MULA kay Sabrina ay dumako ang mga mata sa akin ni Roldan. Ngumisi siya marahil dahil napansin niya ang takot ko. Dalawang lalaki, isang driver at si Roldan ang kasama namin ni Sabrina sa sasakyan. Lumingon ako at nakita kong isa pang itim na van ang nakasunod sa amin. Malamang ay sakay niyon ang dalawa pang kasamahan ni Roldan na namataan kong bumaril sa tauhan ni Phillip. “Matapang ang isang ‘to! Pinaimbestigahan mo pa talaga si Helena noon! Kung ngayon mo siguro ‘yon ginawa, baka tinulongan pa kitang iligpit s’ya!” baling sa akin ni Roldan. “Talian n’yo din yan!” utos niya sa dalawang tauhan. Agad tumalima ang mga ito at nilagyan ng tali ang bibig at mga kamay ko. Nagpumiglas ako. Pilit kong iniiwas ang mga kamay at ulo sa kanila. “P*tangina! Huwag kang magulo kung ayaw mong masaktan!

