Kabanata 9

2384 Words
Kabanata 9 Classmate Isang haciendero si Raven Echevarria. Mayaman ang buong angkan na pinanggalingan niya. Gwapo siya, makisig, matalino, masipag at mabait. Kaya lang ay nasa kolehiyo na siya. Pero okay lang, taon lang naman 'yan e. Bata pa lang ako ay crush na crush ko na siya. 'Yong tipong tumatalon ako sa kilig. Ngumingiti ng mag-isa tuwing naiisip ko siya. Hindi naman ako 'yong tipong sinusundan-sundan siya sa kung saan man siya pumunta. Sa school ko lang siya nakikita. Minsan kapag napapadaan kami sa school nila, o kaya naman ay kapag may pupuntahan kaming lima na involved din siya. Naalala ko pa nga 'yong time na unang beses kong nahawakan ang kamay niya! Jusmiyo, hindi ko talaga alam ang gagawin ko no'ng panahong 'yon! 'Yong tipong mahihimatay na ako sa kilig, nanghihina ang dalawang tuhod ko. Na para bang gusto ko na lang siyang yakapin magdamag. Namumula kong tinakpan ang mukha ko at tumalikod. Ni kahit kailan, hindi nakakarating sa crush ko na crush ko siya! Tapos sa ganitong sitwasyon pa niya malalaman? Kung kailan nakatingin pa siya sa amin at wala sa lagay ang itsura ko! "Ella, kailan ba aalis 'yang kuya mo dito?" Inis kong tanong nang pauwi na kami. "Huh? Hindi aalis si kuya. Dito daw siya mag-aaral ng college." Sagot niya. Ano? Dito siya sa Lealtad magsi-stay? Eh diba nasa Maynila ang buhay niya? I mean, doon siya nakatira? Doon siya nag-aaral? Bakit dito pa? Ugh! Nanlulumong bumaba ako ng pickup ni Cade at pumasok ng bahay. Walang gana kong inilapag ang mga gamit ko sa upuan at umupo. Kapag dito nag-stay ang lalaking epal na 'yon, jusko. Maawa sana ang langit sa akin! Nang makalipas ang isang linggo ay namili na kami ng mga gamit sa eskwela doon sa sentro sa bayan. Kung dati naman ay hindi ako ganito. Minsan pa nga ay ako pa ang nangunguna sa pagbiki sa sobrang excitement na nadarama. Pero iba ngayon. Nararamdaman ko na kasing nalalapit na ulit ang pagtutuos namin ng timawa na 'yon. "Ano? Dala mo na 'yong kailangan mo?" Bungad ni Auntie Lilian nang makababa ako. "Opo, auntie." Tumango-tango siya at isinukbit na ang bag sa sarili. Tahimik akong sumunod kay auntie habang nila-lovk niya ang pinto ng bahay. Pagkalabas ng gate ay sajto namang may padaan na tricycle kaya naman pinara ko na 'yon. "Manong, sa LNHS po." Tanging ingay lang ng tricycle ang naririnig namin. Dahil sa pagkalutang ko ay hindi ko na namalayan na nakarating na kami sa Lealtad National High School. Pagkababa ko ng tricycle ay agad na bumungad sa akin ang malaking puting gate ng school. Pumasok kami sa mas maliit na gate kung saan sinalubong kami ni Manong Guard. Agad kaming dumiretso sa isang building na may dalawang palapag. Sa ibaba ang payment/enrollment area, nandoon din ang office ng registrar namin. Tapos sa itaas naman ang office ng Principal namin. Nang pumasok kami doon ay sinalubong kami ni Ma'am Ligaya na siyang namamahala sa mga enrollees na tulad ko. Binigyan niya ako ng form kaya agad kong finill-up-an 'yon. Ibinigay ko rin ang ilang requirements at nagbayad na si auntie ng tuition ko. Mabilis rin naman kaming lumabas doon nang matapos. "Lilian! Buti naman at nakita kita dito," lumapit sa amin ang isang kakilala ni auntie. "Kailangan kitang makausap tungkol sa usapan natin nina Elena. Jusko, inaatat na niya kasi ako na puntahan ka, e hindi naman kita naaabutan kapag pumupunta sa inyo. Nasa trabaho ka yata." "O siya sige, kakausapin ko lang itong pamangkin ko." Lumayo kami ng kaunti sa kakilala ni auntie. "Nami, okay lang ba na mauna ka na muna sa bahay? Importante lang kasi ito, alam mo na. Tungkol 'yon sa lupa na inaasikaso nila." Ani auntie kaya napatango agad ako. "Naku, auntie. Okay lang po. Puntahan niyo na po ang lakad ninyo. Ako na po ang bahala sa bahay." Ngumiti ako at ibinigay naman ni auntie ang susi sa akin. Humalik ako sa kanyang pisngi at naghintay na ng tricycle sa tapat ng gate sa labas nitong school. Kita ko ang pagsakay nila sa isang Vios na silver at umandar na 'yon palayo. Nang makasakay ako sa tricycle na pinara ay agad kong inayos ang buhok ko at nag-ponytail. "Manong, sa mga Belleza po." Grabe! Biglang init ngayon. Buti na lang at hindi gano'n kalakas ang El Niño ngayon. Jusko, 'yong lupa doon sa isang plantasyon sa Arias noong nakaraang buwan ay tuyong-tuyo at lubak-lubak dahil sa init. Masyadong tirik kasi ang araw doon. Halos maibato ko ang hawak na susi sa pagtunog ng analog ko. From: Ally Nami, nandito kami nina Cade sa tapat ng bahay ninyo. Nasaan ka? Napakunot ang noo ko sa nabasa. Anong sadya nila? Agad akong tumipa ng reply. To: Ally Nag-enroll ako kanina. Pauwi na ako. Nasa may b****a na. Kulang na lang ay madaliin ko si manong sa pagda-drive ng tricycle na ito. Tanaw ko ang pickup ni Cade na naka-park sa harapan ng gate. Si Ally ay nakasandal lang doon at nakaharap sa gate habang nakatingin sa cellphone niya. Inabot ko ang bayad kay manong at agad na pinuntahan sila. "Uy! Napadaan kayo?" Agad kong tinanggal ang padlock at binuksan ang mas malaking gate para maipasok ni Cade ang pickup niya sa space na pwede pa sa loob. Dito kasi naman ipina-park ang Lancer namin noon. Pero wala na 'yon ngayon dahil ibinenta na namin at ipinangbayad sa tuition ni Kuya Anton. Si Auntie Lilian na lang kasi ang nagtutustos sa kanya at siyempre sa akin. Hindi kasal si auntie sa ama ni kuya. Hindi rin naman siya pinagutan kaya naman lubos ang sama ng loob ni kuya sa kanyang ama. Tanging ang pagta-trabaho lang namin ni auntie sa plantasyon nina Ma'am Elena ang bumubuhay sa amin. May racket din ako minsan sa poultry farm nina Ciela at kasama ko minsan doon si Ally. Gaya nga ng sabi ko, mayaman din sina Ally. Sadyang gusto niya lang magkaroon ng pera sa sariling hirap at pagod niya. Tsaka, nag-iipon siya. Kahit ako rin naman e. Pero madalas napupunta ang ipon kong 'yon sa tuition ko, sa tuition ni Kuya Anton at sa pang-araw-araw na kailangan namin tulad ng pagkain pati allowance. Bumaba si Ciela at Cade sa pickup. Pinapasok ko sila agad nang mabuksan ko ang pintuan. Hindi na ako nagtaka nang humilata sa Ciela sa couch na malapad at si Cade sa pang-isahan. Si Ally ay dumiretso lang sa banyo dahil tinatawag daw siya ng kalikasan. "Oh? Nasaan si Ella? Bakit 'di niyo siya kasama?" Tanong ko nang mailapag ko ang mga baso at pitsel sa center table namin na kahoy. Gawa 'yan sa Narra! "Ayon, may dinaluhan siyang party ng isang family friend daw nila. Nagpupumilit ngang sumama dito pero inawat siya ng kuya niya. Nakabusangot nga kanina bago kami umalis sa bahay nila e." Ani Ciela habang binubuksan ang dala nilang isang medium na bilao ng Palabok. May dala din silang soft drinks kaya naman solve na solve sila sa pagkain mamaya. Paborito naming lima 'yan noon pa man. Pero siyempre, Spaghetti parin kami ni Ella. Tsaka pancit ni Kuya Anton! Napairap na lang ako at hindi na inintindi pa 'yon. Lumabas sa banyo si Ally. Agad ko siyang inabutan ng alcohol kaya naman tinanggap niya 'yon. "Mamaya ka na kumain! Kadiri ka!" Sigaw ni Cade sa kanya kaya naman sinamaan niya ito ng tingin. Tinawanan na lang namin sila ni Ciela. "Grabe ka naman! Parang ikaw—" Hihirit sana si Ally pero pinutol siya ni Cade. "Ano? Ano?" Tumayo si Cade at nilapitan si Ally. "Ikaw nga nau—" Hihirit pa sana ulit si Ally pero tinakpan na ni Cade ang bibig niya. "Mmm! Mhmm!" "Sige ano? Hihirit ka pa?" Nagbibirong hamon ni Cade. Agad na kumuwala si Ally sa hawak ni Cade. "Baka gusto mong ano..." Ani Ally kaya namula si Cade. "Huh? Ally! Anong nangyari?" Tawa ni Ciela matapos uminom ng soft drinks niya. "WALA!" Sigaw ni Cade at umupo na. "Kumain na nga lang tayo." Tawa ko habang naglalagay ng Palabok sa plato ko. * Tahimik akong umangkas sa likod ni Ally. Dinaanan niya na ako para sabay daw kami pumasok dahil alam niyang mag-aabang pa daw ako ng tricycle na masasakyan. "Kumapit ka, oy. Baka mamaya bumagsak tayo sa bigat mo, Nami." Asar niya na sinundan niya ng nakakainis na tawa. Hinampas ko nga. "Aray! Nagda-drive ako oh!" Inirapan ko na lang. "Ewan ko sa'yo! Ang payat ko kaya!" "Ikaw? Payat? Tss. Asa ka!" Isa na lang talaga itutulak ko na 'to! Joke lang! Mamaya maaksidente pa kami e, simba ko lang. Lagi akong inaasar ng ganyan nilang dalawa ni Cade. Laugh trip sila sa'kin kapag naiinis na ako. "Baka gusto mong mabangasan 'yang mukha mo, Ally." Umiling lang siya. "Ano ka ba? Hinding-hindi ko hahayaan na mangyari 'yon! Ako pa!" Sigaw niya. Nililipad ng hangin ang buhok ko kaya naman inipit ko ito sa strap ng bag ko. "Tss. Yabang mo." Sabi ko na tinawanan lang niya. Tanaw na namin ang gate ng school. Nakabukas ang malaking puting gate at pumapasok ang mga estudyante. Ang iilan sa kanila ay naka-civilian pa. Ipinark ni Ally ang motorsiklo niya sa area na malapit sa guard house. Katabi no'n ang iilan pang mga motorsiklo. Maingat akong bumaba sa pagkaka-angkas at isinukbit ang bag ng maayos. Inayos ko rin ang buhok kong hidi pa tuyo. Naglakad kami papunta sa room namin. Nang makapasok sa building ay agad naming tinungo ang fourth floor. Paakyat na kami sa pang-apat na palapag nang makita naming maraming tao sa harapan ng isang room. Ang iilan ay tumitili pa. Baka ka-section nila ang mga crush nila? Hinanap namin ang room kung nasaan ang tatlo naming mga kaibigan. Hinanap namin sila pero wala sila doon. Hindi lang talaga kami makapunta sa isang room dahil parang may kung anong pangyayari doon na hindi naman namin alam kung ano. "Eh diyan ata ang room natin? Fourth floor tayo e, pero wala naman sa listahan doon sa mga classroom ba pinuntahan natin ang mga pangalan natin," nakapamulsa niyang sabi. "Edi dapat tignan na natin doon. Nang makapasok na tayo at makaupo na!" Sabi ko sabay hila sa braso niya. Nagpahila siya pero nakapamulsa parin. Sa ingay ng mga babae dito, talagang maiinis ka. Iingit-ingit sila at nagmamaktol na para bang bata dahil hindi sila kasama sa section na 'yon. Mahigpit kong hinawakan ang braso ni Ally kaya naka-angkla na ako. At siyempre, dahil dakilang famous ang kasama ko at isang heartthrob di umano, nakatutok ang tingin ng iilang mga babaeng patay sa kanya. Hindi ko na lang sila pinansin at nilapitan ang listahan. Tanging pangalan lang namin ng mga kaibigan ko ang pinansin ko. Nang makita ko ay agad kong hinila papasok ng room si Ally. Ang mokong, go with the flow lang. Kaunti pa lang naman ang mga tao dito. Wala rin sina Ciela dito. Tanging kaming dalawa lang ni Ally dito pati iilang mga kaklaseng matagal na naming kasama. Magkatabi kami ni Ally sa upuan. Siyempre, dahil sa matagal na naming kilala ang isa't isa, agad kaming umub-ob. Paniguradong maaga rin siyang gumising, dahil ugali na naming lima 'yon. "Ally.." Habang naka-ub-ob ako ay kinalabit ko siya. Agad siyang lumingon sa akin. Aaminin kong gwapo talaga sila ni Cade. Parang international model nga e. Mga pang-Guess, CK, Givenchy, Chanel at iba pa! Pero kasi otnis talaga ang dalawang 'yan e! May mga baho 'yang dalawa na kaming tatlo lang ang nakakaalam na mga babae. "Ano?" Masungit na sabi niya habang nakapikit pa. Napairap na lang ako. "May pagkain ka diyan? Kahit cookies?" Ngumuso ako. Gusto ko ng mangunguya e! "Wala." Aniya't ibinaon ang mukha sa braso niya. Napanguso na lang talaga ako. "I am Madam Ida Pelaez, your adviser for this year." Ani Madam Pelaez habang isinusat ang schedules sa board. "Paki-kopya na lang nito." Dagdag pa niya. "Hindi ko feel na pasukan na." Bulong ko kay Ally kaya ngumisi siya. "Huh? Bakit naman?" Kumunot ang noo niya habang nagsusulat. "E kasi parang gano'n parin naman. Walang nagbago. Mga kaklase natin noon, sila parin ngayon. Magkakasama na nga ata tayo mula nursery e." Napailing ako habang kinokopya ang sched. "Anong gusto mo? Lumipat sila?" Napatingin ako sa kanya. Nagtama ang tingin namin kaya naningkit ang mga mata ko. "Ayaw." Umiling ko. "O, ayaw mo pala e. Magtiis ka." Aniya't bumalik sa pagsusulat. Napanguso na lang ako. "Sungit," bulong ko at bumalik na sa pagsusulat. Saktong paglingon ko ay may tao sa labas. Kasalukuyang kumakatok ang isang lalaki na hindi ko naman kilala. Pumunta patungo sa pintuan si Ma'am Liwanag at binuksan ng iyon. Nakasalamin ang lalaking kumakatok kanina. Taga-Student Council ito base sa pananalita niya. Nakita ko pang tumango si ma'am at ngumiti baho lumingon sa amin. "Okay class, may bago kayong mga kaklase. Ang iilan sa kanila ay galing sa kabilang section," nilingon niya ang pinto kung nasaan ang triplets ng basketball team. Dire-diretsong pumasok sina Ciela, Ella at Cade na nasa likod ng tatlo at umupo banda sa likuran. Pinapasok ni ma'am ang tatlo na ngayon ay nakatayo na sa harapan. Rinig na rinig ko ang pagpipigil ng kilig ng mga kaklase ko. Ang triplets ba naman ng team ang nakatayo sa harapan e, hindi ka pa ba kikiligin? "O, nasa'n ang isa?" Tanong niya kaya naman agad na kumunot ang noo ko. May isa pa? Sino? "Ma'am!" Isang sigaw ang bumalot sa room nang matahimik ang lahat. Agad na lumaki ang nga mata ko. "Oh my god!" Tili ng isang kaklase namin mula sa likod. "So they are the students who'll join our class through the whole year. The three of you, sit down to the vacant seats at the back. And you, sir, you'll introduce yourself here in front. You may now start." Tumabi si Ma'am Liwanag. Tahimik lang akong nakatingin sa harapan. Ang iilang mga kaklase kong babae ay nagwawala na. "I'm—" "Shocks! Ang swerte ko't dito ang naging section ko!" Sigaw ng kaklase namin. Tumikhim si ma'am. "Gusto mong ilipat kita ng section?" Ani Ma'am Ligaya kaya naman tumahimik ang klase. "Resume." Mayabang na hinagod niya ang kanyang buhok. Tss. "I'm Marco Theodore Cortez Ezquierda. Eighteen years old." "Well then, it's nice to meet you, Marco. I'm glad to have you all in my class. You may now sit at the back." Ani Ma'am Liwanag. Nakapagtataka lang, bakit parang hindi naman siya gano'n? 'Yong makulit tapos childish? Bakit parang ang bait niya ngayon? O baka naman nagpapanggap lang siya? "Gosh! Marco, fan mo ako!" "Grabe! Alam mo bang sikat na sikat dito ang April Issue ng magazine na kumuha sa'yo? Gosh!" "Pa-autograph ako, Marcooo!" "Jusko, ang gwapo mo talaga sa personal!" Napuno ng puri ang room. Nagtatawanan na lamang sina Josh, Kevin at Rei. Kahit sa kanila ay may nagpapa-autograph din. Hinayaan na sila ni Ma'am Liwanag dahil first day pa lang naman. Tss. Kung alam lang nila ang ugali ng lalaking 'yan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD