GUSTO kong itago ang tunay na nararamdaman, pero imposible iyon ngayon na narinig ko kay Joshua mismo ang totoo. Bakit ako? Anong kasalanan ko sa kaniya? “Sorry?! ‘Yan lang ang sasabihin mo? Muntik na siyang mamatay!” galit na sigaw ni Phillip kay Joshua. Muli niyang sinugod ang lalaki ngunit maagap ang mga security sa hotel para pigilin siya. “Teka nga! Ano bang nangyayari?! Phillip??” sabat ni Daddy na nagugulohan sa pagtatalo ng dalawa. Nasa tani niya si Sabrina na bakas din ang lungkot sa mga mata. Nanginginig maging ang mga labi niya at nagtatanong ang mga mata kay Joshua. “Bitiwan n’yo ako!” sigaw ni Joshua sa mga security ng gusali nang maging siya ay hawakan ng mga ito. “Ito ang sasabihin ko sa ‘yo, Phillip! Magpasalamat ka dahil may konsensya pa ako! Hindi ko balak na patayin a

