LABIS ang epekto ng ginawa ni Phillip sa akin. Dahil sa pagnanakaw niya ng halik sana sa labi ko ay mas lalong hindi ako mapakali. Batid kong nagtataka na si Nanay Emelia sa mga ikinikilos ko kahit pa nga hindi siya nagtatanong. Nakapamasyal na lang kami at natapos na rin ang rest day ko ay si Phillip pa rin ang laman ng isip ko. Parang bumalik lahat ng damdamin ko para sa kaniya. Kanina ay muli nang bumyahe sina Andrew at Nanay pabalik sa kanilang bahay. Nakapagdesisyon na kaming pag-aaralin si Andrew dito sa bayan sa susunod na taon. Ipapaalam na lang namin iyon kay Tatay Crispin. “Andie! Balita ko ay type ka noong poging guest natin dito sa hotel?” tanong sa akin ni Kevin. Nanunukso ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Hindi kasi kami talo nitong si Kevin. Lalaki din ang hanap

