Zennon's POV Ang library ni daddy ang napili kong lugar dahil mula doon ay kitang-kita ko ang mga taong pupunta sa visitor's lounge. Maririnig ko rin ang kanilang usap-usapan. Naupo ako sa mamahaling swivel chair at saka binuksan ang laptop na nasa harapan. Bumungad sa aking paningin ang wallpaper ni daddy. Ako at si mommy habang nasa garden at parehong nakangiti ng sweet sa harapan ng camera. Naalala ko tuloy ang asawa noong nurse na nag-asikaso sa akin. Ang picture na nakalagay sa ibabaw ng office table niya ay ang picture din ng kanyang mag-ina. Ganoon ba talaga ang mga asawang lalaki? Larawan ng kanilang asawa ang ilalagay sa ibabaw ng kanilang office table. Hindi ko tuloy mapigilang isipin ang office table ni Zae. Walang ibang nakalagay doon kundi laptop, documents, pen holder at

