ILANG araw pa akong nanatili sa hospital hanggang sa tuloyan nang naging maayos ang pakiramdam ko. Hinintay lang na matapos ko ang mga gamot saka tuloyan na akong nakalabas. Hindi ako iniwan ni Phillip sa mga araw na iyon at masasabi kong lubos na akong nahulog muli sa kaniya. Lahat ng agam-agam ko ay nabubura dahil sa ipinapakita niyang pag-aalaga sa akin. Sa awa din ng Diyos ay nagkamalay si Sabrina bagamat naiwan siya sa hospital. Ayon kay Phillip ay panay din ang bisita ni Joshua kay Sabrina at hindi ito nagpapatinag kahit pa panay ang tutol ni Helena. Sana lang ay magkausap na ang dalawa ng maayos. Hindi ko maiwasang malungkot para sa kanilang dalawa. Bagamat nasa isip ko pa rin ang mga katanungan tungkol kay Joshua at kay Kim. Kanina nga ay maganda ang inihatid ni Phillip sa aking b

