Samantala, kasalukuyang nag-i-spy si Pablo sa labas ng opisina ng mga Argos. Ilang araw na rin niya iyong ginagawa mula nang sumama sa kanya si Luna. Ipinagpipilitan ni Luna na walang alam ang dalawa nitong asawa sa nangyari sa kumunidad nila. Nagmakaawa pa si Luna at halos lumuhod sa harap niya para tigilan na niya ang magkambal na iyon. Nalaman din niyang buntis si Luna kaya bigla ay nagdalawang-isip siyang gawin ang paghihinganti niya dahil ayaw niyang masaktan ang pinakamalapit niyang kababata na siya ring nag-iisang babaing minahal niya hanggang sa kasalukuyan. Ayaw niyang ma-stress si Luna sa oras na may gawin siyang masama sa mga Argos na iyon at baka maging dahilan pa iyon ng pagkapahamak ni Luna at ng ipinagbubintis nito. Oo galit siya sa mga Argos! Galit na galit siya at maghih

