HALATA ko ang lungkot ni Daddy habang ikinukwento ang pakikipaghiwalay niya kay Helena. Batid kong nasasaktan din siya ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na siya magpapaloko kay Helena. “Dad, asan si Helena ngayon?” naniniguradong tanong ni Phillip sa kaniya. “Ipinahatid ko na siya sa Manila kanina..at…at hindi niya alam na may naghihintay sa kaniyang mga pulis sa pier.” Ramdam kong nasasaktan si Daddy. Maging ako ay hindi makapaniwala na gagawin niya iyon kay Helena. Tumango-tango naman si Phillip bilang pagsang-ayon sa naging hakbang ni Daddy. “A-Anong sinabi ni Helena sa ‘yo Dad? Si Sabrina? Asan siya?” sunod-sunod na tanong ko. “Noong una ay ayaw niyang makipaghiwalay. Inamin niya sa akin na totoo ang sinabi mo, anak. Tama ka. Selfish siya p-pero may parte pa rin sa puso niya ang

