MAGING ako ay nahihiya sa sarili sa ginagawa ko ngayon. Isang malaking kagag*han ang ginagawa kong pagsunod na parang baliw kay Andie. Truth be told, I'm skeptical, but I'm also desperate. Nandito ako at sinusundan ang babaeng pinaniniwalaan kong ang asawa ko. Yesterday, I contacted someone to investigate her identity. It's impossible that she looked exactly like Regina. Malakas ang paniwala kong siya nga ang asawa ko. Gayunpaman, hindi ko maiwasan ang mag-alangan. Kailangan kong makasigurado. Maliit na bahagi ng utak ko ang natatakot sa posibilidad na baka nga ibang tao siya. Paano kung hindi nga siya si Regina? I shook my head. That’s impossible! Nararamdaman kong siya ang asawa ko. Nawala si Regina sa karagatan malapit sa mga islang ito. Kaya nga dito ako naglalagi. Andie has darker s

