Kabanata 3

2988 Words
Kabanata 3 Splendid Abs Huli kong inilagay ang hygiene kit ko sa bag. Inilugay ko na ang buhok niya at inayos ang damit. Alas-sais na ng umaga at paalis na ako papunta sa arko na malapit sa school. "Auntie... Alis na po ako." Humalik ako sa pisngi ni auntie at yumakap bago ako tuluyang lumabas sa kwarto niya. Ni-lock ko rin ang pintuan at ang gate bago umalis. Kanina ay nagluto pa ako ng tokwa para sa kainan namin mamaya. Agad akong pumara ng tricycle. "Manong, sa may arko po." Pinaandar na ni manong ang tricycle papunta sa arko. Labing-limang minuto ang naging biyahe. Pagkababa ko ay agad din akong nagbayad. Una kong nakita si Ally na may dalang backpack at lalagyan. See-through 'yon at kita sa loob ang naka-foil pang manok. "Bagong luto?" Tumango siya. "Kanina ka pa ba dito?" "Hindi. Kadarating ko lang din." Aniya't humikab. Kahit ako ay inaantok parin. Puyat pa naman ako kagabi dahil hindi talaga ako nakatulog. Dahil sa sobrang excitement ata. Namamaga pa nga ang mga mata ko dahil puyat at kagigising lang rin. Umidlip pa ako saglit matapos kong lutuin ang tokwa. Umupo lang kami ni Ally dito sa isang bus stop na may bubong. Hindi na ako nagtaka kung bakit may iilang bus na humihinto dito. May iilan namang bumababa at sumasakay. Di nagtagal ay dumating na rin silang lahat. May kanya-kanya silang dala na mga baskets. Well, it's for their wet clothes. Kahit ako rin ang may dalang isang maliit na basket. Sa Hilux ni Cade kami sumakay. Our things and some foods are placed at the back part of his pickup. Mabilis na pinatakbo ni Cade ang sasakyan. Buti na lang talaga at nasa legal age na si Cade at pwede nang mag-drive. Nakabukas ang lahat ng bintana kaya naman damang-dama namin ang malamig na hangin ng Lealtad. Dahil nga sa mabilis magpatakbo si Cade ay agad din kaming nakarating sa Prístino. Engrandeng gate ang sumalubong sa amin. Mataas 'yon at kulay puti. Itong Prístino ay nasa dulo ng Lealtad. Malapit sa beach. Modernized na ito dahil city na ang nasa kabilang lugar. You can see malls and a lot of restaurants there sa Arias. Well, I'm glad dahil hindi naman ganoon ka napag-iiwanan ang Lealtad. Locals like us wants to preserve the place. We want to preserve the natural beauty of Lealtad's every corner. The ranches and plantations are one of the ways to have a good work here. It's really good because the owners are good at handling their workers. This industry needs labor for production to have good products. That's why they hired a lot of workers. "NATASHA!" Agad kong kinuha ang backpack ko at ang basket sa likod ng sasakyan ni Cade. Agad na akong sumunod. Papasok na sila sa isang kulay puting building na may maraming glass windows. Refreshing tignan ang Prístino. May mga rattan couches doon na kulay brown para sa mga customers. May mga white curtains din doon sa mga sliding doors niya. Nasa front desk si Ella at Ciela para sa reservation namin. Agad nilang kinuha ang card para sa rooms namin. Dalawang kwarto na magkatabi ang kinuha nila. Sa fifth floor ang kwarto namin. We're staying here until tomorrow afternoon. Ella fooled me kaya naman nairapan ko siya kanina. But she just laughed. "Hindi mo sinabi sa akin na hanggang bukas tayo dito. Paano si auntie? Kailangan ko siyang samahan mamayang gabi—" "She's fine, Nami. I heard she got visitors, my driver told me." Isang ngisi ang sumilay sa labi niya. Napailing na lang ako. May bisita siya at siya lang ang gagalaw doon. Tss. Mapapagod siya! "Bihis na kayo, El, Nami." Ani Ciela na agad pumasok sa bathroom. I can say, mamahalin ang resort na ito. Engrande ang lahat ng mga muwebles. Meron din silang mga ancient sculptures doon sa labas na sasalubong sa iyo. Sinuot ko ang isang one piece suit na kulay itim. Nagsuot din ako ng swimming shorts na kulay puti. Hindi kasi ako sanay na walang shorts e. Ayaw ko man magsuot ng ganito ay kailangan parin dahil hindi allowed ang t-shirt at basta-bastang shorts dito. Hindi tulad sa Kabina Falls. Matapos kong magbihis ay pumwesto ako sa veranda. Tanaw ko ang isang malaking pool nila at isa pang kiddie pool. Bukod pa doon ang black tiled infinity pool nila na kalakihan din. Then the last one, the beach. May mga malalaking umbrellas pa doon na nakatarak at katabi noon ang mga sun loungers. May mga low tables din doon. Lumabas si Ciela sa bathroom suot ang one piece niya na kulay pula. She looks so stunning! May black lace cover-up din siyang tinerno dito. Si Ella naman ay sinuot ang purple one piece niya. May white lace cover-up din siya. Habang ako ay may tuwalyang puti lang ang na nakasampay sa balikat. "What the hell, Nami?" Napahagod ng buhok si Ciela. "Oh goodness. What's with the shorts?" Kumunot ang noo ni Ella. Agad naman akong ginapang ng pag-aalinlangan. Bakit? May masama ba sa suot ko? Sinuot ko naman ang ibinigay ni Ciela na suit sa akin ah? "Remove that!" Turo ni Ciela sa shorts ko kaya napatingin din ako dito. Why would I remove my shorts? "Huh? But it looks good, Ci!" "I think it's fine, Ci." Singit ni Ella at pumagitna sa amin. Bumuga siya ng hangin at tumingin sa akin. "I have black shorts in my bag. Wear that instead of white." Agad kong sinunod si Ella at nagpalit sa bathroom. Narinig ko naman ang usapan nila. "Why did you let her wear shorts?" Sigaw ni Ciela. "What? There's nothing wrong about it!" Sigaw din ni Ella. Agad kong hinubad ang white shorts ko at isinabit sa sabitan dito sa loob ng bathroom. "Can't you see, Ella? She should learn other things! She should go out of her comfort zone." "She's the one who's going to decide, Ci. There's nothing wrong about the way she wears her clothes. Okay? Buti nga ay hindi na siya gano'n ka conservative gaya ng dati." Lumabas na ako ng bathroom suot ang black shorts ni Ella. Agad nila akong nilingon. "Let's go." * May big hats silang suot. Samantalang ako ay tanging tuwalya lang ang panangga sa araw. Buti na lang talaga at marami ang inilagay kong sunblock sa buong katawan ko. Mahirap na. Ayokong magka-sunburn. Masakit 'yon e! Pumunta kami sa may infinity pool. Doon kasi namin napagkasunduan na magkita-kita nina Ally. And speaking of the two devils, pinalilibutan sila ng mga babae. Lahat sila ay sexy. Ang iilan sa kanila ay tanned skin. May iilang mga naka-one piece, pero mas lamang ang bilang ng mga babaeng naka-two piece bikini na nakapalibot sa kanila. Bukod sa attractive features nilang dalawa, kilala din sila sa buong Lealtad. Siyempre, kilala si Cade sa basketball at pagbabanda. Habang si Ally naman ay sa soccer at sa pagha-handle ng iilang mga small businesses. Pero mas nakatuon ang atensyon niya sa pag-iipon kaya nagtatrabaho siya sa poultry farm. "Cade.. Ally.." Hindi na ako nagtaka no'ng biglang nagsalita si Ella para tawagin ang dalawa mula sa batalyon ng mga ito. Agad na lumingon ang dalawa sa gawi namin at napangisi. Si Ally ang may mapanglarong ngisi. Halatang nag-e-enjoy sa paligid niya. Habang si Cade naman ay cool lang. Panatag sa mga babaeng nasa paligid niya. 'Yong totoo? May balak ba silang samahan kami? Tss. Nang hindi umalis doon ang dalawa ay napag-pasyahan naming tatlo na doon na lang sa sun lounger. May mga nakatayong malalaking payong din itong katabi. "Look at that girl," turo ni Ella sa isang babaeng nasa kanan ni Cade. Naka two piece ito na kulay green. Nahalata kong konti na lang ay sobrang lapit na niya kay Cade. "She's irritating, isn't it?" Umirap nanaman ni Ella kaya nagkatinginan kami ni Ci. "Stop hating those girls, El." Ngumuso si Ciela sabay subo ng dates na dala namin. Kumain na rin ako. "Huh? Are you serious, Ci?" Umirap nanaman siya at uminom ng Minute Maid. "What? I'm just saying. Tsaka hindi naman ikaw ang nilalapitan nila. Ang dalawang unggoy naman." Nguso ni Ciela. Iniluwa niya ang pangalawang buto sa isang supot na dala namin. "Tss. Kahit na." Hindi ko talaga alam kung bakit laging kumukulo ang dugo ni Ella tuwing may lumalapit na mga babae sa dalawa. Well, except sa amin ni Ciela. We've been together since grade six. Kaya naman alam na alam na namin ang sari-sariling mga baho. But I really don't know why Ella's so irritated with Cade's fangirls. I mean, they're good. Some of them. Pero ayaw nila sa mga taong nagagalit sa kanila dahil lang sa grabe sila kung kumapit o lumapit kay Cade. Naalala ko pa nga na may na-sample-an na sa mga fangirls ni Cade. Si Susanne na kaklase namin noong grade nine kami. Masyado daw kasi niyang fini-flirt si Cade. Kaya ginawang kahiya-hiya ni Ella si Susanne. Buti na lang talaga at walang problema pagdating kay Ally. "Let's go to the damn pool, girls." Turo ni Ella sa isa pang pool na may katabing kiddie pool. "Huh? Wh—" "I'm irritated with his damn fangirls." Agad akong tumayo at kinuha ang mga gamit namin. Buti pa ngang umalis na dito bago pa gumawa ng scene si Ella. Lumakad na kaming tatlo palayo nang may biglang sumigaw mula sa likuran. "Hey! Wait for us!" Boses iyon ni Ally. "Damn! Hurry up!" Sigaw niya pa kay Cade. Rinig ko ang pagtakbo nila. Hindi na ako nagulat nang may lumapat na kamay sa balikat ko. Kay Cade 'yon. "Why the hell did you get out of there?" Kuryosong tanong sa amin ni Cade. Nakabalandra ang abs nilang dalawa ni Ally na hulmang-hulma. I can almost see the depths of it. "What? We just want to go there," turo ni Ella sa pool kaya napatingin doon ang dalawa. Lumingon ulit sila sa amin. "Huh? But there's a pool!" Si Ally 'yon. "I said... WE. WANT. THERE." Giit ni Ella at mariing tinignan sina Ally at Cade. Agad din siyang tumalikod at naglakad kaya sumunod kami ni Ciela sa kanya. "Let's just go." Mukhang walang choice na sabi ni Ally at sumunod sa amin. Nang maka-pwesto kami sa sun loungers doon ay may napagtantuan ako. "This is a hotel and resort, right? And they're serving foods which you may like at the dining hall?" Naguguluhang sabi ko. Agad na tumango si Cade sa akin. Pinapanood lang namin sina Ciela at Ella na lumalangoy sa pool. "Then bakit tayo may dalang mga pagkain?" Napalingon sa akin ang dalawang diyos na bumaba mula sa Mt. Olympus. Nakataas ang isang kilay ni Cade habang nakakunot ang noo ni Ally habang iniinuman ang Minute Maid juice na dala namin. "You didn't know?" Ani Ally kaya umiling ako. "Bakit? Ano bang meron?" "Tss. Basta. Nothing." Napanguso naman ako. E ano bang meron? Wala namang sinabi sa akin sina Ella at Ciela tungkol sa kung anong meron ngayon. "Ano nga kasi.." Pang-ilang beses na tanong ko sa kanilang dalawa. Pero ang mga loko, lumusong na rin sa pool at sinamahan ang dalawa. Kaya naman ay naiwan ako dito. Great! Just great! "Parang 'yon lang, ayaw pang sabihin. Tss." Napairap ako sa isipan. Ilang beses pa silang nagbasaan doon sa pool. Nagti-tilian din ang dalawang babae habang hinabol-habol sila nina Cade. Nakaka-miss tuloy 'yong mga araw na doon kami sa Kabina falls naliligo. Umaakyat pa kami sa mataas na parte at tumatalon. Ilang minuto pa ang lumipas at natatawa na lang ako sa mga ginagawa nila. Kumalam ang sikmura ko. Hindi ko ininda 'yon no'ng una pero nang maka-dalawa na ay nag-ready na ako. "Guys.. Nagugutom na ako." Tumayo ako para sabihin sa kanilang apat 'yon. Hinawakan ko pa nga ang tiyan ko para malaman talaga nila. Agad silang umahon at pinuntahan ako. Nagpunas din sila sa mga towel nilang dala namin. "Tara sa kubo," Giya ni Ally sa amin kaya napataas ang kilay ko. "Anong kubo? May hotel room tayo ah?" Sabi ko. "Nando'n ang mga pagkain natin, Nami." Si Ciela ang sumagot sa tanong ko. "'Yong mga dinala natin?" Tumango silang apat. Ahhh! Kaya pala mga gamit lang namin ang mga dinala namin paakyat sa hotel room kanina. Ahehe. Naglakad kami patungo sa isang gate na mataas. Kahoy iyon na brown at may black metal designs pa sa taas. Hindi namin kita ang loob at tanging ang gate lang. "Sa'n 'to patungo?" Lumingon ako sa kanila. "Sa private area nitong Prístino." Ani Ciela na katabi ko lang. Kaya ba ayaw akong sagutin nina Cade at Ally kanina? Dahil dito kami pupunta? Nag-doorbell si Ella doon. Ilang sandali pa ay may lumabas na bakla doon. May suot itong makulay na button-down shirt habang naka-skinny jeans at white sneakers. Nagliwanag ang mukha nito nang makita ang mukha ni Ella. Pinasadahan niya ito ng tingin. Suot ni Ella ang itim na lace cover-up. Ang ganda niya talaga! Lumingon siya sa amin. Una kay Cade, kay Ally, kay Ciela, at sa akin. Damn. "Sino siya, hija?" Nakataas ang kilay niya. "Oh! This is Natasha Mirae. Call her Nami for short." Hinawakan niya ang kamay ko at inilapit sa bakla. "Nami, this is Lori. And Lori, this is Nami." Ani Ella. Nag-shake hands kami ni Lori. "It's nice to meet you, Nami! By the way, can I ask what is your surname?" Matamis siyang ngumiti. "Belleza." Gulat ang rumehistro sa mukha niya pero agad 'yong nawala. Huh? "Can we get inside? She's hungry." Matigas na sabi ni Cade at hinawakan ako sa balikat. Awkward naman na tumawa si Lori habang namumula. Mukhang na-starstruck ata kay Cade. Iginiya niya kami sa loob. Agad na sumalubong sa amin ang magandang garden. May mga bougainvilleas din sa mga wood bars sa itaas. May nakita pa nga akong fountain doon na malaki at may babaeng naka-aim habang hawak ang pana at palaso. "Wow.." Mas lalo akong namangha nang makita ko ang isang pool na may deep blue and green tiles. Parang ito 'yong view ng dagat sa may reefs kapag nakita mo 'to mula sa itaas. May daanan din 'yon na maliit sa gitna. Nalaman ko na mababaw ang isa at may pagka-medyo malalim ang isa pa. Mula sa pwesto ko ay may malalaking kubo sa left side, mga tatlong kubo 'yon. Habang may isang bahay sa right side. Bungalow ito at kulay puti. Stone slabs ang lahat ng daanan dito at Bermuda grass. Nasa gitna ang pool. Kita ko ang mga busy-ng tao dito. Pumunta kami sa isang kubo kung nasaan ang mga pagkain. Hindi pa iyon nagagalaw at nakabalot pa. May iilang mga tripod sa paligid. May iilang babae at lalaki silang pini-picture-an. "Bakit may ganito dito?" Kuryoso kong tanong. "Nagshu-shoot sila para sa April issue ng isang magazine." Sagot ni Cade sabay bigay sa ang ng isang paper plate na may plastic spoon and fork. "Wow." Kumuha ako ng kanin at manok na inihaw pa ni Ally. Nagulat nga ako dahil medyo mainit pa 'yon. Baka ininit ulit nila? Hays. "Cade, kung may photo shoot sila, bakit nandito tayo? Kumakain?" Hindi ko maiwasang magtanong sa kanya habang may laman pa ang bibig ko. "Basta. Mamaya mo malalaman." Aniya't sumubo ng tokwa na niluto ko. Kaming dalawa lang ang nandito. Si Ally at Ciela ay may kausap na mukhang mga modelo doon banda sa pool. Si Ella naman ay sinamahan si Lori sa loob ng bahay. Masasabi kong talagang maganda ang bungalow house na 'yon dahil nakabukas talaga ang double doors nito. White tiled ito at maaliwalas tignan. Kung private area ito ng resort, malamang ay mahal ang bayad nila sa pag-rent nito. Kasama ni Ella lumabas si Lori sa bahay. Nagtatawanan sila. Tinawag si Lori ng isang babae kaya natigil ang pag-uusap nila at umalis. Lumakad pabalik dito sa kubo si Ella. Sina Ciela at Ally naman ay bumalik na rin dito. Nalaman ko rin na isang sikat na handler si Lori ng mga models. Siya ang nagpa-pasok ng ilang mga models kapag may fashion show na nagaganap. Lahat ng 'yon ay puro mamahaling brands o 'di kaya ay gawa ng mga sikat na designers. "Nakausap mo na?" Bungad ni Cade kay Ella kaya tumango ito. "They're retouching." Aniya kaya kumunot ang noo ni Cade. "Hindi pa nakain?" Umiling si Ella at sumandok ng kanin. Masaya kaming nagkwentuhang lima. Pinapanood din naman ang iilang mga modelo na nagshu-shoot. Nang matapos kumain ng tanghalian ay sakto namang lumabas mula sa bungalow sina Josh Liseo, Kevin Serio at Rei Cuervo kasama ang isang lalaking naka-light blue button-down shirt at may design na maliliit black anchors. Nakabukas 'yon kaya naman lantad na lantad ang shining, shimmering, splendid abs niya! Halata din ang pawis sa matipuno niyang dibdib. Messy ang buhok niyang clean cut ang gilid habang medyo mahaba ang nasa top area. Naka-khaki pants siya habang nakatupi ito ng manipis sa dulo at nakapaa. Narinig ko ang pigil na tili ni Ciela. Why? It's because nakita niya ang triplets ng UL Basketball team! Baliw na baliw siya sa mga ito! Tapos si Kevin Serio naman ay naka-topless at dark blue jeans. Si Josh Liseo ay naka-white sando at khaki shorts. Habang si Rei Cuervo naman ay naka-dark green swimming shorts at topless. Hindi talaga ako makapaniwala na mga big-time models sila. Pero ang isa talaga na lalaking kasama nila, mukhang sikat sa Manila. I heard na galing sila doon e. Kinilig na tumingin ang iilang mga babae sa lalaking 'yon. Hindi ko idi-deny na gwapo talaga siya. Aaminin ko na mas malakas ang appeal nito kaysa sa tatlo pati kina Cade at Ally. Makisig talaga siya at matangkad. Sobrang ganda din ng facial features niya. Matangos ang ilong! At ang labi niya, mapang-akit! Expressive din ang mga mata niya may pagka-dark. Nagtataka akong lumingon ng tumikhim si Cade. "You're drooling, Nami." Ngisi niya sa akin. Napailing ako. "Hindi ah!" Tinawanan lang nila akong dalawa ni Ally. Muli ko silang tinignan. Pansin ko na may pagka-sun-kissed ang balat niya. Mukhang kanina pa ata siya bilad sa araw. Maputi siya pero may pagka-tan din na mas nagbigay ng attractive look sa kanya. Pero ang mga mata niya. Pitch black ito at may kakapalan ang mga pilikmata niya. Gano'n din ang kilay niya. Kaya naman lumilitaw din ang dangerous look niya. GOODNESS! Nasasabi ko ba talaga ito? Grabe! Smoking hot kasi ang shining, shimmering, and splendid abs ng lalaking 'yon! Ngayon ko lang naramdaman ang matinding pag-iinit ng mga pisngi ko. Kanina pa ba ako nagbla-blush? Jusmiyo ginoo! Patay ako kay auntie kung sakaling malaman niya na nagka-kaganito ako! "T-teka, a-anong pangalan niya?" Damn! Bakit ba ako nabubulol? "Marco. Marco ang pangalan niya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD