Chapter 3: Regret Never Comes First

2289 Words
Zennon's POV Gusto kong takbuhin ang distansya na nakapagitan sa aming tatlo. Pero baka isipin lang nila na weird ako kaya naman mas mabuti pang huwag na lang gawin ang bagay na 'yun. "Mom, dad. I'm back," naluluha kong sambit. Gusto kong lumuhod at humagulgol ng iyak. Humingi ng tawad at magpasalamat. Pero hindi ko pwedeng gawin iyon dahil baka kung ano pa ang isipin ng mga magulang ko. Tinitigan ko silang dalawa. Nagpalitan tuloy sila ng tingin. Pero hindi naman sila nagsasalita. Hinayaan lang nila ako sa ginagawa kong pagtitig sa kanila. Ang tagal na... Ang tagal kong inasam-asam na bumalik ang panahong ito. Iniisip ko pa noon, okay lang kahit hindi ko na sila mayakap. Kontento na ako na makita silang buhay. Gumagalaw, at nakangiti habang nakatingin sa akin. Kaya naman ang makita ko sila ngayon, sobra-sobrang pasasalamat na ng puso ko. Walang kahit na anong panunumbat at walang hinanakit na makikita sa kanilang nakangiting mga mukha. "Zennon hija, akala ko ay mamaya ka pa magigising dahil sa pagod mo sa byahe," noong makabawi ay nakangiting sambit ni mommy sa akin. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin s'ya ng mahigpit. Naramdaman ko na parang nanigas si mommy mula sa kinauupuan niya. Sino bang magulang ang hindi magugulat? I've been cold and distant. Mabibilang lang sa sampung daliri sa kamay at paa kung ilang beses ako kumain na kasabay sila, yumakap at humalik sa kanila. Ni makipag-usap nga ang dalang kong gawin eh. Pinagsisihan ko ang lahat noong nakakulong na ako sa basement at may buhay ng pumupintig sa loob ng sinapupunan ko. Noon ko lang naisip kung ano ang pakiramdam na maging isang magulang. Kung ano ang nakahanda mong gawin para sa munting buhay na iyon. Mas lalong humigpit ang yakap ko kay mommy. Ang tagal na panahon ko ng gustong gawin 'to. Iiyak sa kanya lahat ng sama ng loob ko. Ikwento sa kanya lahat ng masasakit na nangyari sa buhay ko. Kung paano ang pakiramdam sa first trimester ng pagbubuntis ko. Ano ang pakiramdam masipa ng munting buhay na nasa loob ng sinapupunan ko. Lahat. Gusto ko sanang ikwento sa kanya ang lahat lahat. In this lifetime, pwede ko na kayang gawin iyon? Kaya ko na kaya? Wala na bang pipigil sa akin? Naramdaman ko ang marahang pagsuklay ni mommy sa buhok ko. "Baby, don't be upset," aniya sa malambing na tinig. "I missed you," mahina kong usal. I'm sorry, mom. I'm sorry. Tuluyan ng nalaglag ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan tumulo. Masaya na masakit. Kailangan pang mawala silang lahat sa akin bago ako magising sa katotohanang hindi lahat ng desisyon ko sa buhay ay tama. "Anak, stop crying. You're making me worry. Hindi kami galit ng daddy mo. Kung hindi mo magugustuhan si Zae, hindi ka naman namin pipilitin. Ang sa amin lang naman anak, subukan mo munang kilalanin iyong tao. Hindi rin naman natin sigurado kung ikaw ba ang mahal n'ya o may iba s'yang mahal. Pero dahil pumayag s'yang ma-engage sa'yo, anak. Karapatan din naman ni Zae na makilala ka. Hindi ka naman namin pipilitin," malumanay na paliwanag ni mommy sa napakalambing niyang tinig habang hinahaplos ang likuran ko. Ang buong akala niya ay iniiyakan ko ang tungkol sa engagement. Hindi ko na lang itinama si mommy. Dahil wala naman akong maibibigay na balidong rason kung bakit biglang-bigla ay umiyak ako ng mga sandaling iyon. "I know mom, thank you," halos pabulong na sabi ko saka pinunasan ang luhang nagkalat sa mukha. "Daddy, sorry," baling ko kay dad na wala ring kibo habang nakatitig sa akin. May pagtataka sa gwapo niyang mukha pero mas lamang ang pag-aalala. Sa aming lahat, s'ya ang pinakanasaktan noon. Ibinigay n'ya lahat lahat sa akin. Ganoon din sa pamilyang binuo ko. Pamilyang inakala ko na magbibigay ng ligaya sa akin at kakompletuhan bilang isang maybahay. Pero hindi eh. Ang pamilyang iyon na pinipilit kong itatag ay siyang sumira sa tunay kong pamilya. Sa mommy ko. Sa daddy ko. Sa yaya ko. At sa mga taong nasa pamamahay na ito. Ang pamilyang iyon kung nasaan ai Gabby at si Karen ang naging daan para masira ang tunay na pamilyang nagmamalasakit at nagmamahal sa akin. Inako lahat ni daddy ang mga pahirap na ginawa ko. Tinulungan niya ako. Inayos niya ang pamilya namin ni Gabby. Ibinigay niya ang lahat ng pangangailangan namin. Ni hindi nagpakita si daddy ng pagkadismaya. Hindi niya ipinapakitang nalulungkot siya sa ginawa ko sa kanila ni mommy. Hindi niya ipinakita ang disappointments or dissatisfaction niya. Ni hindi niya ako sinumbatan. At tinanggap din nila bilang asawa ko ang lalaking kailanman ay hindi nagpakita sa kanila noong nanliligaw. Well, ang isa pang malupet na tanong ay... Nanligaw ba? Hindi nag-effort na suyuin sila at basta-basta na lang sumulpot sa bahay namin dala-dala ang marriage contract na may pirma ng pangalan ko. Napaka-walang kwenta kong anak! "Sorry," umiiyak na lumuhod ako sa tapat ni daddy. Paluhod ko s'yang niyakap sa bewang habang nakaupo s'ya. "Sorry din anak. Pasensya ka na kung hindi muna namin kinuha ang opinyon mo tungkol sa bagay na iyon. Pero palagi mong tatandaan, regardless, mahal ka namin ni mommy mo at hindi iyon kailanman magbabago sino man ang asawang iharap mo sa amin," naramdaman ko ang paghaplos ni daddy sa ulo ko. Sa sobrang kahibangan ko sa dalawang taong inakalang kong napaka-devoted sa akin, na ni hindi sumagi sa isipan ko na sinasaksak na pala nila ako ng patalikod, hindi ko inisip ang nararamdaman ng mga magulang ko. Palaging sinusulsol ni Karen noon na napaka-selfish ng mga magulang ko para mas inahin ang sarili nilang kagustuhan kesa sa kaligiyahan ko, when in truth, ako pa rin ang iniisip ng mga magulang ko. Muli ko na namang naalala ang sanggol na sanay malapit ko ng ianak. Anak, sorry. Hindi na makakabalik si mommy sa panahon kung saan halos mamatay tayo sa kamay ng pangalawang asawa ng biological father mo. Salamat, you make me experience how wonderful it is to be a mother. Kahit na sandaling panahon lang. Habang buhay kitang mamahalin, anak ko... Muli na namang tumulo ang mga luha ko after thinking about the lost life. "Ano bang nangyayari sa'yong bata ka? Bakit napaka-emotional mo?" Nag-aalalang lumapit sa amin ni daddy si mommy. Hinagod-hagod n'ya ang likod ko. "Did something happen?" Nag-aalalang tanong niya. Rinig na rinig ko ang labis na pag-aalala sa boses ni mommy kaya naman hindi ko na mapigilan ang mapahagulhol ng iyak. "M-mom, I'm s-so tired," daing ko. Sa lahat ng nangyari sa nakaraang buhay ko. I've been so tired! Parang inuubos ng mga ala-ala ng nakaraan ang lakas na meron ako ngayon. "Anak, ang tagal na naming sinasabi sa'yo ng daddy mo na tigilan mo na ang trabaho mo. We know that you love to travel and to try different kind of food...b-but we're worried because of the nature of your work, ana--- "Miss Zenny, nasa labas po si Ma'am Karen," putol ng isang katulong sa pagsasalita ni mommy. Napakunot-noo ako habang nakayakap pa rin kay daddy. Unti-unti akong kumalas sa kanya. Dang it! Hindi pa ako handang makita ang traydor na si Karen. Talagang sumugod dito?! "M-mom..." "You don't want to talk to her?" Mahinahong tanong ni mommy. Hindi ako tumingin sa kanya pero tumango ako habang nakayuko. "Alright, si mommy na ang bahalang makipag-usap sa kanya. Go back to your room," aniya sabay pat sa ulo ko. "Thank you mom," nakangiting sabi ko saka tumayo. Pero bago ko makalimutan ang lahat, sinuri ko muna ng tingin ang katulong na bigla na lang sumulpot sa pintuan ng dining room. Sinuswelduhan lang s'ya dito sa bahay pero kung tingnan n'ya ng may pang-iinsulto si mommy parang hindi siya pinapasweldo ng maayos. Muling bumalik ang galit na kanina ko pa pinipilit supilin. Inilang hakbang ko ang distansya mula sa kinauupuan ni daddy hanggang sa may pintuan ng dining room at walang pagdadalawang isip na pinadapo ang kanang palad ko sa kanang mukha n'ya! Anong karapatan n'yang sumingit sa pagsasalita ni mommy? At tingnan si mommy ng pailalim? The nerve! Pinayagan kong maging ganito kabastos ang mga taong 'to na pinasusweldo ng tama at pinapakain ng maayos ng mga magulang ko?! Ang kakapal! Umalingawngaw sa paligid ang tunog ng malutong na sampal. Rinig na rinig ko ang pagbulalas ni mommy ng 'oh no' at ni yaya Helen ng 'santisima'. "Sinong may sabi sa'yo na pwede kang sumabat sa usapan ng may usapan?" gigil na tanong ko. Ngayon lang nila ako nakitang ganito kabayolente. Hindi makapagsalita si mommy. Maging si yaya Helen na papasok dapat sa dining table ay napahinto sa paglalakad. Habang nakatingin pa rin si daddy sa binabasa niyang newspaper na tila ba walang naririnig. "Pangalan mo nga?" malamig na tanong ko sa katulong. Bahagya kong ipinaypay sa ere ang kamay ko. Medyo mahapdi. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nanakit ng tao. Ngayon lang ako nakasampal ng isang tao at walang pag-aalinlangan, take note! "M-mam!" mabilis na bumakat sa kanyang pisngi ang kanang kamay na ginamit ko sa pagsampal. Namula ang kanyang mga mata. Ikinurap-kurap n'ya iyon at kaagad na nag-unahan pababa ang mga luhang ni hindi man lang nagdulot ng pagkakonsensya sa dibdib ko. Pinagtaasan ko pa s'ya ng kilay. Awa? Naasan ang awa nila noong pinahihirapan ako ni Karen? Nasaan ang paggalang nila sa mga magulang ko na nagpapasweldo sa kanila ng maayos? "M-mildred. M-mildred po ang pangalan ko Mam. Si Ma'am Karen po ang nagpasok sa akin dito," mabilis s'yang sumagot kahit na nauutal pa s'ya noong una. Mabilis n'ya ring pinahid ang mga luha n'ya. Nakahalata yata na hindi ako tinatablan ng paiyak-iyak n'ya. Karen? Kitang-kita ko ang talim sa mga mata niya na para bang nagsasabi ng, 'ang bestfriend na mahal na mahal mo ang nagpasok sa akin dito, ano ngayon ang gagawin mo?' Pinagtaasan ko lang siya ng kilay. Kung hindi ko lang iniisip na pwede akong makulong kapag pinatay ko in this lifetime ang babae 'yun, ginawa ko na kaagad. Kaso hindi eh. What happened to me before was life a nightmare. But it happened. I know for sure that it happened in my past life. Isang milagro ang nangyari sa akin na kahit ang siyensiya ay hindi kayang ipaliwanag kung bakit at paano nangyari ang ganito ka-misteryosong bagay sa buhay ko. "You can go to Miss Amelia and get your remaining salary. We have lots of maid here. You can go pack up now," hindi ko hinintay na magsalita si mommy at daddy. Alam ko naman na dati pa silang binabanas sa katulong na 'to pero dahil nga abot hanggang langit ang pagmamahal at pagtitiwala ko sa doble kara kong kaibigan, hindi nila ako kinokontra. To the point na pinatira, pinakain at ginastusan pa nila ang taong pumatay sa nag-iisa at pinakamamahal nilang anak. "M-miss? P-pupunta po k-kay M-miss A-Amelia?" Biglang nawalan ng kulay ang pagmumukha ng katulong. Naalis bigla ang kayabangan at pagmamalaki sa mukha niya. Napalitan iyon ng totoong gulat at takot. Si Amelia ay sekretarya ni daddy na nakatira sa bahay namin. Pamangkin s'ya ni Yaya Helen at s'ya rin ang nagpapa-sweldo sa mga tauhan dito sa mansion. Malaki ang tiwala sa kanya nila mommy at daddy. Mas madalas, nasa kompanya siya at nagtatrabaho din doon. "Kailangan mo ba ng guard para hindi ka maligaw palabas ng mansyon?" nakataas ang kilay na tanong ko sa malamig pa ring tono. Nakahalukipkip ako habang nakatitig ng hindi kumukurap sa kanya. " P-pero alam na p-po ba ni Ma'am Karen?" Sarkastikong ngumiti ako sa kanya. "Bakit? S'ya ba ang amo mo dito? S'ya ba ang amo namin? Kailangan bang ipaalam namin sa kanya lahat ng desisyon dito sa pamamahay na ito? At ang pinaka-importanteng tanong, siya ba ang nagpapasuweldo sa iyo?" sunod-sunod na tanong ko na lalong nagpaputla sa mukha niya. "It's my parents house. They are the law here. They're the one who's giving you good salary and benefits! Who are you to ask me that nonsense?" madiin kong tanong habang nakakuyom ang kamao. Tumataas na naman ang presyon ng dugo ko. Arrreghh! She's just a maid. And the person she's talking about is an outsider. Anong karapatan nilang kwestyunin kaming may-ari ng pamamahay na 'to?! Nanlalaki ang mga matang tinitigan ako ng mga magulang ko at ni Yaya Helen. Gulat na gulat sila at wala silang mahanap na salita para sabihin ng mga sandaling iyon. I never show them this side of me. Because in the first place, I never have this kind of attitude. Na-build up na lang. Ang tagal-tagal ko ng gustong gawin ang bagay na ito. Noong pang nasa basement ako at dinadalhan nila ng mga bulok na pagkain. Mga katulong lang naman sila na nakakuha ng backer na nanggaling din sa pusaling pinanggalingan nila. Akala ko hindi na mangyayari ang pagkakataon na 'to. Ang mapagsabihan ang mga katulong na mas itinuturing pang amo ang taong sampid lang naman sa pamamahay ko. Buong akala ko ikamamatay ko na lang ang sakit at hinagpis na dinanas na dinanas sa nakaraang buhay. Ang mga taong 'to, isa-isa ko silang aalisin hanggang sa wala ng matira. Hanggang sa mawala ang panganib sa buhay ng mga taong mahal ko. "Yaya Helen," tawag ko kay Yaya. Lumingon ako sa kanya. Kaagad siyang tumayo ng tuwid. "A-anak?" natatarantang tanong niya. Napakunot-noo ako. Natakot ba siya sa akin? Nasobrahan ba ang ginawa kong pagsasalita sa katulong na walang galang? "Sabihin n'yo sa guard nating si kuya Awi na huwag na huwag ng papasukin dito sa loob ng mansion si Karen. At pakihatid itong si Medusa sa opisina ni Amelia. Bantayan n'yo s'ya hanggang sa makalabas ng bahay natin," " Ah, anak, Mildred ang pangala---" "Whatever yaya. Just get her out of my sight,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD