“We have a lead about Arnulfo’s hideout.” Agad na sabi ni Jayvee kay Jaycee nang tawagan niya ang kakambal. At last! May development na sa paghahanap nila, hindi man kay Luna ay kay Arnulfo. Nandito siya ulit ngayon sa opisina ng kaibigan niyang may sariling Intelligence Agency at kakalabas lang niya sa building nito. Galing na rin siya kanina sa ilang mga kakilala niya at kaibigan na katulong sa paghahanap kay Luna pero wala pa rin siyang nakuhang balita. Mabuti na lang at dito sa huling pinuntahan niya ay mayroon na silang nakuhang balita kung saan posibleng nagtatago si Arnulfo. Oo nagtatago na ito dahil napag-alaman niyang totoong apelyido pala nito ang gamit nito ngayon para marahil hindi agad ito matunton. Malas lang nito na matatalino ang mga naghahanap dito. “Where?” ramdam

