CHAPTER 55

1986 Words

SINULYAPAN ako ni Phillip. Nagtatanong ang mga mata niya at hindi ko malaman kung paano ako sasagot. Itinuon ko ang mga mata kay Daddy na nagpalipat-lipat ang tingin sa amin. “Phillip! Pakiusap! Huwag na kayong maglihim sa akin,” pagmamakaawa niya. Sa pagtataka ko ay bigla siyang humagulgol. Hindi na niya hinintay ang sagot ni Phillip. Lumapit siya sa akin, inabot ang kamay ko at dinala sa kaniyang labi. Naramdaman ko ang pagpatak ng luha niya sa likod ng aking palad. “Regina, a-anak…parang awa mo na, k-kung ikaw man ‘yan, h-huwag mo naman akong talikuran,” pakiusap niya. Kitang-kita ko ang sakit na nakalatag sa mga mata niya. “Alam ko anak na malaki ang kasalanan ko sa ‘yo. Itinaboy kita noon at may masasakit akong sinabi sa ‘yo. I…I didn’t mean it, anak. Sobrang sakit na noong totoong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD