Zennon's POV Alas otso na ng umaga noong makarating ako sa bahay namin. Nasa dining room na si mommy at daddy noong silipin ko sila. Sabay pa silang tumingin sa akin. Nagbabasa ng dyaryo si daddy as usual, habang may hawak naman na magazine si mommy. "Zennon," "Dad, Mom." Lumapit ako sa kanilang dalawa saka humalik sa pisngi nila. Kinakabahan ako. Pero hindi ko ipinahalata. "Tumawag si Zae kagabi. Hindi ko inaasahan na magkasama kayong dalawa. Nag-video call kami at tulog na tulog ka nga," sabi ni mommy sa tonong may pag-aalala. "Akala ko ay sandali ka lang na mananatili doon kahapon. Hindi ko rin inaasahan na makikitulog ka doon," sabi naman ni daddy na hindi ko malaman kung ano ang nais ipahiwatig sa titig na ibinibigay n'ya sa akin. Parang hindi s'ya makapaniwala na hindi ko mai

