Zennon's POV
I just wore a casual dress. Not a daring one but also not an old fashioned dress. It's above the knee. Nakasuot ako ng matatas na wedge sandals at nagpatong ng blazer dahil tube ang dress na suot ko. Nagpalagay din ako ng kaunting kolorete sa mukha.
Thanks to Amelia's amateur but artistic hands.
Kung ikukumpara ang nilalang na nakikita sa salamin sa dating Zennon na nakilala nila, hindi nila ako makikilala sa itsura ko ngayon. Ngayon lang ako nag-make up at gustong-gusto ko ang itsurang lumabas sa salamin.
Hindi naman sa gumanda lang ako ng dahil sa make-up pero na-enhance lang lalo ang ganda kong nakatago dahil sa ginawa ni Amelia.
"It's good that you know how to do make up," puri ko kay Amelia na ang layo din ng itsura ngayon sa pagiging mahinhin na palagi niyang pino-portray sa lahat. She looked hot and sexy while wearing a black halter maxi dress. Mas lalo rin siyang tumangkad sa suot niyang mataas na sandals. Pareho lang naming inilugay ang mga buhok namin.
I have a curly brown hair while she have a straight and silky black hair.
"Mas bagay sa buhok mo kung itatali mo pataas. Do you know Ariana Grande and the way she tied up her hair? Like that style. Mas babagay sa'yo," I just saw that artist kaninang naghahanap ako ng bagong ayos ng buhok. Naisip kong magpagupit. Parang simbolo na din ng pagputol ko sa kung anumang koneksyon na meron ako kila Karen at Gabby. At sa past life ko.
Napatitig sa salamin si Amelia, pagkatapos ay kinuha ang suklay at sinimulang ayusan ang kanyang buhok. Makalipas lang ang limang minuto ay naitali na niya iyon ng maganda.
"Good! You're so pretty!"
Nahihiyang nag-iwas naman ng paningin si Amelia sa akin.
"Naninibago talaga ako. Dati-rati hindi mo ako pinapansin, ngayon nakakatakot na ang mga papuring ibinibigay mo," naiilang na sambit niya bago umalis sa harapan ng salamin.
Hindi ko naman sinagot ang sinabi niya. Hindi ko naman pwedeng sabihin na galing ako mula sa kuko ni kamatayan at kagigisang ko lang, kaya gusto kong magbagong buhay at makipag-kaibigan sa mga taong hindi ako sasaksakin ng patalikod, surely, hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang bagay na 'yun.
"Tara na, for sure nasa baba na sila," aya ni Amelia. Nasa itaas kami ng bar kung saan nagsisilbing kwarto iyon ng kaibigan niya. Doon kami nag-ayos at nagbihis dahil hindi namin iyon nagawa sa bahay kanina. Ang sabi lang namin kila mommy at dady ay may pupuntahan kami.
Hindi sila makapaniwala. Pati na rin si Yaya Helen. Dahil sa tinagal-tagal ng nakatira ni Amelia sa bahay, ngayon lang ako nakipag-interact sa kanya.
Kilalang bar ang The Abyss sa Siudad. Pero dahil hindi naman ako nagagawi sa mga ganitong lugar noon, walang kaso kung sikat man iyon o hindi.
"Here, hindi nakakalasing 'to," ani Amelia saka inabot sa akin ang isang wine glass. Light pink ang kulay ng inumin na nakalagay doon. Kinuha ko iyon saka tinikman. Masarap.
Pasimpleng inilibot ko sa kapaligiran ang paningin. As expected, hindi ko kilala ang mga taong nakikita ko. May mga nagsasayaw sa harapan ng dance floor.
"Baka parating pa lang daw siya. Doon tayo sa may dulo,"
"Madalas ka dito?" Tanong ko kay Amelia. Sinundan ko siya habang naglalakad papunta sa may kadilimang bahagi ng bar.
Nagtungo siya sa pang-apatang mesa at sumunod lang ako noong maupo siya doon.
"Umn. Nag-i-extra ako dito dati as waitress. Nahihiya ako na palaging humingi kay Nanay at sa parents mo kaya naman naghahanap ako ng paraan na makapag-trabaho at matustusan ang iba ko pang pangangailangan,"
"Pangangailangan like?" Muli akong sumipsip ng inuming hindi ko na inabalang alamin pa kung ano ang pangalan.
Mas curious ako na makita si Gabby at tingnan kung ano ang mararamdaman ko kapag nakita ko ulit siya. Magiging kagaya pa rin ba ng dati na sumisikdo ang puso ko sa tuwing makikita siya?
Mariin akong pumikit noong maalala ko na naman ang pangyayari sa nakaraan.
Maaalala niya pa kaya na magtatanan dapat kami kanina?
Muli kong inilibot ang paningin ko sa paligid, and this time napatingin ako sa isang bahagi ng bar kung saan wala akong makita pero pakiramdam ko, may nagmamasid sa akin.
"He's here,"
Siniko ako ni Amelia. Nagtatakang lumingon ako sa kanya. Nakatingin siya sa ibang direksyon kaya naman sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya.
Doon ko nakita si Gabby.
He never change.
He still looked the same.
Easy go lucky. Friendly to everyone but a stranger to me. Siguro iniisip niya noon na dahil patay na patay ako sa kanya, pwede niya akong i-take for granted.
Habang tinitingnan ko siya ngayon, iniisip ko, bakit nga ba ako nagkagusto sa kanya?
Hindi na kagaya noon.
Wala na ang excitement.
Wala na ang pagtahip ng dibdib.
At mas lalong wala na ang paghanga.
Para na lang akong nakatingin sa isang kakilala.
Naikuyom ko ang kamao ko.
Dahil wala naman akong maalalang magandang nangyari sa pagitan naming dalawa. Naningkit ang mga mata ko nang maisip ko ang mga bagay na ginawa niya sa akin. Mga bagay na hindi madaling kalimutan lalo na at nagdudulot lang 'yun ng pagkapoot at pagbangon ng galit.
"Na-miss mo? Mahal mo talaga?"
Inalis ko kaagad ang paningin ko sa kanya noong tumingin siya sa direksyon namin habang naglalakad papunta sa table na malapit sa amin. At lumingon ako kay Amelia na nakakunot ang noo habang nakatitig sa akin.
"Tinitingnan ko siya para alamin sa sarili ko kung ano ba ang mararamdaman ko,"
Tinitigan ako ni Amelia. Nakahinto sa ere ang kamay niyang may hawak na wine glass.
"At?" Curious niyang tanong saka unti-unting inilalapit sa bibig ang ang inuming hawak niya. Nakatitig pa rin sa akin.
"At napagtanto ko na isa pala akong malaking tanga. Imagine, I fall for that kind of man? Yuck,"
Cough! Cough!
Sunod-sunod ang pag-ubong ginawa ni Amelia. Tsk. Ang laki-laki na nasasamid pa.
Naiiling na tiningnan ko ulit sa sulok ng mga mata ko si Gabby. Habang naglalakad ay kitang-kita ko kung paano niya hawakan ang dalawang babaeng kasama niya pagpasok pa lang sa loob ng bar.
Manyak!
Tuluyan ko nang inalis ang paningin ko noong nagpunta sila sa madilim na bahagi ng bar.
Ininom ko ang natitirang inumin na nasa wine glass habang nakakuyom ang isa kong kamao. Unti-unting bumangon ang galit sa dibdib ko.
"Amelia, I need to pee," mahinang anas ko.
"Doon,"
Itinuro niya ang direksyon papunta sa banyo.
Nagmamadali akong tumayo at nagtungo sa direksyong itinuturo ni Amelia. Nang mapadaan ako sa madilim na bahagi ng bar, hindi ko napansin ang paang sadyang ihinarang sa daraanan ko.
Nanlaki na lang ang mga mata ko noong mawalan ako ng balanse.
Who the hell tripped me?!
"Whoa! Why did you do that?!" Tanong ng maharot na boses.
"I saw her looking at me kanina. At ngayon lumalakad siya sa harapan ko na parang walang nakikita?" Dinig ko sa boses ng lalaking kilalang-kilala ko ang pang-aasar.
This jerk!
"If you like me, kiss me. Right, girls?"
Sabay-sabay na humalakhak ang mga babaeng kasama ni Gabby sa table.
Kapag sinusuwerte ka nga naman. Sa dinami-dami ng pwede kong madaanan dito pa sa tabi ng table ng mga tinamaan nang magaling.
Mariin akong pumikit.
Hinintay ko ang pagbagsak ko sa sahig. Pero bago pa mangyari iyon ay may bisig ng sumalo sa akin.
"Be careful," anang boses lalaki sa may tenga ko.
Dahan-dahan niya akong itinayo. "Okay ka lang?" Tanong pa niya sa tonong hindi ko mabasa kung anong emosyon ba ang nais na iparating.
"T-thank you,"
"Hey!"
Lumingon ako sa likod kung saan nanggaling ang boses ni Gabby. Honestly, hindi ko alam na ganito pala siya kapag wala si Karen sa tabi niya.
So ibig sabihin, nagpapanggap lang din siya na isang gentleman sa harapan ni Karen?
"Kilala mo ang lalaking 'yan?" Tanong ng lalaking sumagip sa kahihiyan ko.
"Hindi,"
"Hindi niya pa ako kilala pero makikilala niya rin ako. Huwag ka ng magpakipot Miss, kitang-kita ko ang lagkit ng mga tingin mo sa akin kanina," ani Gabby sa tonong ang laki ng tiwala sa sarili.
"Gusto mong makipagkilala sa kanya?" Tanong ulit ng lalaking may malamig na boses.
At ewan ko ba kung bakit kakaiba ang pakiramdam ko sa presensya niya. Para bang safe na safe ako kung nasa tabi ko siya?
Bakit ganoon?
Posible ba talaga ang bagay na iyon?
"No, I want to pee. But he tripped me," huli na ng ma-realize ko na para akong nagsusumbong sa hindi ko naman kakilala.
"Ayan ang daan sa banyo," turo niya sa direksyon na itinuturo din ni Amelia kanina lang. "Walk properly," dagdag niya pa habang nakatayo sa tabi ko.
Nagmamadali na akong humakbang palayo sa lalaking tumulong sa akin at kay Gabby na hindi ko inaasahang ganoon pala ang tunay na kulay.
Kung humarap siya sa amin ni Karen noon akala mo naman siya ang pinakamatinong lalaki sa balat ng lupa.
Alam kaya ni Karen ang tungkol sa bagay na 'yun?
Tsk.
I don't care. Magkagulo-gulo na sila, wala na akong pakialam.