HALOS hindi ako nakatulog sa kaiisip nang nagdaang gabi. Hindi ko maiwasang mag-alala na may balak na masama na naman si Helena sa amin. Alam kong pareho kami ni Phillip ng iniisip ngunit hindi lang siya nagsasalita. “Kusang sumuko si Joshua sa mga pulis,” pagbibigay-alam niya sa akin. Natigila ako sa pag-aayos ng mga damit. May parte sa puso ko ang naaawa para kay Joshua. “P-Phillip, hindi kaya biktima lang din siya? Nawalan siya ng kamag-anak at—” “At muntik ka nang mamatay dahil sa ginawa niya. Hindi ko mapapalampas ‘yon,” putol niya sa sasabihin ko. Napabuntong-hininga na lang ako at hindi na nagsalita. Mukhang wala talaga siyang planong patawarin si Joshua. Nakakalungkot lang na nagpadala si Joshua sa galit at selos. Pero ngayon ay alam kong planado lahat ng iyon. “Are you ready?

