I FEEL like I'm in a nightmare. Isang bangungot na gusto kong takasan. Kasalanan ko ang lahat ng ito! Ikinuyom ko ang kamao at malakas na pinagsusuntok ang pader. “D*amn! D*amn!” Patuloy ako sa ginagawa hanggang sa maramdaman ko ang pananakit ng aking mga kamay. This is not enough! Gusto ko nang magising sa bangungot na ito! Ilang araw na akong hindi nakakatulog. Patuloy lang akong nagmamakaawa na sana nga ay mabaliktad na lang ang sitwasyon. Sana ay panaginip na lang ang lahat ng ito! This, however, is the worst part: hindi ako nananaginip lang, this is my reality. Regina was gone. The very thought is breaking my heart. Hindi ko matanggap. Hindi ko kayang tanggapin na wala na siya. Sobrang sakit. Para akong mababaliw. Saan ko siya hahanapin? Ayaw ko na lang mabuhay sa mundong ito kung

