Zennon's POV Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Hindi ko inaasahan na makakatulog ako ng ganito kahaba. Ang naalala ko, pagkatapos naming kumain ng brunch sa opisina ni Zae ay nanatili lang ako doon. Wala naman akong ibang pupuntahan kaya nakiusap ako sa kanya na baka pwedeng maglagi ako doon. He let me stay at the small room inside of his office. It's not a big room but the place is quiet and comforting. No nightmares, no creepy images that seemed pasted on the four wall of my room. Walang mga bagay na makakapagpaalala sa akin tungkol sa previous life ko. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit nakatulog ako ng maayos kahit hindi ko pa rin maiwasang managinip. At ang mahabang tulog ko rin siguro ang dapat sisihin dahil napanaginipan ko ang tungkol sa masaya kong kabataan na bigla

