Kabanata 4
It's Not Nice
Sinagot ni Ciela ang tanong ko. Tumayo si Ella at umalis dito sa kubo. Tumabi siya kay Lori na nasa likod lang ng photographer. Nakipag-usap siya doon. Pumwesto na rin ang apat sa daanan doon sa gitna ng pool na nagse-separate sa malalim at mababaw.
"Okay! Mag-pose na boys! Act like you're attracting the camera with your smiles!" Sigaw ng isang gay na katabi ng photographer. Agad naman na nag-pose ang apat. Sina Josh at Kevin ay nakangiti. Si Rei naman ay nakahawak sa batok habang medyo nakayuko at nakatingin sa camera. Si Marco naman ay nakapatong ang siko sa kanang tuhod at nakangisi nang nakakaloko.
"'Yan! Very good!"
Nag-flash pa ng ilang beses ang camera na hawak ng photographer. Pumapalakpak pa si Lori sa likod nito. Mas lalo akong nagulat nang naka-topless na silang lahat. Lumipat sila sa part na may mga sun loungers. May isinuot na aviators si Marco. Hinagod niya rin ang buhok niya kaya naman nakita kong nag-flex ang muscle niya. Napalunok ako.
Goodness!
Busy sa pakikipag-usap sina Ally, Ciela at Ella. Pero ramdam kong any moment ay may kakausap din kay Cade. Naiintindihan ko kung bakit marami silang kakilala dito. It's because they are one of the heirs of the richest families here in Lealtad. Tsaka madalas sila sa Maynila. May times din na kinukuha sila as models sa iilang mga clothing line. Kaya naman kilala sila ng mga sikat na tao sa iilang mga larangan.
"Cade! Thank goodness, you're here." May isang babaeng maganda na lumapit kay Cade. Matangkad siya at maputi, pero mas matangkad parin si Cade. Naka-maong shorts siya at white spaghetti strap. Naka-wedge high heels din siya.
"Oh? Bakit?"
Humawak ang babae sa braso ni Cade.
"My manager wants to talk to you."
"We talked about this, Jia. I said no."
Tinanggal niya ang hawak ni Jia sa braso niya. Mukhang nanlumo ang babae sa ginawa niya.
"It's just a small talk, Cadenn." Ngumuso si Jia.
"It's final, Jia. I don't wanna go there."
"But it's a go—"
"I said no!" Napalakas ang boses ni Cade kaya naman napalingon kami sa kanya. Kasama na doon sina Ella. Yumuko si Jia.
"I'm s-sorry." Basag ang boses niya. Umatras siya at umalis.
"So rude, Cade." Sabi ko at lumingon sa gawi nina Ella. I know na nakita niya 'yong Jia na lumapit sa best friend namin. Hays. Sana naman hindi mag-init ang dugo no'n. Kasi naman hindi naman mukhang fangirl si Jia. Patuloy lang siya sa pakikipag-kwentuhan niya kay Lori. Parang walang nangyari. Sina Ciela at Ally naman ay panay lang ang tawa kasama ang iilan sa mga modelo ni Lori.
"Sino pala 'yon?" Bigla kong tanong nang pumalakpak ang gay na kasama ng photographer.
"Sino?" Kumunot ang noo niya.
"'Yong babaeng lumapit sa iyo kanina."
"Ah. Si Jia Alvarez. Isa sa mga model ni Lori." Baritonong sagot ni Cade sa akin.
Tumango na lang ako at nilingon ang apat na modelo. Ang buong akala ko lang ay mayayaman at talentado ang mga tagapagmana na triplets ng Basketball Varsity Team. 'Yon pala ay mga modelo din sila sa Maynila. Lumuluwas sila tuwing may mga project na inaalok.
Pinasuot ako ni Cade ng extra shirt niya. Dahil nga sa mukhang nahihirapan daw ako sa lagay ko. Ito. Ito ang dahilan kung bakit nahuhulog ang ibang mga babae sa kanya. He's kind and caring. Ewan ko lang kung ginagawa niyang purpose ang ganitong gestures para paglaruan ang mga babaeng naghahabol sa kanya.
"Let's just go inside," hila ni Cade sa akin papasok sa bungalow. Bumungad sa amin ang white tiled na bahay. Magaganda ang mga kagamitan sa loob. Pinaghalong antigo at moderno. May mga kagamitan doon na ngayon ko lang nakita. Isang salamin na may maraming mga light bulbs. May iba't ibang klase ng mga makeups doon sa table. May wardrobe din doon sa gilid.
"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko habang hawak niya ang braso ko. Buti na lang talaga at hindi ako basa. Nakatakip lang naman ang puting tuwalya ko sa akin kahit pa na may suot ko ang shirt. Okay pa 'yong shorts. Ah basta!
"Kakain ng dessert." Aniya kaya agad akong natakam. Desserts? Sana naman merong silang Leche Flan! O kaya ay Vanilla ice cream!
Malakas ang patugtog nila ng modern music sa labas. Kumuha kami ng maliit na bowl at teaspoon. There's an ice cream! Pero Chocolate flavored. Buti na lang at may Leche Flan doon at Ube Halaya.
Naka-dalawang full scoop ako ng ice cream. Isang kutsarang Leche Flan din.
"May gusto ka pa?" Nilingon ako ni Cade. May hawak siyang bowl at teaspoon. Umiling ako.
"Wala na. Nakakahiya e."
Baka naman kasi may makakita sa akin kapag kumuha ako ng marami, e hindi naman ako imbitado dito. Sinama lang. Tsaka pa ako nakakaluwas papuntang Maynila. Buong buhay ko, nandito lang ako sa Lealtad. Meron kaming mga field trips noon no'ng nasa elementary kami hanggang sa 10th grade. Pero hindi naman ako nakakasama, dahil nga sa sapat lang ang pera para sa aming tatlo. Kaya naman hindi ako sumasama. Gusto ko man.
"Sure ka? Pwede pa naman kitang bilhan e, kung gusto mo." Ani Cade sa gilid ko habang nakain ng ice cream.
Na-touch naman ako. Hindi na bago ang gestures niyang ganyan. Kaya naman tuwing ginagawa niya sa iba 'yan, nami-misunderstood nila. Kaya ang ending, nag-a-assume sila na gusto sila ni Cade kahit na hindi naman talaga. Tapos kapag nalaman nila na hindi naman pala sila gusto ni Cade ay magagalit sila at maghahabol parin. Kahit ang ibang mga babae na kakilala niya sa Maynila ay gano'n din. Pero mas grabe ata.
"'Di na talaga. Okay na ako dito," ipinakita ko pa sa kanya ang bowl ko. Kaunti pa lang naman ang nababawas doon. Tsaka hindi naman ako sobra kung kumain ng desserts. Tumango lang siya at ngumiti. May pagka-silent type si Cade. Well, gano'n din naman si Ally, pero may times lang talaga na magkaiba 'yong tingin ko sa mga ekspresyon nila. Binabaliwala ko na lang kapag alam kong wala namang patutunguhang maganda o matino.
Sanayan na lang rin dahil may times talaga na tipid siya magsalita.
Tumango lang siya. Nang maubos namin ang desserts ay lumabas na kami sa bungalow at tumambay ulit sa kubo. Busy parin sa pagke-kwentuhan ang mga models. May iilang nagsi-swimming o kaya ay nagba-babad lang. Pero ang apat na models kanina ay seryoso lang na nakaupo sa mga upuan nila na may pangalan pa nila sa likod.
Sina Ella ay kausap ang iilan sa mga photographers at models. Hindi ba sila nababagot? O sadyang sanay lang talaga sila sa ganyang gawain?
"Cade, ano bang feeling kapag naging model ang isang tao?" Wala sa sariling tanong ko. Nakatingin lang ako sa mga models na busy sa kanya-kanyang gawain nila.
"Siyempre, sa una masaya. Pero masaya parin naman sa kasalukuyan. Lalo na't kapag isang famous clothing line o brand ang kumuha sa iyo. Tapos madadagdagan pa iyon. Pero kapag nasanay ka na, mapapagod ka na lang talaga. But if it's your passion, why not? I hope you get my point, Nami." Aniya kaya naman napatango-tango ako.
Kung gano'n ay nakakapagod din pala.
"Bakit mo naitanong?"
Umiling ako.
"Wala. Na-curious lang ako." Ngumiti ako.
Pinaghalong init at laming ang hangin na nadadama namin ngayon. Nakalubong na ang kalahating katawan ni Marco at ng mga co-models niya sa pool. Nagtatawanan sila at mukhang masayang-masaya talaga. Nagulat ako nang biglang tumayo si Cade sa tabi ko at hinila nanaman ang pulsuhan ko.
"Oy! Saan tayo pupunta?"
Hindi siya umimik at dire-diretso lang ang lakad papasok ulit sa bungalow. Ano bang trip nitong si Cade? Hila nang hila e! Sa kusina nanaman ang punta namin. Hindi ako busog at hindi rin ako gutom, pero bakit gano'n? May nakahain na Spaghetti at gusto kong kumain!
Binigyan ako ni Cade ng platito. 'Yong tama lang ang laki tapos tinidor. Pinauna niya akong sumandok ng Spaghetti dahil alam niyang paborito ko ito. Sigurado din ako na matatakan din si Ella kapag nakita ito na nakahain! Dalawang sandok lang ang kinuha ko. Buti na lang talaga at may bawas na ito at hindi kami ang unang kumuha. Nakakahiya kasi e.
"Tara, doon tayo sa labas." Aya niya habang hawak ang plato at tinidor. Sumubo muna siya. Nakakatuwa lang isipin na tuwing kasama niya kami ay hindi siya umaakto na para bang isang anak mayaman. Hindi siya maarte at simple lang. Naiintindihan ko kung bakit snob siya minsan at masungit. Ayaw niya kasing mag-entertain ng taong maraming tanong. Ewan ko lang sa amin. E madaldal kaming apat e.
"Okay."
Sumunod ako sa kanya. Sinabi rin niya na doon daw kami kina Ella. Agad akong kinabahan dahil itinuro niya ang daan kung nasaan mismo sina Marco. Nami, relaaax. Dadaan ka lang, kaya kalma. Malalim akong huminga.
Rinig na rinig ko ang tawanan nila mula dito sa kinatatayuan ko.
"Umikot na lang kaya tayo?" NATASHA MIRAE! Ano bang sinasabi mo?! Jusmiyo ginoo! Kumunot ano noo niya.
"Huh? Bakit?"
Umiling ako. "W-wala." Nagdu-duda siyang tumingin sa akin, pero inalis niya rin naman agad. Nakahinga ako ng maluwag. Jusmiyo, Nami. Relax ka lang! Parang baliw e!
"O, tara na." Nauna siyang maglakad kaya naman ay naka-buntot lang ako sa kanya. Ayan na, malapit na.
Lub dub* Lub dub*
Pansin ko ang pagbilis ng paglalakad ni Cade. Makinis na stone slabs pa naman ito at basa pa. Tapos ang laking tao pa niya, paniguradong malaki din ang paghakbang niya.
"Teka, Cade. Hintay nama—AHHH!"
Ramdam ko ang pag-angat ng mga paa ko at ang pagbaba ng likuran ko. Kahit ang ulo ko ay naramdaman ang sakit at hilo nang bumagsak ito sa stone slabs.
ARAY!
"NAMI!"
Umalingawngaw ang sigaw ni Cade pati na rin ang sigaw ng ibang nakakita sa nakakahiyang stunt ko. May splash din akong narinig sa pool kanina. Ramdam ko ang nanlalamig na kamay ni Cade sa braso at batok ko. Ipinatong niya rin ang ulo ko sa hita niya dahil nakaluhod siya.
"f**k!" Rinig ko ang mahinang mura niya.
Unti-unting nangingibabaw ang sakit sa sistema ko. Jusko, malamang ay magagalit si Auntie Lilian kapag nakita niyang may pasa ako o sugat.
"OH MY GOSH, MARCO! WHAT HAPPENED TO YOU?!"
Nawala ang music at ang sigaw lang ni Lori ang narinig sa buong venue.
"What the f**k, miss?!" Singhal ni Marco. Inalalayan ako ni Cade sa pagtayo. Inangatan ko siya ng tingin at nakitang tinatanggal niya ang pasta sa mukha at buhok niya. Pati sa dibdib niya ay meron ding mga pasta. Ang mukha niya, may sauce.
"It was an accident, Marco." Malamig na sabi ni Cade. Nakita kong gulat na tumatakbo papunta sa amin sina Ella, Ciela at Ally.
"Oh my god, Nami!" Inalalayan din ako ni Ella. She checked my neck and my head. Nilingon niya si Marco.
"Kuya, it wasn't her fault! So don't cuss!" Umirap siya.
Kuya? Wtf?
"What?! Look what she did! Ngayon naliligo na ako sa sauce." His accent makes my knees weak even more. Jusmiyo. Ano ba ito?!
"It was ang accident ku—"
"I-I'm s-sorry." Buong puso kong sabi. Kasalanan ko nga ba? But still, gusto kong magsorry.
"I don't f*****g need your sorry." Malamig niyang sabi kaya nagulat ako. Wth? Ako na nga itong nagso-sorry e!
"What the f**k, bro?" Umabante si Ally pero pinigilan siya ni Ella. Kinakabahan ako na naiiyak. Alam ko naman na mali 'yon e. Pero hindi ko naman sinasadya!
"Kuya! Stop being so cru—"
"Shut up, Ella. Kung hindi ka sana tumakbo, miss, edi sana hindi ka nadulas at hindi rin humagis sa ere ang Spaghetti mo. Always remember this miss, o kung ano man ang pangalan mo—"
"Her name is Nami, kuya." Ani Ella sa masungit na tono. Pero binaliwala lang siya ni Marco.
"I don't f*****g care, Ella! You are a mess, miss! Look what you did," dinuro-duro niya pa ako pati ang pool. May parte doon na may kulay pula sa tubig dahil sa Spaghetti sauce. Agad namang umangat doon sa pool si Rei Cuervo hawak ang plato na dala ko kanina. "You ruined our shoot. The photographer is taking shots for the issue, then this?" Tinukoy niya ang nangyari sa kanya.
"I'm really, really sorry si—"
"Don't say sorry, Natasha!" Sigaw ni Ciela.
Ally and Cade's jaw clenched.
"So you are Natasha Belleza. Hmm."
Nagulat ako sa naging ekspresyon niya. Tumango-tango siya at nakakaloko siyang ngumisi sabay mariing tumingin sa akin.
"It's not nice to meet you in this kind of situation, Miss Belleza. It's kinda funny to meet you like this. Not surprising at all." Aniya't nilagpasan kami.
Napa-nganga ako. Iinsultuhin niya ako tapos gano'n? Anong klaseng lalaki siya?
"It's rude to meet Marco Ezquierda in this kind of situation." Rinig kong sabi ni Jia na nasa tabi lang ni Lori na nakatingin sa pinasukan ni Marco.
Marco Ezquierda? Siya ang kapatid ni Ella? Siya ba 'yong batang lalaki na tinatanaw ko parati tuwing nasa plantasyon kami? Hindi ba't mabait siya? Pero bakit gano'n? Ang sama ng ugali niya! Ito ba ang Marco Ezquierda na kinababaliwan ng lahat? Isang lalaki na may masamang ugali at namamahiya!
Now I loathe him for what he did!
*
Kita ko ang iilang kabataan na nagsasaya sa pool mula dito sa veranda ng hotel room namin. Medyo madilim na rin sa labas at nakabukas na ang warm lights sa ibaba. Naka-dim ang warm lights dito sa loob kaya naman napaka-relaxing ng ambiance dito.
"I'm sorry for what happened kanina." Tumabi si Ella sa akin. Hindi ako umimik. Malalim siyang huminga.
"I'm sorry hindi ko sinabi agad na pumunta tayo dito para kay kuya. I thought you'll be happy and surprised to meet him in person kaya naman I decided to take you there. I also thought that you'll meet each other in a good way, but it turns out bad, really bad," bumuntong hininga siya. "That's why I'm really sorry for what happened. I hope you'll forgive me."
Nilingon ko si Ella na nakayuko. "It's not your fault, El. Maybe it's destined to happen. But I hate him now and it's ironically surprising to meet him in that situation. He's very rude, Ella!" Napapikit na lang ako sa inis. Naaalala ko nanaman ang pagkabagsak ko kanina at ang mga sinabi niya. That I am a mess! I know that it's true because of the pasta on his face! Pero kasalanan ko ba kung madulas ang stone slabs doon?! Ugh.
Ni hindi nga rin niya tinaggap ang pagso-sorry ko sa kanya! How rude for a guy like him!
"I know he's rude and rough, but he's kind! I'm telling you the truth, Nami, Kuya Marco is kind and caring. I understand that he's rude because gano'n din siya sa akin minsan. Maybe it's because of the shoot. Then your pasta just came out from nowhere and landed on his face unconsciously. I'm sure there's a perfect shot of him," tumawa siya.
"Still, I'm sorry on behalf of my brother. Even though he's not sorry for what he did." Malungkot niyang sabi.
"I hope you'll forgive my brother, Nami. Maybe he's just tired or stressed or something. I don't know." Napailing na kang siya at malungkot na ngumiti sa akin. I know, Ella's apologize is pure and sincere, but she's doing it on a purpose or something. Ayaw niyang may kung anong tensyon na mamagitan sa amin ng kuya niya.
Napairap na lang ako sa isip. Buti nga ay Spaghetti lang sa ulo at katawan ang inabot niya! E sa akin? Nadulas ako at nabagok ang ulo! May dalawang pasa ako sa kanang braso at isang medyo kalakihang pasa sa upper back ko. Tapos nagka-small cut ako sa ulo. Dumudugo na nga hindi ko lang namalayan. Tsaka ko lang naramdaman no'ng pinasadahan ni Ciela ang ulo ko. Agad naman nila akong isinugod kanina sa clinic at ginamot na ang cut ko.
This day is supposed to be fun, but Marco Ezquierda killed the fun. Tsk.