CHAPTER 65

1573 Words

WALANG nagsasalita sa mga kasama namin sa warehouse. Tanging ang mga pagtangis lang namin ni Sabrina ang maririnig. Nakatanaw lang si Roldan sa labas ng warehouse. Kumikislap sa excitement ang mga mata niya. Kumikibot din ang labi niya na para bang nagbibilang. Mayamaya ay inilabas niya ang baril at ngumisi sa amin. “Sampung minuto! Oras na!” Naglakad na siya papalabas ng warehouse at sumunod sa kaniya ang ilan. Malapit na siya sa pinto nang may magsalita sa mga tauhan niya. “Hindi ba delikado ang gagawin natin?” Natigil si Roldan sa paghakbang at nilingon ang nagtanong. Iyon ay ang tauhang tinawag nilang Peejay. “Huwag mo akong pinapangunahan! Ito ang plano ko kay Helena!” yamot na sagot ni Roldan. “Ayaw mo ba ng laro kong ito?” itinutok niya ang baril sa lalaki. “Hindi naman, boss!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD