Kabanata 8
Crush
"Cade, buksan mo na lang 'yong bintana. Giniginaw ako sa aircon e." Ani Ella kaya naman pumasok ang sariwang hangin. Malakas na nagpatugtog si Cade ng Cebuana by Karencitta.
"Woooh!" Sigaw ni Ella sabay tawa.
Nagtawanan kami sa buong byahe papunta sa Primavera. Nagbatuhan ng corny jokes sina Cade at Ally. Hindi ko talaga alam pero tawang-tawa parin ako! Shocks, ang babae ng kaligayahan ko!
"Uy teka! Teka! Ang sakit na ng tiyan ko! HAHAHA!" Hawak ko ang tiyan ko kakatawa. Fudge! Ang sakit talaga!
"..Oo nga! Nalaglag nga! Luh, ayaw pa maniwala!" Nakangiting sabi ni Ally. Nilingon niya si Cade. "Diba? Tumalon siya no'n tapos nalaglag shorts niya!" Natatawang sigaw si Ally.
Kaming tatlo dito sa likod ay tawa lang nang tawa. Fudge! Puro hagikhikan ang ginawa namin.
"Weh? Papaano naman malalaglag 'yong shorts niya?" Namumulang tanong ni Ciela habang natawa.
"E siyempre wala nang garter 'yon e!"
Namumulang iniliko ni Cade ang pickup sa isang eskinita. May pababang parte pa doon at nang pumatag na ay pinark niya ang pickup sa katabing parking space ng isang puting Hiace.
"Okay na! Baba na tayo guys!" Ani Ally.
Bumaba na rin kami at kinuha ang mga gamit at basket na may lamang mga pagkain. Dumiretso kami sa may gateway na may black glass sa gilid. Agad na lumapit doon si Ciela.
"May reservation po kami. 'Yong kay Ciela Hidalgo po." Aniya at ibinigay ang resibo. Ibinigay na rin namin sa kanya ang entrance fee namin.
"Ci, kailan ka nagpa-reserve?" Tanong ko habang dinudungaw ang babaeng cashier na isa-isang tinatatakan kami sa may pulsuhan ng Primavera pass.
"Kahapon pagkatapos kong mag-stay kina Cade." Sagot niya.
Pagkapasok namin doon ay bumungad sa amin ang hile-hilerang souvenir shops. May mga tindahan din doon. Lumiko kami sa kanan at nakita na namin ang iilang mga bukal dito. Malamig ang tubig dito. Sinundan namin si Ciela. Pumunta siya sa sa isang kubo na malapit sa isang bukal.
"O, ilapag niyo na ang mga gamit diyan." Ani Ciela habang inilalapag ang mga gamit niya. Inilapag na namin ang mga basket na may lamang mga pagkain sa mesang gawa sa kawayan. Nilingon ko ang mga bukal.
"Tara na! Ligo na tayo!" Ani Cade sabay talon sa bukal. Lagpas ulo ni Cade ang tubig sa bukal. May iilan na mabababaw para sa mga bata na gustong magbabad. Inilabas ko ang rice cooker na nasa basket. Pati na rin ang mga paper plates. Tanaw ko si Ally na may bitbit na isang supot. Nang makalapit siya ay pansin kong...
"Wow! May pa-barbecue si Ally!" Tumawa ako na siyang inilingan lang ni Ally. Tumingin siya sa akin.
"Mamaya na 'yan! Maligo na tayo!" Tukoy niya sa pag-aayos ko ng pagkakainan namin mamaya. Napailing na lang ako. Parang bumalik kami sa panahon kung saan unang taon namin sa high school. Noong unang weekend namin galing sa eskwela ay agad kaming nagkayayaan na maligo dito. Naaalala ko pa nga no'n na tinakbo lang namin ang daan papunta dito.
Sina Ciela at Ella ay hinubad na ang mga t-shirts nila. Si Ella ay nakasuot ng puting flounced bikini top. Habang si Ciela naman ay ang floral tankini top na binili daw niya noong nasa Palawan sila. Swimming shorts lang ang pambaba naming lahat. Habang ako ay puting cotton shirt lang ang susuotin.
"Wooh! Grabe Ciela ang lamig!" Tili ni Ella sabay lubog sa tubig. Mas malamig mamaya sa Kabina.
"Natasha! Mamaya na 'yan!" Sigaw ni Ciela sabay talsik ng tubig sa akin. Mula sa banda ko ay makikita mo talagang malinaw ang kulay bughaw na tubig sa bukal. Tumawa ako nanag hindi parin ako tinitigilan ni Ciela. Pagkalapit ko sa mismong bukal ay sakto namang pagpasok ng iilang mga taong halata ko na ay turista. Panay ang pagkuha nila ng litrato gamit ang mga camera nila. Nilingon kong muli si Ciela na naghihintay sa pagtalon ko. Pumwesto ako sa parteng hindi masyado ma-bato at tumalon.
"Ang lamig no?" Ngisi ni Cade nang lumitaw siya sa gilid ko. Litaw na litaw ang kumikinang na ear piercing niya sa kanang tainga niya. Isang maliit na diamond piercing daw na binili pa niya sa Maynila no'ng pumunta sila doon.
Niyakap ko ang sarili sa ilalim ng tubig. Nakaupo ako ngayon sa isang bato. Tanging ulo ko lang ang nakalitaw mula sa tubig ng bukal.
"Tss, sinabi mo pa." Nginisian lang ako ni Cade at walang anu-anong sinabuyan ako ng tubig sa mukha.
Tinawanan lang niya ako nang mapapikit ako sa ginawa niya.
"Argh! Cade!" Agad akong lumusong sa tubig at hinanap ang paa niya. Hindi niya siguro namalayan ang pagkawala ko dahil tuluy-tuloy lang siya sa paglangoy. Gumagawa ng maliliit na bubbles sa tubig ang pag-padyak na ginagawa niya. Pilit kong hinahabol ang paa niya. Malapit na!
Agad ko siyang hinila pababa at mabilis akong umahon. Pero bago pa 'yon ay may humila na sa paa ko!
Kita ko ang pag-angat ni Cade. Sino ang humila sa akin?! Agad kong tinignan ang bandang paanan ko at nakitang si Ella ang humila sa paa ko! Mabilis akong umahon at pati na rin siya. Pagkaahon namin ay tawa siya nang tawa.
"Oh my god! Parang palaka si Nami! HAHAHA!"
Malamang reaksyon ko ang pinagtatawanan ni Ella. Tinawanan ko na lang. Pansin kong wala na dito sa bukal sina Ciela at Ally kaya liningon ko ang kubo namin. May nakatakip na tuwalya kay Ciela at may hawak siyang paper plate. Paniguradong kumakain 'yon. Si Ally naman ay may tuwalya din na nakatakip sa kanya at umiinom ng soft drink.
"Tara, ahon na." Naunang umahon si Ella at tinulungan ako sa pag-ahon. Inabutan kami ni Cade ng nga tuwalya para ipantakip sa katawan naming basa. Mukha akong basang sisiw sa aming lima. Ako lang naman kasi ang nakasuot ng t-shirt!
Kumuha ako ng paper plate at sumandok ng kanina sa rice cooker. Kumuha na rin ako ng isang stick ng barbecue. Tumabi ako kay Ciela at nagsimula na ring kumain.
Matapos naming kumain ay nagkwentuhan muna kami bago lumusong ulit sa bukal. Nang mag-ala-una'y trenta ay nagligpit na kami ng gamit at nagpatuyo. Pupunta na kaming Kabina!
Pinuwesto namin ang mga basket sa likod at sumakay na kami. Nang makalabas na kami nang Primavera ay tinahak na ni Cade ang daan papuntang Kabina.
Gano'n ulit ang nangyari sa byahe. Malakas na nagpatugtog sina Cade at Ally ng party songs. Nagkwentuhan at nagbiruan din. Tawa kami nang tawa sa buong byahe papuntang Kabina. Tulad kanina ay agad din kaming nakarating sa talon. Mag-a-alas-tres na nang makarating kami. Rinig na rinig din namin ang mga huni ng mga ibon.
Agad kaming pumunta sa entrance. May isang kubo doon ng mga matatanda. Sila ang kumukuha ng mga bayad o ang environmental fee. Pati na rin ang bayad sa mga kubo. Sila kasi ang nagpapanatili ng kalinisan ng talon at siyempre kasama na din doon ang cooperation ng bawat taong pumupunta dito.
Wala na talaga akong masasabi pa kay Ciela. Ang galing niya talaga! Nagpa-reserve lang naman ulit siya ng isang kubo at balsa para sa amin!
Nang matapos kaming magbayad ay nilakad namin ang daan papunta sa talon. Dito pa lang sa mismong kinatatayuan ko ay rinig na rinig ko na ang pagbagsak ng tubig mula sa itaas ng talon! Shocks! Na-e-excite talaga ang buong katawan ko!
Isama mo pa ang mga souvenir shops na nakahilera dito sa magkabilang gilid papunta sa talon. Madadama mo talaga ang excitement na tinutukoy ko.
Para kaming mga bata dahil tinakbo na namin ang daan papunta doon. This feeling, the excitement that my body feels! Walang kapantay ito!
I REALLY LOVE LEALTAD!
"Woooh!" Sina Ally at Cade ay tuwang-tuwa nang makita ang talon. Nag-aagawan ang luntian at asul na kulay sa ilalim. Ang magandang paligid, mga malalaking puno na nakapaligid, tunog ng talon, mga huni ng ibon, amoy ng nabasang lupa, at ang malamig na hangin ay ang nagbibigay ng kakaibang ambience sa lahat ng taong pumupunta dito. Ilang beses na kaming nakaligo dito pero parang unang beses palang sa pakiramdam tuwing bumabalik kami dito.
Nang mailapag namin sa kubo ang mga gamit ay tinanggal ko na agad ang tali ko sa buhok. Kung kanina ay inuna kong isikasuhin ang mga mga gamit, ngayon ay agad akong lumusong! This feeling. Ibang-iba! Sobrang saya!
Hindi ko ramdam ang lamig ng tubig ng talon sa sobrang excitement ko. Sumisid ako sa medyo malalim na parte. Agad din akong lumangoy pataas para tignan kung nasaan ang mga kaibigan ko. May iilang turistang nagsisimula na ring lumusong dito sa talon. Nang makita kong umaakyat sina Ally at Ciela para mag-back dive ay agad akong sumunod sa kanila. Umikot ako sa medyo patag na daan na paakyat doon.
Nang malakad ko ang daan papunta sa tamang pwesto ay agad akong naghanda. Pumwesto na ako. Tumalon ako patalikod. Masarap sa feeling ito! Agad akong sinalo ng tubig. Dama ko pa nga ang kaunting sakit sa pagtama ng tubig sa mukha ko. Lumangoy ako papunta kina Ciela. Nakipag-apir pa nga siya sa akin.
"Ang taas no'ng sa'yo ah!" Aniya't niyakap ako. Lumangoy kaming dalawa papunta sa balsa na ni-rentahan ni Ciela. Nandoon sina Ally at Cade. Si Cade ay parang isang model na naka-pose lang doon. Naka-upo siya habang naka-alalay ang dalawang kamay niya sa likod na nakalapat sa balsa. Si Ally naman nakatihaya habang naka-unan ang dalawang kamay at may suot na aviators. Parang model lang.
Si Ciela ay nakaupo lang katabi si Cade. Habang nakalubog parin naman ako sa tubig at nakapatong lang ang dalawang braso ko sa balsa.
"Si Ella?" Tanong ko nang mapansing wala siya dito sa paligid.
"Ayon siya oh," tinuro niya ang kubo namin.
May anim pa siyang kasama sa kubo. Apat na lalaki at dalawang babae. Nawala ang ngiti ko sa nakita. Ano bang klase view 'yan?! Tss.
"Great! They're here." Tukoy ni Cade sa grupo ng kapatid ni Ella. Guess who? 'Yong mahaderong unggoy lang naman na may sapi! Tse!
"Tara, Ciela. Akyat ulit tayo." Pag-aaya ko sa kanya. Mas nawala ang ngiti ko nang umiling siya.
"Mamaya na, Nami. Dapat nating salubungin sina Marco. Ella invited them." Aniya't umalis sa balsa at lumangoy para umahon. Gano'n din ang ginawa nina Ally at Cade kaya no choice ako kundi ang sumunod sa kanila. Hindi naman sa gusto kong maging rude sa mga inimbita ni Ella, pero panira kasi ng mood ang kuya niya kapag nang-bwiset na.
"Ayan, umahon na pala kayo." Rinig kong sabi ni Ella na nag-aayos ng mga gamit sa lamesa.
"Ah, guys. Sina kuya nga pala, kilala niyo naman na sina Rei diba? Tapos ito nga pala sina Jazi," turo niya sa isang babaeng naka-tube top at short short. "At Faye." Tukoy naman niya sa babaeng naka-pink bandeau style bikini top at short shorts din.
"Sila nga pala 'yong mga kaibigan ko. Si Ally, Cade, Ciela at Nami." Ani Ella sabay ngiti.
"I thought her name's Nasha Mira?" Singit ni Marco sa gilid. Agad namang napataas ang kilay ko. Nasha Mira?
"It's Natasha Mirae," Sabi ni Ella.
"Oh, hindi ba 'yon Natrasha?" Maala demonyong ngisi niya kaya nag-init ang dugo ko.
"Anong sabi mo?!" Nakakunot noo kong sabi.
Aba't gago pala 'to e!
"Hey kuya! Stop that!" Sigaw ni Ella sa epal niyang kuya.
"What? I'm just sayi—"
"Oh? Talaga? Share mo lang?! Aba't sumusobra ka na ah!" Aambahan ko na siya ng sampal pero mabilis akong pinigilan ni Cade.
"Ano ba! Bitawan mo ako!" Pilit akong kumakawala sa hawak niya pero anong laban ko? Ang laki-laki niya!
"Don't insult her, kuya! Wala siyang ginagawang masama sa'yo." Umirap si Ella.
"Don't ever do that again, Marco." Ani Cade sa seryosong tono at hinila ako pabalik sa talon. "Let's just relax at the raft." Aniya. Umirap na lang ako. Nakita kong sumunod sa amin si Ciela. Si Ally naman ay tinulungan lang si Ella.
Lumangoy kami pabalik sa balsa namin at umupo na lamang doon. Mula dito ay kita ko ang pagsasaya ng mga kaibigan ni Marco sa kubo. Really? Ma-karma ka sanang epal ka. Ewan ko lang kung 'di ka pa tablan. Tss!
"Bakit pa kasi nandito ang lalaking 'yan! Noong una ay dinuro-duro pa niya ako! Tsaka pinagsalitaan pa ng kung ano! Tapos ngayon ganito? Natrasha daw! Aba kung makapagsabi ng trash parang 'yong ugali niya hindi trash! Arghh! Ma-karma ka hoy! Hindi ka naman gwapo! Mayabang ka! Mayabang! Ang sama pa ng ugali mong lalaki ka!"
Punyeta! Sana naman binalaan ako ni Ella na iimbitahin niya ang magaling niyang kuya! Never pa akong nainis nang ganito, pwera na lang kung ihalo mo ang dekolor sa puti! Argh! Naiirita talaga ako! Napaka-epal niya!
"Bakit pa kasi dito nagbakasyon ang lalaking 'yon? Ang dami-daming probinsya dito sa buong Pilipinas na pwede naman niyang pestehin! Bakit dito pa? Jusko naman!"
"Kasi naman, dito siya nakatira." Ani Ciela sabay langoy. Napairap na lang ako.
Ano naman kung dito nakatira ang unggoy na 'yon? E sa impyerno naman ang hometown niya! Dapat doon na lang siya! Pestehin niya ang mga ka-uri niya!
Narinig kong mahinang tumawa si Cade sa gilid ko.
"Nami, namumula ka na sa inis."
*
Naiinis kong pinatuyo ang buhok ko. Nauna kasi akong maligo at mag-ayos. Tss. Badtrip talaga ang lalaking 'yon. Masaya na e, dumating lang.
Pagkaupo ko ay agad akong kinalabit ng ilang beses ni Ciela. No'ng una at pangalawa ay hindi ko siya pinansin, pero no'ng pangatlo niya ay hinarap ko na siya.
"Ano ba 'yon?" Tanong ko na may kahalong pagkairita. Pero ang kaibigan ko ay malaki ang ngiti sa labi. Kaya naman napakunot noo ako.
"Si Raven Echevarria, nasa may talon!" Impit niyang tili habang binubulong sa akin 'yon. Agad akong lumingon sa may talon kung nasaan siya. Ang galit at inis ko kanina, nawala na lang bigla nang makita ko si Raven.
Oh my gosh! Totoo ba 'tong nakikita ko? Si Raven, naka-topless! Ang mga mata ko, nabiyayaan!
"Grabe, ang hot pala talaga niya kapag wet ano?" Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Ciela. Nang tignan ko siya ay napangiti siya. "A-ay ibig kong sabihin ay kapag naba-b-basa siya. O tama n-nababasa ng tubig. Hehe." Napa-ahh na lang ako at tumango.
Kahit pa na nasa malayo siya ay kitang-kita ko ang depths. Grabeng blessing ata ito!
"Crush mo siya?"
Wala sa oras na napairap ako. Hindi ako kumibo.
"Crush mo pala si Raven, Nami." Aniya't naglakad papunta kay Raven. Wth?
"Hoy! Pwede ba! Tigil-tigilan mo 'yang pagiging epal mo, ha!" Sigaw ko sa kanya habang hindi pa siya nakakalayo. Huminto siya at may maala-demonyong ngumising tumingin sa akin. O diba, sabi ko na e. May lahing demonyo ang lalaking 'yan! Arghh!
"Hmm. Tss." Tumalikod siya at nagpatuloy sa paglalakad.
Ano bang naiisip ng lalaking 'yon? May sapak ba siya sa ulo? Unti-unti akong kinabahan nang makalapit siya kay Raven at nakipag-apir pa. Ano pa nga ba? Kapwa niya mayaman si Raven at kaibigan pa. Hays.
"Mahabagibg langit, Natasha! Tumingin siya dito!" Tili ni Ciela kaya naman kumalat ang kaba sa puso ko.
Huh? Ano? Si Raven tumingin dito?!
Agad kong nilingon ang gawi niya. Kasama niya si Marco tapos nakatingin sila sa amin habang nakaturo si Marco dito at nakangisi.
Arghh! Punyeta ka, Marcooooo!