Kabanata 7

2654 Words
Kabanata 7 Sunrise Hill Kinuha ko ang iilan pang mga hanger sa kwarto ko at kwarto ni auntie. Naglalaba kasi kami ngayon. Isang linggo na rin ang nakalipas nang makauwi ako galing sa outing namin sa El Prístino. Matapos kong ipunin ang mga hanger ay inanlawan ko ang mga 'yon at kinuha ang basket na puro puting damit ang nakalagay. Sinigurado kong nakabaliktad ang mga 'yon at ipinagpag bago isinampay sa hanger. Tirik ang araw ngayon pero mahangin naman. Alas dos na ng tangali at patapos na ako sa ginagawa. "Nami! Tapos ka na ba diyan?" Rinig kong sigaw ni auntie. "Malapit na po!" Isinampay ko ang puting sundress ko. Isinunod ko rin ang mga palda na sinusuot ni auntie. Gumagapang ang sakit sa balikat ko at braso. Kanina ay nangangalay din ang binti ko. Nang maisampay ko na ang panghuling puti ay niligpit ko na ang kalat sa bakuran namin. Sa likod bahay kami naglalaba. Kinuha ko rin ang mga plastic at balat ng sabon na ginamit namin. Isinabit ng maigi ang hose. Tinaob ko rin ang mga plangganang malaki. Matapos 'yon ay pumasok na ako sa loob. Ipinunas ko ang basang kamay sa kulay moss green kong loose shirt. Basa ang laylayan nito at ramdam ko ang lamig. Maingay ang bentilador namin. Habang makinis na semento ang sahig. Naalala kong kaka-floor wax ko lang nito kahapon. Medyo dim ang loob nitong bahay. Hindi kasi kami nagbubukas ng ilaw kapag umaga kahit pa na medyo madilim sa loob. "Auntie, tapos na 'ko." Pumunta ako sa kusina at uminom ng tubig. Bumalik din agad ako sa may bandang sala. Sakto at pababa na rin si auntie. Naka-messy bun siya. Suot niya ang isang puting cotton shirt at tokong na lagpas tuhod. "Dios mio!" Napahawak si auntie sa hawakan sa hagdan. Muntikan pa nga niya mabitawan ang dalang wallet niya. "Ano ba 'yang itsura mo, Nami?" Singhal niya sa akin. Napapikit pa nga ako. "Huh?" "Bilisan mo at maghilamos ka. Magpalit ka rin ng damit at mamimili tayo sa sentro." Ani Auntie Lilian kaya naman agad akong tumaas papasok sa kwarto ko. Kinuha ko ang towel ko at pumunta sa banyo. Naghilamos ako at nagpunas. Tapos ay pumasok na ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Isang puting cotton shirt at tokong na bago mag-tuhod. Nag-ponytail na lang ako. Mabilis akong bumaba. "Ano? Okay na?" Tumayo si auntie kaya naman tumango ako. Hindi na ako nagtaka nang lumapit siya sa akin at inayos ang takas kong buhok. "Sus ginoo. Ayusin mo mamaya 'yang tali mo." Aniya't lumabas na kami sa bahay. Kinandado din namin ang gate. Nag-tricycle kami papunta sa sentro. Mainit ang naging byahe dahil summer na nga. Habang umaandar ang tricycle ay kinausap ako ni auntie. "Mga bandang kalagitnaan ng Mayo tayo mag-enroll para sayo. Hay, ang bilis ng oras. Next year ay nasa kolehiyo ka na." Aniya. Malamlam akong napangiti. Last year ko na ito sa SHS. "Sige po auntie." Nasa fifteen minutes ang naging byahe namin papunta sa sentro. Nang makababa kami ay agad na bumungad sa amin ang malaking simbahan sa harapan namin. Pumunta kami sa palengke at namili ng mga karne at gulay. Matapos 'yon ay pumunta kami sa harap ng simbahan upang bumili ng Sampaguita. Rinig ko ang tawanan ng mga lalaki sa likod ko. Medyo malayo sila. Nang umangat ako ng tingin ay sakto naman naka-pirmi si auntie. Kaswal ang pananamit niya pero bakas padin ang awtoridad sa mukha niya. Palapit nang palapit ang tawanan. Hindi ako lumilingon. Hindi ko alam kung bakit. "Auntie," lumitaw ang isang lalaking naka-jersey. Matangkad siya at medyo tanned ang balat. Nagmano siya kay Auntie Lilian. Pansin kong pawisan sila ng mga kaibigan niya, ngunit ang bango parin nila. Hindi sila dugyot tignan. Bakit gano'n? "Oh Parce, galing kayong training?" Gumilid ako papunta sa likod ni auntie. Ngumiti si Parce, o Parcellino Denzeda. "Opo. Doon po kami galing." Aniya. Kilala ang pamilya Denzeda dito sa probinsya ng Lealtad. Bukod sa pagiging mayaman, may malawak din silang taniman ng mga prutas at gulay. Mansyon din ang bahay nila. Magkaibigan ang ina ni Parce at ang aking auntie. Childhood friends nga sila. "Ikamusta mo na lang ako sa mama mo, ha, Parce?" Matamis na ngumiti si auntie. Agad na tumango si Parce. "Sige, ikakamusta ko na lang po kayo kay mama. Paniguradong matutuwa siya," Nilingon niya ako. "Mauna na po kami, auntie. At sa'yo, Nami. Paalam." Aniya't kumaway sa amin ni auntie at naglakad na palayo kasama ang mga kaibigan niya. "Grabe, kay gwapong bata. Ang bait bait pa!" Ani auntie habang naglalakad kami papalayo sa simbahan. "E gano'n naman po talaga siya, auntie. Gano'n siya pinalaki ng pamilya niya." Sabi ko habang bitbit ko ang mga pinamili namin. Buti na lang talaga at naisipan kong hindi mag-dress ngayon. Tiyak na mahihirapan ako doon. "Kaya nga.. Ang akin lang, hija, kung iibig ka sa isang lalaki ay doon ka na sa tulad niya. Magalang si Parce. Mabait, matalino, mapagkumbaba, masipag, matipuno at alam ang gagawin sa buhay. Tsaka, kilala mo na rin naman siya mula pa noon." Ani auntie kaya napailing na lang ako. "May balak po ba kayong i-reto siya sa akin, ha, auntie?" Pilyong ngumiti si auntie. Gusto ko mang mag-face palm ay hindi ko magawa dahil may bitbitin ako. Kaya naman napailing na lang ako. "Hindi po magandang ideya 'yan, auntie." Tumawa lang siya. "Bakit? Maganda ka, Nami. Matalino, makinis, mabait, masipag at magalang ka. Maganda rin naman ang hubog mo. Matured ka rin naman ano? Bagay kayo! Ah basta, kung magno-nobyo ka, tulad na ni Parce o kaya naman ay siya na!" Pumalakpak si auntie na tila ba sayang-saya sa sinasabi. "Auntie, alam niyo naman na hindi ko pa gustong magka-nobyo. May tamang oras para diyan, 'di po ba?" Pumasok ako sa tricycle na pinara namin. Tirik parin ang araw. "Alam mo, tama ka hija. Sadyang may mga bagay lang talaga na dapat mong inuuna." Aniya. I nodded. Namili pa ng ilang mga gamit si auntie. Karamihan doon ay ang mga kailangan namin sa araw-araw. Tulad ng sabon, shampoo at conditioner. "Hindi ko alam kung papayag si auntie," ngumuso ako. "Huh? E pinayagan ka naman ni auntie noong pumunta tayo ng El Prístino ah? Tsaka sa Sunrise Hill tayo tutulak sa madaling araw, tapos sa Primavera tayo sa lunch. Sa Kabina Falls din tayo sa hapon. Anong problema doon?" Nai-imagine ko ang pag-nguso ni Ciela. Nasa bahay siya ngayon nina Cade. Kinukulit niya kasi itong mag-drive para sa aming lima. Nasa umpisa na kami ng May, next next week ay mag-e-enroll na kami. Kakauwi lang rin nina Ally galing Cebu, sina Ella ay galing ng Norte, si Cade ay galing sa Maynila, tapos itong si Ciela na kakauwi lang last week galing sa trip nila galing sa Palawan. Bigatin ang mga bakasyon nila! Samantalang ako ay dito lang sa Lealtad at tumulong lang sa pag-ani ng iilang mga pananim sa pinapasukan ni auntie. "Ci.. Easy ka lang, kakauwi niyo lang last week galing sa Palawan. Pahinga ka naman muna!" Nag-Indian sit ako. Dito ako sa may platform naka-pwesto. Mahangin nga ngayon e. "What? Is a week isn't enough for me to rest? I've been resting for 168 hours or more! My body's excited to travel again!" Giit niya kaya napailing na lang ako. Ibang klase talaga kapag may kaibigan kang adventurous. "Hand your phone to Cade, Ci." "Cade! Nami wants to talk to you." Rinig kong sabi ni Ciela sa kabilang linya. "Hello?" Narinig ko ang baritonong boses ni Cade. Agad na kumunot ang noo ko. "Anong sinabi ni Ci sa'yo? Kauuwi mo lang galing sa Maynila diba?" Mas humangin ngayon at rinig na rinig ko ang mga huni ng ibon. "Yes. She's been pestering me since yesterday. Dito nga siya natulog sa bahay, ayaw paawat." Ani Cade, bakas ang pagkairita sa kaibigan namin. Humagikgik naman ako. Malamang ay bwiset na bwiset si Cade kay Ciela. Aso at pusa pa naman sila kung mag-away minsan. "Talaga bang gusto niyang bukas tayo tumulak ng Sunrise Hill? E ba-byahe pa tayo papunta doon para maabutan ang sunrise. Aaykat pa tayo doon." Napahawak na lang ako sa sentido ko. Matigas talaga ang ulo ni Ciela kapag pinipilit niya ang gusto niya. Ilang beses na kaming nakapunta sa Sunrise Hill. Pati sa Primavera at Kabina Falls. Pero ngayon pa lang naman masusubukan ang pag-iisa ng pagpunta sa mga ito sa isang araw. Madalas kasi kaming pumunta doon. Bawat lugar ay isang araw. Tsaka pumupuslit lang kami doon ay kapag may free time kami o kapag nagkayayaan. "Oo. Makulit nga siya. Ang akala ko ay pauuwiin siya nina papa dahil gabi na o kaya ay ihahatid. Pero dito siya pinatulog. Tss." Narinig ko ang tawa ni Ciela. Mukhang may katawanan ito kina Cade. "Ano palang sabi nina Ally at Ella? Malamang ay payag ang mga 'yon sa plano ni Ciela. Pumayag ka na bang mag-drive at gamitin ang pickup mo?" "Do I still have a choice? You know that she'll do everything to get what she wants, Nami. Kaya naman pumayag na ako." Natawa ako sa sinabi niya. Oo, tama siya. Wala siyang choice kundi ang um-oo. Lalo na't doon pa sa kanila natulog si Ciela, mapapayag lang siya. "Okay, sige. Aayusin ko na ang mga gamit na kakailanganin natin bukas. Sa arko ba tayo magkikita-kita? Anong oras?" "Hindi. Susunduin ka na lang namin sa bahay ninyo. Dadating kami diyan mga bandang alas-kuatro y media. Mabilis lang naman ang byahe papuntang Sunrise Hill." Napatango ako kahit hindi naman nila makikita. "O siya sige. Ibababa ko na ito. Mag-papaalam na ako kay auntie para sa outing natin bukas. Bye." "Bye." Pinutol ko na ang linya ay ibinulsa ang analog phone ko. Pumasok ako sa bahay at hinanap si auntie. Wala siya sa kusina at sala, o sa bakuran kaya naman ay baka nasa ikalawang palapag siya. Sa kanyang kwarto. Dalawang beses akong kumatok sa pintuan niya bago tuluyang pinihit ang busol. Nadatnan kong inaayos ni auntie ang maala tsokolate niyang buhok. There are hints of white strands in her hair. Kaka-kulay lang ni auntie last week at ngayon ay meron nanaman. "Anong meron, Nami?" Her hair is wavy. Like a melted chocolate poured into a cup. "Auntie, may outing po ulit kami bukas. Susunduin po ako nina Cade, mga bandang alas-kuatro y media." Pagsisimula ko. Umupo ako sa malambot niyang kama. Nakatalikod siya sa akin habang siya ay nakaharap sa salamin at nakaupo. Kumunot ang noo ni auntie habang sinusuklay ang buhok. Direso ang tingin niya sa sariling repleksyon. "Hapon ba 'yan, Natasha?" Napa-kurap ako nang banggitin ni auntie ang unang pangalan ko. Napa-ayos tuloy ako ng upo sa malambot niyang kama. "H-hindi po, auntie. Madaling araw po." Sagot ko. Nagtama ang tingin namin sa salamin. Napalunok ako. Kinabahan ako sa tingin ni auntie. Unti-unti pa ay hinarap niya ako. "Saan naman ang punta ninyo, Natasha?" Sinusuklay parin niya ang buhok niya. "Sa Sunrise Hill po ang una, kaya maaga po kami. Tapos sa Primavera po kami magla-lunch at sa Kabina Falls po kami sa hapon." Sagot ko ulit. Napatango-tango si auntie sa sinabi ko. Alam naman ni auntie na safe ang pupuntahan namin. Noong kabataan nga daw niya ay madalas sila doon. Lalo na sa Kabina at Primavera. "Sino-sino ang mga kasama mo?" Tumaas ang kilay ni auntie. "Sina Ciela, Ella, Cade at Ally parin po. Dipende na lang po kung isasama ni Ella 'yong kuya niya." Lito ako kung sasabihin ko ba 'yon pero sinabi ko parin. Tss. Naningkit ang mga ma-awtoridad na mata ni Auntie Lilian. "Sasama si Marco, hija?" Pansin ko ang pait sa pagbigkas ni auntie sa pangalan ng bwiset na lalaking iyon. Umiling ako. "Hindi po ako sigurado, auntie." Hindi parin naaalis ang nakataas na kilay niya. Ayaw niya rin ba sa lalaking 'yon? Sabagay, sinong tanga ang magkaka-gusto sa lalaking 'yon? Ugali pa lang niya, bigay na. Tss. "May sasakyan kayo? Sino ang magma-maneho?" "Si Cade po, auntie." Tumango siya na tila ba kumbinsido. "Sige. Ayusin mo na ang mga gamit mo." Aniya kaya tumango ako. Lumakad ako papuna sa nakabukas na pinto. "Pero Natasha," napahinto ako sa hamba ng pintuan. Umangat ang tingin ni auntie sa akin. "Hangga't maaari, hija, umiwas ka sa lalaking Ezquierda. Lalo na sa Marco-ng 'yon. Tuso sila. Naiintindihan mo ba, Natasha?" Mariin niya akong tinignan sa mata. "Opo. Naiintindihan ko po." * Malamig na hangin ang yumakap sa akin pagkalabas ko ng bahay. Dala ko ang backpack ko. Dala ko rin ang maliit na basket ko para sa mga basang damit ko mamaya. Sinalubong ko ang paparating na sasakyan ni Cade. Naka-puting shirt ako at swimming shorts. Saglit lang naman kami sa Sunrise Hill. Dipende na lang sa kanila kung may dala silang breakfast para doon kami kumain. Huminto sa harapan ko ang pickup ni Cade. Agad kong inilagay ang mga gamit ko sa likod na open. Tapos ay sumakay na ako. "Good morning!" Bati nila. "Good morning din!" Tumulak na kami papunta sa Sunrise Hill. Tama nga si Cade sa sinabi niya kahapon, mabilis lang ang byahe. Sa pag-akyat lang kami medyo mapapagod. Thirty minutes ang lumipas at pumasok kami sa arkong kahoy na may puting nakasulat na SUNRISE HILL. Nag-park kami sa may puno ng acacia. Mabilis akong bumaba, pati na rin sila. Kinuha ko ang thermos na may lamang mainit na tubig. Pati na rin ang maliit na basket na pinaglalagyan ng mga sachet ng kape, creamer, asukal at stirrer. Si Ally, dala ang kalderong may lamang mga saging saba na nilaga. Si Cade naman ay hawak ang banig. Si Ella sa thermos at si Ciela sa DSLR. Inakyat namin ang burol. Madilim pa nang makaakyat kami sa mismong tuktok nitong burol. Medyo patag dito. Ang maganda pa dito ay ang nag-iisang punong acacia na nandito mismo sa tuktok ng burol. Umuusbong na sa langit ang kahel na kulay. Bago pa tuluyang sumikat ang araw ay nagkuhaan kami ng iilang mga litato. It's style is a silhouette of us against the rising sun. Nag-aagawan ang kahel at itim na kulay sa langit. Mahangin din kaya nabigyan ng style ang litrato. Isama mo na rin ang mga bitwin na kumikinang sa langit. "Ikaw naman, Nami!" Tinulak nila ako. Sinabi din nila na kukunan nila ako ng shot na nakatalikod pero nakalingon ang mukha ko sa kanila. Inilugay din nila ang aking buhok. Matapos no'n ay pinaupo naman nila ako sa duyan na gulog at humawak ako sa makapal na lubid na nakatali ng maigi sa makapal na sanga nitong acacia. "'Yan! Perfect shot, Nami! Very good!" Ani Ella. Si Ciela ang kumukuha ng mga litrato namin. Naka-ilang shot pa kami. Binilisan namin ang pagkuha ng litrato para mas makuhanan ang pagsikat ng araw. Tuluyan nang nasakop ng liwanag ang kadiliman. Ang mga ulap ay tila ba bulak na gumagalaw. Inabot sa akin ni Ally ang isang sabang nilaga nila kanina. "Salamat," sabi ko sabay kuha sa saging. "Pagkatapos ba nating kumain, pupunta na tayong Primavera?" Tanong ko habang humihigop ng kape mula sa tasa. Tumango si Cade. "Para mas ma-enjoy natin ang spring." Aniya. Tumayo si Ella at hinila sina Ally at Cade. Ngumisi siya na para bang bata. Naaalala ko tuloy 'yong mga araw na may bungi kami at sa harapan pa 'yon! Palaging malaki ang ngiti niya. "Taya!" Ani Ella at tumakbo palayo. Malokong ngumisi si Cade at hinabol si Ella. Si Ciela ay patuloy lang sa pagkuha ng litrato. "Ahhh!" Tili ni Ella nang maabutan siya ni Cade. "Taya!" Sigaw ni Cade. Si Ella na ang taya kaya naman agad akong kinabahan. Diretso siyang nakatingin sa direksyon ko! Agad akong tumayo at tumakbo palayo sa kanya. Napuno ng tawa at tili namin ang Sunrise Hill. Sa buong dalawang oras ay puro kwentuhan at habulan lang ang ginawa namin. Buti na lang at may dalang tripod si Ciela. Ginawa naming background ang puno ng acacia. Nasa gitna ako nina Ella at Ciela. Sa likod naman namin ay sina Cade at Ally. Naka-ilang shots kami. Agad naming pinuntahan ang camera para tignan ang mga litrato. Sa una ay maayos at lahat kami ay nakangiti. Sa pangalawa ay naka-wacky kami. Sa pangatlo naman ay naka-akbay sina Ally at Cade sa aming tatlo. "This shot is so beautiful!" Ani Ciela. Pino-post niya ang mga pictures namin sa i********: account niya. Marami na nga rin siyang followers doon dahil sa mga aesthetic at silhouette style niya. "I hope our friendship will be much stronger in the future..." Malaki ang ngiti ni Ciela habang nakatingin sa litrato naming lima. "Tayo pa ba? Strong tayo e!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD