Nakalabas na siya sa hospital. Nandito na sila ngayon sa sementeryo para ilagak sa huling hantungan ang kanilang baby na pinangalanan nilang Angel Jeena. Isa pa lang itong fetus pero pinili pa rin nilang ilibing ito ng maayos sa sementeryo, sa pribadong musoleo ng mga Argos kung saan din nakalibing ang mga magulang maging abuelo at abuela nina Jayvee at Jaycee. Napakasakit man sa loob niya at parang hindi niya kayang tuluyang magpaalam kay baby Angel Jeena ay kailangan niya iyong gawin. Kailangan niyang tanggapin ng lubos ang katotohanang wala na ito para tuluyan na silang makapag-move on. Hindi naman porket wala na si baby Jeena ay kakalimutan na nila ito. Palagi pa rin itong nasa puso nila anuman ang mangyari at palagi nila itong bibisitahin doon. Kailangan lang kasi talagang isa

