“Baby, are you sure you’ll be ok here? Baka ma-bored ka.” Papasok na sila ni Jayvee ngayon sa building ng main office ng SA Manufacturing Corp. Balak niya ay isu-surprise niya si Jaycee at tatambay muna siya sa opisina nito ngayong araw kaya inihatid siya ni Jayvee roon bago ito umalis para sa out of town meeting nito ng dalawang araw. “Mas mabo-bored lang ako sa bahay, love. Ayaw niyo naman akong pagtrabahahuhin.” Bahagya pa siyang napanguso pagkasabi niyon. Pagkatapos kasi niyang makunan, mas lalo pang naging maalaga at istrikto sa kanya sina Jayvee at Jaycee. Well, sa ibang bagay lang naman at hindi na kasali roon ang pagkakaroon niya ng mga kaibigan. Paminsan-minsan ay pinapayagan na rin siya ng mga ito na lumabas kahit si Sandro lang ang kasama niya. Mukhang na-confirmed na

