Kabanata 10
Landi
Tahimik kong kinain ang recess kong Spaghetti dito sa canteen. Mag-isa lang ako ngayon dahil busy ang mga kaibigan ko. Cade's busy with his bandmates. Ally is busy with his soccer team. First day na first day ay may meeting daw sila. Si Ella at Ciela naman ay busy daw sa lalaking unggoy na epal na 'yon.
When fame strikes daw. Hay jusko!
Kabi-kabila ang naririnig kong usapan tungkol sa kapatid ni Ella. Kesyo artista at modelo daw ito tapos nag-aaral sa public school. Tss. Baka naman wala na siyang career doon? Wala ng pera? Laos na? Pero baka hindi rin, kasi latest project niya ang April issue ng Recherché Magazine na isang sikat na magazine tungkol sa fashion, lifestyle, at most famous personalities. Rinig kong malaki pa naman ang TF na ibinigay sa kanya do'n. Tsaka siya daw ang most hottest and handsome young man of the year kaya siya daw ang highlight sa summer issue.
So what? Paki ko ba? Tss.
"Alam mo bang nginitian ako ni Marco kanina? Like, OMG! He noticed me!" Tili ng isang babae sa kabilang table. A bunch of girls with full face makeup on. Napailing na lang ako habang iniikot ang pasta sa tinidor.
"Girl, ako rin! Grabe, ang tangkad niya pala talaga!"
"Sinabi mo pa! Ang bango-bango niya!"
Oo. Amoy putok. Tss. Humahalimuyak ang amoy niyang 'yon sa room kanina. MASAKIT PO SA ILONG, JUSMIYO! Isinubo ko ang pasta at nginuya 'yon. Habang nakikinig sa usapan ng mga babaeng grade ten ay nasa labas ang tingin ko. Tanaw ko mula dito ang tambayan namin sa may acacia tree. Tiyak kong nandoon ang dalawa kong kaibigan kasama ang lalaking epal na 'yon. Napapalibutan sila ng mga estudyante. Mapa-junior o senior man.
"Nakapagpa-autograph ka na ba?" Rinig kong tanong ng isang babae mula sa kabilang table.
"Huh? Hindi. Paki ko ba?" Malamig na sabi ng isang babae. Ayaw niya rin kaya kay Marco? Kung ganoon nga, edi masaya! "Tao lang rin naman siya, tsaka toxic ang isang 'yan." Aniya.
Pansin kong magkaparehas kami ng uniform ng babae. Base sa itsura niya, parang ka-edad lang namin siya. Seventeen o eighteen siguro? Baka taga-kabilang section siya o transferee?
Nang matapos ko ang recess ko ay agad na akong lumabas ng cafeteria. Medyo nabawasan na rin ang dami ng tao na nagpapa-autograph sa lalaking 'yon. Naiinis man ako sa mukha ng lalaking 'yon ay naglakas-loob akong lumapit sa kanila.
Pumipirma sa isang phone case si Marco.
"Ano? Magpapa-autograph ka rin ba, Nami?" Agad na tumaas ang kilay ko kasabay ng pag-susulat niya sa isang papel.
"Excuse me lang 'toy ha, never kong gugustihin ang pirma mo, okay? Tsaka, 'wag mo akong matawag-tawag na Nami. Hindi tayo close!" Mataray kong sabi at inirapan siya. Umupo ako sa gilid ni Ciela, malayo sa lalaking unggoy.
Tumingin sa akin ang iilang mga estudyante na nakarinig sa sinabi ko. Tss. As if I care. Sumama ang tingin ng iilan sa akin.
"Tss. Just mean it, that you're one of my fans." Mahangin niyang sabi.
"Anong sabi mo? Ako? Fan mo? Never!"
Umirap na talaga ako. Kainis! Ang hangin niya!
"Stop, okay? Para kayong mga batang nag-aaway!" Sita ni Ciela habang inaayos ang pentel pen na hawak niya.
"I'm not a kid, Ciela." Ani Marco. Tss. Pa-English-English ka pa dyan, 'sama naman ng ugali mo! Mahaderong 'to. Kaloka!
"Isip bata." Parinig ko sa kanya.
Matalim na nilingon niya ako.
Mabilis na lumipas ang dalawang buwan. Parang kahapon lang noong bakasyon pa at nagliliwaliw ako. Nakakalungkot lang dahil hindi man lang umuwi si Kuya Anton dito noong bakasyon. Nag-usap sila ni Auntie Lilian at hindi na sinabi pa sa akin ang dahilan. Pinilit ko nga, pero napagalitan lang ako. Busy daw doon si kuya at may importanteng gawain sa Maynila. May laro ba sila noong bakasyon? Eh diba dapat sasabihan niya kaming dalawa kung magsa-summer class na siya kung gusto man niyang mauna?
Nandito kami ngayon sa covered court ng school. May tryouts daw ngayon para sa LNHS Basketball Varsity Team. At siyempre, hindi pahuhuli ang pabibong unggoy na 'yon.
"AHHH! Go Marco baby!"
Napapikit ako sa tili ng isang lalaki na nasa likod ko lang. Jusmiyo! Agad akong kinilabutan nang lumabas ang imahe ni Marco at ng lalaki na nasa likod ko na magkasama. Ipinilig ko ang ulo ko.
Ang totoo niyan ay wala akong balak na manood. Kaso ay napilitan lang ako dahil si Cade ang nag-aya sa akin na manood sa tryouts nila. Na-i-shoot ni Marco ang bola, kaya ang resulta ay humiyaw ang mga taga-suporta niya. Matapos no'n ay napalingon siya sa gawi namin. Agad na nagtama ang tingin namin at malokong ngumisi. Inirapan ko siya.
"Oh my gosh! Tumingin siya sa akin!" Hiyaw naman ng isang babaeng nasa tabi ko. Napailing na lang ako at pinanood na lamang si Cade. He's the one who invited me to watch him, so I should do my best to support.
"Shoot mo, Cade!" Sigaw ko nang pumwesto siya sa tres. Walang hirap niyang nai-shoot ang bola at tumakbo. Napa-yes! pa nga ako at napatayo. Ngayon ko lang na-realize na marami palang mga fanclubs dito. Ang tatlo ay sa triplets, isa kay Cade, kay Ally, kay Marco-ng unggoy at sa iba pa. Parang imposible para sa probinsya namin, pero ang dami kasing gwapo dito sa Lealtad. Kaya naman hindi ko sila masisi.
Kinabukasan ay naging maayos naman ang morning assembly. Naglalakad kami pabalik ng room at agad na dumiretso sa aming mga upuan pagkapasok pa lang.
"I have an announcement! So please, settle down." Ani Ma'am Liwanag at hinintay na tumahimik ang buong klase.
"I would like to inform all of you na mayro'n akong performance task na ipapagawa sa inyo. Well, bukod 'yon sa research ninyo dahil project 'yon. I'll give you a month to prepare a poem. Hindi basta-bastang tula ito. I want you to write a poem based on your experiences in the whole month," isinulat niya ang criteria sa pisara.
Napahawak na lang ako sa ulo ko. Tula? Ako? Gagawa?
Nilingon ko ang mga kaibigan ko sa likod. They don't look problematic. Sabagay, tula lang naman 'yon.
"I want all of you to do it by pair. Since all of you are 34. There will be 16 pairs." Ani ma'am kaya agad akong tumingin sa likod niya. She's still writing the criteria.
"Pero ma'am! Paano naman po kung hindi namin ka-vibes ang mga ka-partner namin?" Maarteng reklamo ng isang kaklase namin.
"That's why I put all your names in this box," ipinakita ni Ma'am Liwanag ang isang box. "Tanging mga lalaki lang ang bubunot." Ani ma'am kaya napataas ang kilay ko.
"Pero ma'am! Unfair naman po 'yon! Paano po kaming mga babae?" Angal ko.
"Next time, girls. I just want the boys to have their partners for this task by picking up a piece of paper with your names. Okay? Next time girls, you'll have your turn."
Isa-isang kumuha ng mga papel ang mga kaklase naming mga lalaki. Ramdam kong kabang-kaba kaming mga babae dito.
Si Mielle ang nabunot ni Ally. Si Anya naman ang kay Cade. Si Ella naman ang nabunot ni Rei. Habang si Ciela naman ang nabunot ni Patrick.
"I would like to tell all of you that I'll deduct twenty points to your scores if you switch partners."
May tatlo pang hindi natatawag si ma'am na mga kaklase kong babae, kasama na ako doon. Kaya naman ay kabang-kaba na ako dito sa kinauupuan ko. Diyos ko, ipagpala mo po sana ako ngayon. Naka-cross fingers akong nakatingin kay Ma'am Liwanag.
"Who's your partner?" Tanong ni ma'am kay Marco.
Malamig ang tingin niya at expressionless. Sinabi niya kay ma'am kung sino ang nabunot niya. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin, kasabay na rin no'n ang pag bilis lalo ng t***k ng puso ko.
Ipinakita niya sa akin ang kapirasong papel na may nakasulat na: Belleza.
What the fudge?!
Seryoso?! Siya ang magiging ka-partner ko?
"Now go to your partners and talk about the poem you're going to make."
Mas nabanas naman ako sa sinabi ni ma'am. Malamig siyang tumingin sa akin bago siya tuluyang lumapit. Umupo siya sa upuan ni Ally na siyang katabi ko lang. Bakit ganito? Parang nabato ako sa kinauupuan ko? Agad na pumasok sa ilong ko ang amoy niya. Tss! Ang tapang!
"Ano ba 'yan, ang baho." Parinig ko nang tuluyang makaupo siya.
Malamig siyang tumingin sa akin kaya natigilan ako pero hindi na ipinahalata pa sa kanya.
"What? That's Tom Ford! Tss, stupid." Aniya.
"Anong sabi mo? Ako stupid? Feeling 'to, ikaw ba kausap ko?" Mataray kong sabi. Psh! Nakakapang-init lang ng ulo!
"You're not gonna be able to make a poem if the both of you will just fight about unessential things." Ani Ella na malapit lang sa amin.
"Pwede ba tayong mag-switch partners, Ella?"
Agad niya akong tinignan, nag-aalangan.
"We can't switch, Natasha. May deduction. We can't lose our scores." Ani Rei at seryosong tumingin sa amin.
"Sorry. Bwiset lang kasi itong kaibigan mo e." Sabi ko nginitian si Rei. He's kind and understanding kaya naman gets naman niya siguro na ayaw ko kay Marco.
He's so arrogant! Feeling niya kanya ang mundo!
"Akala mo, ikaw lang ang nabi-bwiset? Tss. Isip bata na nga ang partner ko, panget pa." Ani Marco pagkatalikod ko.
"Wow! Ha! Ako talaga 'yong panget? Eh mas mabaho pa nga 'yang ugali mo kaysa sa imburnal! Mas panget ka—"
"BELLEZA! Stop shouting!" Pumasok si ma'am sa silid at pumunta sa amin.
"Ma'am, pwede po bang makipag-switch?" Masamang tinignan ko si Marco bago nagmukhang nagmamakaawa kay Ma'am Liwanag. Mariin siyang umiling.
"No. Sinabi ko na diba na may deduction na 20 points? You should follow my rules, Natasha." Ani ma'am at pinuntahan ang iba pang mga kaklase namin.
"Tss. Pahiya ka ngayon." Bulong ni Marco sa gilid ko kaya masama ko siyang tinignan.
Epal ka talagang unggoy ka! Sana hindi ka na lang dumating dito!
*
Lutang akong umupo sa armchair ng isang kaklase ko. Tanging ako lang ang natira sa cleaners para sa araw na'to. Lahat sila ay naisipang pumunta sa soccer field. Ganyan naman sila e. Kapag alam nilang may willing na maglinis ng room ay aalis sila. Nagwalis na ako.
Pero okay na dito ito. I'm used to do these things everyday. Mas okay na maglinis kung mag-isa ka lang. Walang maingay. I'm at peace.
"DRE! BILIS, TAGO NA!"
Halos ihagis ko ang basahan na may floor wax—
"Hoy! 'Yong sahig!" Sigaw ko nang mapagtantuan na inapakan nila ang sahig na bagong floor wax ko pa lang.
Agad na nagsiksikan silang mga lalaki sa iisang gilid. Malapit sa table ni Ma'am Liwanag.
"Bakit ba kayo nagtatago dito? Kitang naglilinis ako e!"
"Shhh!"
Napaatras ako sa ginawa nila. Sabay-sabay pa silang kumilos. Pansin kong lima sila. Si Rei, Josh, Kevin, Patrick at ang epal na si Marco.
"Lumabas kayo di—"
"Shut up and just clean the floor!" Ani Marco na nakaupo sa sahig habang nakasandal sa pader. Agad na tumaas ang kilay ko.
"I'll clean, but you have to get out of this room first!" Sigaw ko sa kanya.
"Pakialam ko ba?" Masungit siyang tumingin sa akin.
"I'm almost done cleaning until the five of you entered the room!" Dagdag ko.
"What the hell? Ano bang problema mo?" Pasigaw na tanong ni Marco. Namumula ang tainga niya. Nakakunot din ang noo niya habang inis na nakatingin sa akin.
"Naglilinis ako!"
"O edi maglinis ka! Problema mo?"
Mas lalong kumulo ang dugo ko sa kanya. Kahit kailan talaga. Tss. Sa buong dalawang buwan hanggang ngayon, pinepeste niya ang buhay ko. Kung hindi siya mang-aasar, babarahin naman niya ako o kaya ay susungitan. Aaminin ko na wala akong palag at puro pagtataray at pang-aasar lang ang ginagawa ko sa kanya. Pero siya, todo siya e. G na g.
"Marion!" Tawag ko sa mga kaklase naming mukhang hinahanap sila. Halatang naglalaro sila ng taguan o kung ano man. May pustahan ata? Uso kasi 'yon sa amin e.
"F*ckshit woman!" Mura ni Marco kaya ngumisi ako. Hindi ko na pinansin ang pagmumura niya. Ipinanganak ata siyang ganyan. Hindi na ako aapila.
"Labas." Turo ko sa labas habang hawak ko ang basahan na ginagamit ko pang-floor wax ng sahig. Walang imik ang mga kaibigan niya. Hinahayaan lang kaming mag-bwisetan dito. 'Yon ang problema sa kanila e. Hindi man lang nila awatin ang nay saping kaibigan nila. 'Yan tuloy, sinasaniban nanaman.
"Are you serious?" Puno ng inis ang boses niya. So what? Paki ko ba kung naiinis siya? Maybe I was born to annoy him. Dapat lang 'yon sa kanya.
"Oo. Labas! Hindi naman kayo naglilinis ng room e!" Giit ko. "Hindi kayo lalabas? MARION! DITO!"
Agad na tumakbo palabas ng room ang lima. Masaya akong ngumiti. Paano ba 'yan, talo ka ngayon, Marco.
Nagpatuloy ako sa paglilinis ng room. Ang kaninang malinis na sahig na ngayon ay marumi na ay nilinis ko ulit at nilagyan ng floor wax. Akala ba nila madali ito? Aba, kahit pa na sanay akong gawin ito araw-araw, hindi parin nila dapat samantalahin ang kasipagan ko dito!
Ang mga kaibigan ko naman, mas naunang lumabas sa lahat dahil susuportahan daw nila si Ally. Inaaya naman nila ako. Pero ito naman ako, hindi ko maiwanan ang gawain ko. Tsaka, may plus grades din ito. Siyempre, gustong-gusto ko naman 'yon.
Inayos ko ang panghuling upuan at napasalampak sa sahig. Agad akong sumandal sa pader at nagpunas ng pawis. Tagaktak ito at basa na rin ang buhok ko. Ah, 'yong mga baby hair ko ang basa talaga.
"Hay! Kapagod." Pabulong kong sabi.
"Oh gosh. Dito talaga, babe?" Napakunot ang noo ko nang marinig ang boses ng isang babae. Tunog malandi. Tss. Isinarado nila ang pinto nitong room. Naiintindihan ko naman kung hindi nila ako nakikita dahil nandito ako sa dulo malapit sa table ni ma'am.
Sadyang hindi ko lang talaga masikmura na itong kaklase ko at isang taga-kabilang section pa ang nakikita ko. Hindi naman sa ano a, pero kinikilabutan talaga ako e!
"E-ehem!"
Agad silang napatigil sa paglalampungan doon sa likod ng pinto. Pasalamat sila at nakababa ang kurtina. Gulat na napabaling ang dalawa sa akin.
"What the hell?"