Zennon's POV
Sumandal ako sa head board ng kama saka tinitigan ang magandang si Amelia.
"Balak kong mag-resign sa trabaho ko at magtayo na lang ng sarili kong restaurant. At kapag nagsawa na ako in the future imi-merge ko na lang iyon sa company nila mommy at daddy. I need someone who can help me, Amelia," seryosong sabi ko.
Hindi na ako magpapakatanga na magtatranabo sa iba para sa kakaunting kusing na ibinibigay nila.
Work hard to earn decent money, huh.
Decent money?!
Duh, bakit ba ang tanga-tanga ko para isiping hindi desente na manahi ang pera ng mga magulang ko? They work hard for it na walang inaapakang tao. Lalo na si dad, mula binata siya hanggang maging mag-asawa sila ni mom, pinagsikapan niya kung anuman ang narating ng kompanya namin at palagi niyang sinasabi na it's mine in the future.
Ano bang pinakain sa akin ni Karen at bawat sabihin niya ay pinakikinggan ko? The fudge.
"Hindi naman sa pinipilit kita pero...alam kong alam mo kung ano ang attitude ko noon. I want to change that. At naniniwala ako na wala akong ibang mapagkakatiwalaan kundi ikaw na pinagkakatiwaalan ng mga magulang ko,"
Hindi pa rin makakibo ang magandang babae sa harapan ko. Nanatili lang siyang nakatulala habang nakatitig sa akin.
"In case you don't know, pero... I'm sure naman na alam mo na iyon. Zae Zobel de Ayala is my fiance. Kapag natuloy ang engagement, at ang kasal...mas maraming pagkakataon mo nang makakasalamuha si Draken Salvador. Ayaw mo ba noon?" Tanong ko sa nanghahalinang tono.
Binuksan ko pa ang files na naroon.
May nabasa naman ako tungkol kay Zae de Ayala. Hindi nga lang kagandahan.
"So my future husband is a gay, they say?" Hmm. Unexpected. This possibility never crossed my mind.
Mukhang hindi yata talaga ako nakatadhanang magkaroon ng sariling pamilya. Kung talagang hindi niya kakayaning hiwalayan ang lalaking karelasyon niya, mas mabuti pang huwag na lang ituloy ang engagement.
Ayoko namang ako pa ang maging dahilan ng paghihiwalay nila. Pero mas ayoko naman na magkaroon na naman ng kahati sa susunod na lalaking pakakasalan ko. Alam ko na kung gaano kagulo ang pagkakaroon ng kabit ng taong karelasyon mo.
Kagaya lang noong asawa ako ni Gabby. Ako ang pinakasalan niya pero parang si Karen ang pumirma sa marriage contract. Hindi na ako papayag na maging katawa-tawa ang kasal ko. Mas mabuti pang huwag na lang simulan ang relasyon kung ganoon din naman pala ang mangyayari.
"Miss Zen, speculations lang naman po ng media ang mga nakasulat diyan. Kung ako po ang tatanungin, parang wala naman silang relasyon na dalawa. Dahil kung magkarelasyon nga sila, hindi naman siguro papayag si Mister de Ayala na ang taong karelasyon niya ay marami din pong karelasyon, hindi ba?"
Nag-angat ako ng paningin at tumingin kay Amelia. Hindi na siya lumabas sa kwarto niya. Bagkus ay sumandal siya sa likod ng pintuan na nakasarado. Nakahalukipkip siya at para bang nag-iisip ng malalim.
"Or pwede rin naman na sila mismo ang naglabas ng tsismis. Ayon kase sa isang source na narinig ko, ayaw ni Mister de Ayala sa babae."
Muli kong tiningnan ang mga larawan at impormasyon na nagmula sa iba't-ibang pahayagan, ginupit at inilagay ng maayos sa folder.
"Bakit pati file nila ay iniipon mo?" hindi ko mapigilang itanong.
Sandaling nanahimik si Amelia.
Hindi ko naman siya pinilit. Itinuloy ko na lang ang pagtingin sa mga files na kinalap niya.
At hindi ko mapigilan ang sariling humanga sa mga achievements na narating ni Zae de Ayala sa buhay. Ang Z&Z Corporation na itinayo niya ang isa sa mga katibayan. He's so young pero masyado siyang seryoso sa buhay. Halos lahat ng mga nakuhang article ni Amelia sa kanya ay puro tungkol sa mga conference at business related interviews na dinaluhan nito.
Ni hindi man lang siya na-link kahit na kaninong babae bukod sa hot fafa din niyang secretary.
"Well, you can call it an obsession," sa wakas ay sambit ni Amelia. Muli kong ibinalik sa folder ang mga newspaper clip na inipon niya. "Ever since I was a child, I'm obsessed with him. Bago ang aksidente ni pops, magkabitbahay kami sa Missouri, USA.
He help me a lot during my childhood years. Palagi kase akong nabu-bully noon at para siyang knight in not so shining armor na palaging to the rescue sa akin. Siguro doon nagsimula ang lahat. He's 6 years older than me. I'm 6 years old back then, and he's 12.
Noong umalis siya sa lugar namin at sumama sa lolo niya na nagpunta sa ibang lugar, sa batang edad, pakiramdam ko ang laki ng nawala sa akin. Kung noon palagi akong lumalabas para lang makita siya, wala akong pakialam kahit maraming bullies. Pero simula noong mawala siya, hindi na ako naglalabas ng bahay,"
Nakinig lang ako sa kwento ni Amelia. I never interrupt her because I'm curious. Sa kwento niya at sa kanya.
"Is that the reason why you didn't go back to Missouri?" hindi ko na mapigilan na itanong.
Umiling siya.
"No. Hindi ko naman alam na narito siya sa Pilipinas. Bakasyon noon, at nakiusap ako may mama at pops na dito muna ako kay Nanay Helen. Wala rin naman akong gagawin sa bahay namin sa Missouri, USA. Hindi ko kasundo ang mga pinsan ko doon kaya hindi malapit ang loob ko sa kanila. Habang si Nanay Helen, unang kita niya pa lang sa akin ramdam na ramdam ko na kaagad ang pagmamahal niya.
Nang malaman namin na nag-crush ang eroplanong sinasakyan nila mama at pops, natataranta si Nanay noon. Salamat sa tulong ng parents mo, Miss Zen. Natagpuan ang bangkay ng mga magulang ko. Sila rin ang nagbigay ng maayos na libing sa kanila. Ang dami-dami kong utang na loob sa pamilya mo Miss Zen," seryosong sabi pa Amelia.
"And to pay for that, you have to work for me," sabi ko sabay ngisi. "Mas mapapanatag ang kalooban ng mga magulang ko kapag nalaman nilang ikaw ang kasama ko at hindi si Karen," dagdag ko pa.
"P-pero...p-paano ang pagpapasweldo sa mga tao d-dito? P-paano ang trabaho sa restaurant? Paano---,"
"You can train Clare. Hindi ba at gusto niyang kumuha ng secretarial course sa college? Ngayon pa lang sanayin mo na s'ya. And don't worry about dad at mom. Marami silang makukuha na ipapalit sayo,"
Natahimik si Amelia. Hindi na siguro niya alam kung paano kokontrahin ang sinabi ko.
"Balik nga pala tayo sa tanong ko kanina,"
"Anong tanong?"
"Bakit pati sila Zae de Ayala ay iniimbestigahan mo? Hindi ba't si Draken lang naman ang type mo?" Curious kong tanong.
"Hmm, maybe it's a part of my obsession? Since I want to know everything about him, they are also part of his life so I want to be aware,"
"So paano kung makahanap na siya ng ibang babae?" Nakataas ang kilay na tanong ko.
Magiging kagaya ka rin ba ni Karen na nakahandang pumatay?
"T-then, even though it will make my heart bleed to death, I have to stop myself from falling deeper for him. Pero as long as single siya, pwede naman akong mangarap hindi ba?
Mukhang malakas talaga ang tama nitong si Amelia sa Draken na 'yun.
"As long as you know what you are doing. Hindi kita papakialam. I will sleep here for now. You can tell dad about my plan. If I don't wake up until night, you have to wake me up, okay?"
"Seryoso ka talaga? Magba-bar tayo?"
Tumalikod na ako kay Amelia saka ipinikit ang mga mata ko.
"Yes. We're going to the bar, tonight,"