Chapter 4: Father and Daughter

1800 Words
Zennon's POV Nang makaalis si yaya Helen para samahan ang intrimitidang katulong papunta sa opisina ni Amelia ay muli akong bumalik kila mommy at daddy. "Matagal ko na dapat ginawa ang bagay na 'yun. I've been so stupid!" anas ko saka naupo sa tapat nilang dalawa. Nagmamadaling tumayo sa kinatatayuan niya sa mommy at sinalat ang noo ko. "Anak, are you possessed?" nag-aalalang tanong niya. Sinalat niya ang noo ko at maging ang leeg ko. "Daddy, I think our daughter is being possessed!" nababahalang sambit ni mommy saka lumingon kay daddy. Kaagad lumarawan ang pag-aalala sa mukha ni dad. Kaninang nananampal ako ng katulong ay naka-poker face siya. Ngayong sinabi lang ni mommy na napo-possess daw ako ay alalang-alala na ang mukha niya. Hindi ako nakakibo. Hindi ko inaasahan ang ganitong reaksyon ni mommy. But, I cannot blame them though, for reacting this way. I mentally pace palm my face. "Mom, dad I'm tired but I am not sick. I just don't want to talk to that woman, anymore" I said in a very calm tone. And it's the truth. Just thinking of them is making me felt tired. I'm tired of giving them my time, effort, money, my life... everything in my previous life. I don't know how to handle them for now. And I don't plan on dealing with them this early. I want to be prepared first. Not just physically but also mentally. Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay mommy at daddy noong makita ko na para silang naestatwa sa kinatatayuan nilang dalawa. "Zennon anak, should we bring you to the hospital? Did you hit your head?" ani mommy. Namimilog ang mga mata niya habang nakatitig sa akin na para bang isa akong makabagong organismo. Napailing na lang ako. Sa sobrang lala ng mga pinaggagagawa ko noon para kay Karen halos hindi na makapaniwala ang mga magulang ko na kaya kong humiwalay sa kanya. "Ewan ko po sa inyo mommy. Nasaan pala si Amelia? I want to talk to her," pag-iiba ko ng usapan. Kung ayaw maniwala ni mommy at daddy, fine. Only time can tell. Ang kailangan ko ngayon ay taong matatanong ko sa mga bagay-bagay. Hindi iyong ganito na para akong nangangapa sa dilim. "Nakakapibago ka anak. Kapag may nangsabing sinasapian ka ng maligno maniniwala talaga ako. Galit na galit ka kase kapag hindi namin pinapansin ang best friend mo. O kaya kapag may nasasabi kaming hindi maganda patungkol sa kanya. Tapos ngayon ayaw mong makipag-usap sa kanya? Bakit?" Nagtatakang tanong naman ni mommy. "At anong kailangan mo kay Amelia? Day off niya ngayon, pabayaan mo muna siyang magpahinga," Nakataas ang kilay n'ya at tinitingnan ako ng may pagsusuri. Siguro iniisip nila na baka may gawin akong masama sa napakabait na si Amelia. Ang pinakamamahal na pamangkin ni Yaya Helen. Noong panahon na nakulong ako, siya ang kauna-unahang inalis sa listahan nila Karen. Mariin kong naikuyom ang kamao ko. Naalala ko pa kung paano niya paasahin si yaya Helen na buhay pa ang kanyang pamangkin. Na pinaalis nila at pinagtrabaho sa ibang bansa. Pero isang araw na ako ay pinahihirapan ni Karen, sinabi niyang itinulak niya sa likuran ng mansion si Amelia. Tumama sa konkretong pader ang ulo nito at dead on arrival noong dalhin sa ospital. Natulala na lang ako noon. Hindi ko alam ang ire-react ko. Napatitig na lang ako kay Karen na para akong nakatingin sa isang halimaw. Huminga ako ng malalim at pilit na inalis ang nakakahilakbot na ala-ala sa isipan ko. "Dad, mom I will not do anything to her, okay? I know it's unbelievable but please, believe in me this time. And I will attend the engagement. Don't worry, natanggal na ang duming nakabara sa mga mata ng anak niyo," seryosong sabi ko pa saka tumayo. Kung gusto ko talagang mabago ang direksyon ng hinaharap ko, kailangan kong simulan sa attitude. Ang unang-una na dapat kong alisin sa ugali ko ay ang pagsasawalang bahala at ipinapaubaya sa iba ang pagdedesisyon para sa sarili ko. "..." "..." "What?" Tumikhim si daddy. Tila natauhan naman si mommy. "A-ahm. P-pumapayag ka sa engagement?" Hindi makapaniwalang tanong ni mommy. "Ayaw n'yo po? Hindi na ba tuloy? Nagbago na ba ng plano?" Takang tanong ko. "Y-you're tita Aena will loved the news! W-wait, wait! I have to call her!" Excited na bulalas ni mommy at mabilis na tumakbo siya palabas ng dining area. Noong mawala si mommy sa dining table ay napansin ko ang pagtitig ni daddy sa akin. "Bakit po, dad?" "Sit here," tinapik ni daddy ang upuan sa tabi niya. Kaagad ko naman siyang sinunod. "May gusto ka bang sabihin anak? Don't worry, hindi naman kita huhusgahan," tanong niya kaagad noong makaupo ako. Nakahalata kaya si daddy? Tumingin ako sa kanya. Hindi makapaniwala. "Anong problema, anak? Kailangan mo ng tulong?" Parang may bumara na naman sa lalamunan ko dahil sa sinabi ni daddy. Palagi na lang kabutihan ko ang iniisip niya. "Naisip ko lang dad..." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Dahil paano ko naman ikukwento sa kanya ang kababalaghang nangyari sa akin? Although ako pa rin naman ang anak niya. Walang nagbago sa katotohanang iyon. Hindi ko lang alam kung paano ko iyon ipapaliwanag. At kung darating ba ang araw na may pagkukwentuhan ako noon? " You can tell dad, if you think you can't handle the problem anak," ani daddy sa boses na punong-puno ng pagmamahal. "Kung inaalala mo si Karen, huwag kang mag-alala, hindi siya makakapasok dito hangga't walang go signal mula sa amin," aniya pa sabay pat sa ulo ko. My eyelashes flutter as I look down on the floor. "Dad, I told you. You don't have to mind that person. Let's just say that I've been blind before. It's my fault for being so trusting. I don't know how to judge a person. Now, I will listen to you and mom. You don't have to put up with her just because you want me to be happy. Natuto na po ako. Sorry po kung hindi ko kayo pinakinggan noon," I said sincerely. "I will not see that person anymore," sabi ko pa with conviction. Hindi nakakibo si daddy. Timitig lang siya sa akin. May pag-aalala sa mukha niya. "Anak, hindi kita pipilitin na magsabi o magkwento. Kung hindi mo kayang magkwento, that's fine. Basta kapag nagkaproblema ka, asahan mong nandito lang kami ni mommy para sa'yo. Understand?" Ngumiti ako kay daddy. Saka marahang tumango. "Thank you dad. I've learned my lesson. I know I've been so stupid before. Pangako, hindi ko na hahayaan na diktahan ng ibang tao ang buhay ko," sinserong sabi ko. "You don't listen to us when it comes to your best friend. But that doesn't mean that you're stupid. You just give your trust wholeheartedly. But it's not a bad thing anak. Just remember who to give it next time," punong-puno ng pang-unawa ang tinig ni daddy habang sinasabi ang tungkol sa pangaral na iyon. Ngumiti ako at nagyuko ng ulo. Hindi ko mapigilan ang pag-iinit ng magkabilang sulok ng mga mata ko. Nagbabadya na namang bumagsak ang mga luha. Wala man lang nagbago sa kanila. Lalo na si daddy. They're still as understanding as ever. Mas uunahin nila akong intindihin kesa mga sarili nila. "Ah, let's not talk about that anymore. I will respect your decision. Hindi na natin papasukin dito sa mansion ang taong 'yun kung iyon ang ikapapanatag ng kalooban mo," daddy ended our discussion about my issues with Karen. Hindi na s'ya nagtanong pa kung ano ang mga nangyari. Napangiti ako ng mapakla. See that self? You're a self centered daughter who only loved yourself. Kung hindi mo pa naranasan ang kamatayan, hindi mo makikita ang tunay na halaga ng mga magulang mo. "Oh, hindi ba at pupuntahan mo si Amelia? She's a nice girl anak. Mas mapapanatag kami ng mommy mo kung siya ang palaging binubuntutan mo," Uminom ako ng tubig at marahang pinunasan ng pasimple ang mga mata ko. Ibig bang sabihin ni daddy, palabuntot ako kay Karen? Hmp! Pero sa halip na patulan ko si daddy ay may isang tao akong naalala. At ito na ang pagkakataon na itanong iyon kay dad. "Ahm, about tita Aena---," paano ko ba itatanong 'yun kay daddy? Tumikhim ako ng dalawang beses saka huminga ng malalim. "Will she like me dad?" Nag-aalinlangan kong tanong saka lumingon sa kanya. Paano kung hindi ako magustuhan ni tita Aena? Her devastated and angry looking face at that time was still haunting me now. Hindi maalis-alis sa isipan ko ang tumutulong luha mula sa mga mata n'ya habang nanginginig ang kanyang buong katawan sa galit noong magpunta s'ya sa bahay at wala nang inabutan na burol. Tanging abo na lang ni mommy at daddy ang nakita n'ya na nakalagay sa isang maliit at walang kaayos-ayos na altar at tanging isang bouquet ng bulaklak ang nakalagay bilang alay sa mga magulang kong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako at ibigay lahat ng mga kapritso ko. Hanggang ngayon, ganoon pa rin naman si daddy at mommy. Sa kabila ng ginawa ko sa kanila in my previous life, they still loved me like I'm the most precious jewel. My past life didn't change their love for me even for a bit. "Hmm? Why did you suddenly ask about her? Well, for sure she will like you. She's the one who offer about the engagement. Actually bata pa kayo ni Zae ay palagi na niyang pinagsasabihan ang anak niya na huwag maggi-girlfriend ng iba dahil ikaw daw ang nakatadhanang maging asawa niyo. And because your mom loved her bestfriend so much, naisip n'yang bakit hindi? So sinasakyan namin ang joke," ani daddy. "Kapag nag-work out kayong dalawa ni Zae, magiging tunay na magkapamilya na silang matalik na magkaibigan. At isa pa, kilala ko si Zae anak. Maraming pagkakataon ko na s'yang nakasama. Maybe you don't remember him anymore pero dalawang beses na siya nakapunta sa atin noong bata pa siya. Sabagay you're still a baby back then," Punong-puno ng amusement ang boses ni daddy habang binabalikan ang nakaraan nila. A newborn ha. That's why I don't know him. Pero kung bff si mommy at tita Aena bakit hindi ko naman sila palaging nakikita? "Recently lang umuwi sila tita Aena mo anak. Matagal silang nanirahan sa USA," saad pa ni daddy na para bang nababasa kung ano ang nasa isipan ko. "Nagsi-set na ng date ang mommy at tita Aena mo para mag-meet ang mga pamilya natin. You don't have to worry about them. They will accept you, anak," Ngumiti ako kay daddy. Pakiramdam ko kahit paulit-ulit niyang sinasabi na magugustuhan ako ng mga kaibigan nila ni mommy hindi niya naman maitago ang pag-aalala sa mukha niya. "I understand dad. Pupuntahan ko muna si Amelia," tuluyan na akong tumayo mula sa kinauupuan ko at saka lumabas sa dining room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD