MABILIS ang mga pangyayari. Namalayan ko na lang na nasa loob na ako ng sasakyan. Hindi ko masabi kung anong klase ng sasakyan dahil nagawa nilang takpan ang mga mata ko. Hindi rin ako makapagsalita. Nanginginig ang buo kong katawan sa labis na takot. Ang puso ko ay parang sasabog at nanunuyo na rin ang labi at lalamunan ko. Gayunpaman ay nagpumiglas ako sa loob ng sasakyan. “Ano ba ‘yan?! Higpitan mo kaya ang tali!” utos noong isang lalaki sa kasama. “I-Ikaw na kaya? A-Ang likot eh!” sagot naman noong isa. “Tsk! Tatalian mo lang eh!” singhal noong isa. Mayamaya ay naramdaman kong humigpit ang tali sa aking mga kamay. “P-Paano mamaya? Kailangan natin siyang kalagan. Hindi siya puwedeng makita ng mga tao na ganiyan,” muling sabi noong isa. Halata ang pagkabahala sa boses niya. Labis ma

