdam akong hindi niya gusto ang presensya ko kahit noon pa man?
Ano kayang ginagawa niya dito? Noon niya binuksan ang pinto ng sasakyan at bumaba buhat doon si Sabrina. Hindi ako nakakilos pagkakita sa babae. Alam kong dapat ay lumayo ako sa kanila pero hindi ko maihakbang ang mga paa. I want to hear their conversation.
“Salamat sa pagsama sa akin,” ani Sabrina sa kaniya na tila nahihiya.
“My pleasure,” tipid na sagot ni Phillip. His voice, which is normally very cold when I hear him speak, is now tinged with sweetness. He smiled slightly at her.
“I have to go. I still have a dinner meeting to attend,” mayamaya ay paalam na niya.
“S-Sige, salamat ulit.”
Hindi ko maiwasan ang mapairap sa mahinang boses ni Sabrina. Pakiramdam ko ay sinasadyan niya ang mga kilos na iyon para lalong maakit si Phillip. Tumalikod na si Phillip at umikot na sa kabilang panig ng sasakyan sa may driver’s seat. Tulad noon ay hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Parang kinukurot ang puso ko dahil doon. Bakit halos lahat ng nasa paligid ko ay naagaw na ni Sabrina?
Nakatanaw si Sabrina sa sasakyan ni Phillip hanggang sa tuloyan na iyong makaalis. Ako naman ay labis ang sama ng loob habang pinapanuod sila. Nang pumihit sa Sabrina para pumasok na sa kabahayan ay agad ko siyang sinalubong. Iniharang ko ang katawan sa daraanan niya. Nanlalaki ang mga mata niya nang tingnan ako.
“B-Bakit, Regina?” halata ang kaba sa boses niya.
“What?! You're carrying out your plans now? Plano mo nang akitin si Phillip tulad noong napag-usapan n’yo ni Helena?” inis na tanong ko at kitang kita ko nang manlaki ang kaniyang mga mata sa takot.
“N-Nagkakamali ka. Magkaibigan lang kami—“
“Liar! Narinig ko kayo! Mukhang pera kayong mag-ina! Pinaplano n’yo ang pang-aakit kay Phillip, hindi ba? Pagkatapos ay ako pa ang pinapalabas n’yong masama kay Daddy!”
“Regina, nagkakamali ka. N-Naiintindihan ko kung bakit ka nagagalit, pero hindi ako—“
“Naiintindihan mo pala ako, bakit hindi ka na lang umalis? Leave! Bakit kailangan n’yo pang dumating sa buhay namin ni Daddy? Umalis na lang kayo!” Hindi ko na namalayan na hinila ko na pala ang braso niya at niyugyog siya. Gusto kong maintindihan niya ang nais kong mangyari. Gusto kong mawala na sila sa buhay namin!
“Regina!” Napapitlag ako pagkarinig sa malakas na boses ni Daddy. Paglingon ko ay namataan ko sila ni Helena na noon ay nakatayo na pala sa main door at nakamasid sa amin. Kitang kita ko ang disappointment sa mga mata ni Daddy habang nakatingin sa akin.