WALA akong nagawa kundi aminin kay Joshua ang lahat tungkol sa katauhan ko. Sa tingin ko ay wala na ring silbi kung itatanggi ko sa kaniya kung sino ako. Batid kong alam na niya ang totoo. Sa ngayon ay mas pipiliin ko pang magtiwala sa kaniya kaysa kay Phillip. Natuto na ako sa pagkakamali ko noon. Napansin ko agad ang pag-aalala niya nang aminin ko sa kaniya ang totoo. Ang sabi niya ay tutulongan niya akong makaiwas kay Phillip. Iyon naman ang gusto ko kaysa magulo na naman ni Phillip ang puso at isipan ko. Iba na ang sitwasyon ngayon. Hindi na ako si Regina na naghahabol at nagpapakatanga sa kaniya noon. Desidido na akong mamuhay na lang ng simple dito. Sinulyapan ko si Andrew na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Siya ang anak na tinutukoy ko kay Phillip. Kanina ay dumating sila ni Nana

