PANAY ang sulyap sa akin ni Phillip habang bumabiyahe kami pabalik sa tinutuloyang apartment. Pilit kong pinigil ang emosyon dahil nahihiya ako sa mga tao niyang kasama namin sa sasakyan. Buong akala ko ay papakinggan ako ni Daddy ngayon. Akala ko kahit papaano ay maniniwala siya sa akin kaysa kay Helena. Mali pala ako. Kahit mahigit isang taon na akong nawala, wala pa ring nagbago. Sa aming dalawa ni Helena, mas pipiliin pa rin niya ang babae kaysa sa akin. Labis din ang hinanakit ko kay Sabrina. Isa siyang duwag at sunud-sunuran sa ina niya. Ipinahamak at nagulo na ang buhay niya dahil kay Helena pero mas pinili pa rin niya ito. Pagdating sa bahay ay agad akong tumakbo patungo sa kwarto. Pagkasarang pagkasara ko pa lang ng pinto ay tumulo na ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigil. Na

