Kabanata 2

2673 Words
Kabanata 2 Batalyon ni Cade Malaki ang ngiti ko nang maipasa ko ang term paper na requirement namin sa isa naming major subject. Nakahinga naman ako ng maluwag. Lumabas kami sa building dala ang mga bag namin. Nasa hulihan ako at nagbabasa ng libro. Isang love story ito kaya naman habang naglalakad ako ay nag-iinit ang pisngi ko sa kilig na nadarama. Pansin ko na sa soccer field kami papunta. Mula sa malayo ay dinig ko na ang matitinis na tili ng mga babae. "GO JOSEFF! BABY, KAYA MO 'YAN!" "OH MY GHAD! ORIE SIPAIN MO NA 'YONG BOLA!" Natanaw ko ang tumatalon na grupo ni Shia Ibañez sa kabilang dako ng field. Isa rin sa mga mayayaman dito sa Lealtad si Shia. Meron silang maisan at palayan na kumikita talaga ng malaki. May limang ektarya din sina ng coconut trees. Kilala siya ng lahat bilang isang competitive na estudyante. Lagi siyang sumasali at nananalo sa mga beauty pageants dito sa lalawigan o kaya sa Arias na siyang katabi lang ng Lealtad. Nahagip ng mata ko ang pag-irap ni Ella sa dako nina Shia. Tinapik ko siya. "Huy! Tigilan mo nga ang kaka-irap mo diyan. Mamaya bigla tayong sugurin dito e!" Saway ko sa kanya pero hindi nakinig ang bruha. Ah basta! Bahala ka diyan kapag bigla kang sinugod ng babaeng 'yon. "Tsk. Flirt." Bulong ni Cade na narinig ko. Naiiling niyang tinanggal ang gitara niya mula sa pagkakabalot nito sa case. Lubos na naiirita si Cade kay Shia mula pa noon. She's a spoiled brat. "Nami, nakapag-paalam ka na ba kay auntie?" Tukoy ni Ciela kay Auntie Lilian. Umiling ako. "Hindi pa e. Mainit kasi ang ulo niya kagabi, kaya naman hindi ko na naitanong pa." Sagot ko at ngumuso. Lumakas ang hangin, kaya naman ay nilipad ang buhok ko papunta sa mukha ko at gulo-gulo na ito. Ilang beses pa kaming nagtawanan dito. Pinanood lang namin ang mga varsity players ng soccer team dito. Naaalala ko pa nga noon na ilang beses akong pinilit nina Cade na sumali sa iilang mga sports. Nag-try na ako sa table tennis, badminton at volleyball. Pero sa volleyball ako nagtagal at umalis din kalaunan. Hindi ko rin kasi mapagtuonan ng pansin ang acads ko kaya nag-quit ako. Naglalakad na kami pabalik sa building namin nang biglang sumigaw ng malakas ang iilang estudyante sa open court. "AHHH! Sayang!" Tinanggal na ang net dito at mga basketball players na ang naglalaro. Agad din naman kaming umakyat sa room. "Alam mo, Nami, kanina ka pa tinitignan nina Dave." Bulong ni Ella sa akin at tumingin sa isang grupo ng mga lalaki na taga kabilang section. "Hayaan mo ang mga 'yan. 'Wag mong pansinin." Tuluyan na kaming pumasok sa room. Pumasok ang terror na professor dito at may in-announce lang. Agad din siyang lumabas. Free na kami sa susunod pang mga araw dahil recognition na sa susunod na araw. At sa darating na Sabado na ang swimming namin sa Prístino. "Oh, akin na ang ambag mo." Inilahad ni Ally ang kamay. Agad kong ibinigay ang fifty pesos ko sa kanya. Buti na lang talaga at may ipon din ako. Balak niya kasing bumili ng isang buong manok at iihawin daw. "'Yong barbecue pala, bibili pa ba no'n?" Tanong ni Ciela sa gilid ko. Nandito ulit kami sa may corridor at nakatanaw sa open court sa ibaba. May nagba-basketball parin doon. Hindi naman mainit dito. Mahangin nga e at nakapalibot ang mga puno kaya naman kaunti lang ang init. "May inihaw na kasi e. Manok 'yon, tapos magpo-pork pa." Ngumuso si Ella. Siniko ko naman siya. "Sige. Bili parin tayo ng barbecue. Masarap nga 'yon." Singit ko kaya naman napatango na lang sila. "Ano pang ibang pagkain?" Si Ally ay naglilista at bina-budget ang dadalhin. Sa totoo lang ay isang mamahalin na resort ang El Prístino. Kaya naman ay nagtataka ako kung bakit mukhang pwedeng magdala ng mga pagkain. Sinagot 'yon ni Ella at sabi niya'y pwede naman daw pero bawal ang marami. Doon parin daw bibilhin ang ibang pagkain sa loob. But it depends naman daw. Matagal na rin kasi silang hindi nakakapag-outing doon. "Ako na sa prinitong tokwa na may sawsawan na sibuyas." Suhestiyon ko. Agad na ngumiti si Cade dahil isa sa mga paborito niya 'yon. "'Yong kanin, ako na ang bahala." Presenta ni Cade at nakipag-apir pa kay Ciela. "Sagot ko na 'yong drinks sa loob." Ngumuso si Ella at kumindat. "Ako na bahala sa barbecue. Sa loob tayo bibili." Ani Ciela at nag-ponytail ng buhok. "Oh, okay na tayo. Ayusin na lang natin 'yong mga gamit na dadalhin pagdating sa bahay." Ani Ally. * Pinaypayan ko ang sarili. Nandito si Ally sa bahay at nagwawalis sa bakuran. Madalas rin kasi silang pumunta dito nina Cade pero siya kang ang pumunta ngayon. Bukas na ang recognition. Ang saya sa feeling dahil pasok kaming lima sa honors. "Hindi ka ata nagdi-dilig dito e." Masungit na sabi ni Ally sa akin sabay tingin sa mga halaman na nandito sa bakuran. Agad akong umilig. "Huh? Nagdi-dilig ako, Ally." Tinaasan niya lang ako ng kanyang kilay. "Sayang naman ang ibinigay ni nanay na Rose sa iyo. Hindi man lang nabuhay." Puno ng paghihinayang ang boses niya habang nakatingin sa isang parte ng bakuran kung saan nakapwesto ang rosas na patay na. Agad rin akong nanghinayang. Mahilig din ako sa mga bulaklak. 'Yon kasi 'yong panahon kung saan busy ako sa pagva-volleyball at pagod na pagod pag-uwi sa bahay. Si Auntie Lilian naman ay nagtatrabaho noon sa isang farm ng mga gulay, kaya busy din siya at hindi na napagtuonan ng pansin ang bulaklak. "Hay. Oo nga. Pula pa naman ang kulay no'n." Ngumuso ako. Naghanda ako ng meryenda namin. Nagtimpla ako ng iced tea at bumili ng tinapay sa malapit na bakery. Agad siyang uminom ng juice. "Nga pala, umaga ng Sabado ka bibili ng manok diba?" Tumango siya. "Ah basta. Magkita-kita na lang tayo sa arko na malapit sa school." Aniya't kinain ang tinapay na hawak. Umihip ng malakas na hangin at ramdam ko ang paghalik nito sa balat ko. Malamig na mainit ito. Hay. Ganitong panahon ang masarap matulog. Agad akong tumayo at humiga sa duyan namin. * "'Nak, sobrang proud ako sa'yo!" Niyakap ako ni Auntie Lilian. Paalis na kami at hinhintay na lang ang tricycle na ni-renta namin papunta sa school. Ilang minuto pa ang lumipas kaya naman ay nag-ayos ako. Hindi ako nagmi-makeup dahil ayaw ni auntie. Baka daw kasi masira ang mukha ko at ma-irritate. Pero pinapayagan naman niya ako maglagay ng lip tint. 'Yon lang ay kung may event kami sa school. Tsaka hindi naman na problema 'yon kung sakaling wala ako, dahil mapula-pula naman ang labi ko. Kasamang dumating ng tricycle si Ally. Siya kasi ang may alam sa mga ganito. Agad din naman kaming sumakay kaya umandar na ang tricycle. Mabilis ang naging byahe kaya naman hindi kami nahirapan. Pagkababa namin ay agad kaming nagkwentuhan ni Ally. Si auntie ay umupo sa designated seat nila. Natanaw ko rin sina Ciela at Ella na may katamtamang kolorete sa mukha. Bagay na bagay sa kanila. Kinulot din nila ang buhok nila na talagang mas nagpaganda. "Ally! Nami!" Agad silang lumapit sa amin at niyakap kami. Habang si Cade naman ay kabababa lang sa sasakyan nila. Agad na napunta ang atensyon ng iilang mga babae sa kanya. Napailing na lang ako. "That guy is d*mn famous." Mura ni Ciela. 'Di nagtagal ay nagsimula na rin ang program. May nag-speech doon na estudyante at ang Dean ng school. "... All of you deserves to have your medals and achievements. I know that all of you have a lot of struggles. You strived for the better version of yourselves. There is a time where a student came to my office and asked for a leave. Stress is all over her face. Umiiyak na nga e..." Nagpatuloy lang ang Dean namin sa pagsasalita. May iilang tawanan na nangyari. Ang iba naman ay lumuluha na dahil sa saya at lungkot. May iilan din kasing aalis at pupunta sa iba't ibang lugar. Ang ilan pa nga ay sa Maynila na tutuloy. "I'll stay here," Dinig kong sabi ni Ella. May kausap siya sa phone. Seryoso ang mukha niya kaya hindi ko na siya ginulo. Natapos ang pagsabit ng mga medals sa lower grades. Kami na ang kasunod kaya pinapila na ang buong baitang namin. "Belleza, Natasha Mirae Rodriguez. A gold medalist. Jose Rizal awardee." Naglakad ako sa gitna kasama si Auntie Lilian. May mga school officers na nakahilera sa dalawang gilid at nakataas ang mga foil nila. Bawat lagpas namin sa kanila ay ibinababa nila ang kanilang mga foil. Umakyat na kami sa stage ni auntie at nakipagkamay sa Dean. Ibinigay ng Dean ang dalawang medal kay Auntie Lilian. Isang gold medal at isang silver medal. Isinabit 'yon sa akin ni auntie at pinicturan pa kami ng official photographer na ini-hire ng school. Matapos 'yon ay bumalik na ako sa kinauupuan ko kanina. Tinawag pa ang iilang estudyante. "Ezquierda, Mariella Tezie Cortez. Gold medalist. Andres Bonifacio awardee." Kita ko ang paglalakad ni Ella kasama ang lola niya. Si Madame Cecil Ezquierda. Wala ang parents niya dito at nasa Maynila. Inaasikaso ang mga negosyo ng pamilya nila. Tinanggap niya ang medal at matamis na ngumiti sa camera na pagmamay-ari no'ng photographer. Hindi ko talaga maiiwasan na tingalain ang isang katulad niya. Isa siyang anak mayaman. Pero kung kumilos siya ay para bang isa siyang pangkaraniwang mamamayan ng Lealtad. Tinanggap niya rin ako ng buo kahit pa na hindi kami mayaman tulad nila. Mabait din siya at mapagmahal kaya mas napalapit ako sa kanya. "Hidalgo, Ciela Maureen Lopez. Gold medalist. Andres Bonifacio awardee." Kasama ni Ciela si Tita Ana—mommy niya. Mabait na babae si Tita Ana. Kung minsan pa nga ay hinahayaan niyang matulog si Ciela sa amin at ako sa kanila. Masaya silang kasama, lalo na't kapag may mga events. "Quintana, Cadenn Aroz Peña. Silver awardee." Cool na naglakad si Cade kasama ang papa niya. Si Tito Alejandro. Naalala ko pa nga na natakot ako sa kanya no'ng una kaming magkita. Inimbitahan kaming apat ni Cade sa bahay nila dahil kaarawan ng kanyang ama noon. Inakala kong ayaw niya sa tulad ko na hindi naman mayaman. 'Di tulad ni Ally na nagtatrabaho lang sa poultry farm para lang makaipon. May kaya din kasi sila. Pero nagkamali ako. Sadyang istrikto lang talaga siya at puno ng awtoridad. Mabait siya. "Sandoval, Alleondore Jose Fuentes. Silver awardee." May ngiti sa labing naglakad sila ni Tita Melissa. Hindi ko talaga malilimutan ang araw na tinuruan ako ni Tita Melissa na magluto. Isa kasi siyang chef sa isang five-star hotel doon sa Maynila. Napakabait niya din. Kaya naman laking pasasalamat ko sa kanya ang pagiging magaling ko sa kusina. Ilang estudyante pa ang tinawag bago matapos ang pagsasabit ng mga medalya. May iilan pang nag-perform sa stage. Matapos no'n ay ang banda na nina Cade ang tutugtog. Syntax ang pangalan ng banda nila. Tinono nila ang kanilang mga gitara at nag-mic test pa. Si Kajik ang drummer nila. Si Aaron ang pianist. Habang ang mga guitarists nila ay sina Primo na lead, Dylan sa bass at si Vince na rhythm. Lastly, si Cade na vocalist nila. Nagsimulang tumugtog ang lead guitarist nila na si Primo. Kumanta na rin si Cade. "Kahit ikaw ay magalit.. Sa'yo lang lalapit.. Sa'yo lang aawit.." Sumabay na rin si Kajik. Mahina at saktong tunog lang ang ginaw niya. "Kahit na ikaw ay nagbago na.. Iibigin parin kita.. Kahit ayaw mo na.." Sumabay na ang pagtugtog ni Kajik. "Tatakbo, tatalon, sisigaw ang pangalan mo.. Iisipin na lang panaginip lahat ng ito~" Nagsitayuan na kaming lahat ay sumabay sa chorus. Eto na! "O, bakit pa kailangan pang umalis, Pakiusap lang na 'wag ka nang lumihis.. Tayo'y mag-usap teka lang ika'y huminto.. 'Wag mo 'kong iwan aayusin natin to~ Daling sabihin na ayaw mo na.. Pero pinag-isipan mo ba?~ Lapit nang lapit, ako'y lalapit.. Layo nang layo, ba't ka lumalayo.. Labo nang labo, ika'y malabo.. Malabo... Tayo'y malabo.." Umayos ng tayo si Cade at lumakad papunta sa kabilang dulo ng stage. "AHHH! CAAADE! ANG GWAPO MOOOO!" Natatawang napailing si Ella. Hindi na bago sa amin ang makarinig ng ganyan tuwing tumutugtog ang banda at kumakanta si Cade. Cade is a very attractive person. Pero hindi ko alam kung bakit hindi naman ako na-attract sa kanya. Pero siguro, dahil sa alam ko na ang iba't ibang sides niya at matagal na rin kaming magkaibigan. Natapos ang kanta at may mahinang rolling si Kajik. "Thank you!" Ani Cade sabay nagbow at kumaway sa audience. "Once again, Agape!" Sabi ng isang teacher na MC sa program. Lahat kami ay pumalakpak. Natapos na ang program kaya naman nag-picture kami ni auntie. Cool na ngumiti si Cade papalapit sa amin matapos niyang makipag-usap sa mga ka-banda niya. "Psh. Fame whore." Ngumuso si Ciela nang biglang may humigit kay Cade habang papalapit sa amin. Isang batalyon ng mga babae na baliw na baliw sa kanya. Naiiling akong humarap kina Ella at Ally na siyang nakanguso ding tinitignan si Cade. "Oh my gosh! Nahawakan ko na siya!" "Girl ang bango niya! Sobra!" "E siyempre, sinong hindi mababaliw sa amoy niyang 'yan? That's Calvin Klein! Goodness!" Mataray na side comment ni Ella sa gilid ko. She hate Cade's fan girls. They're all irritating, sabi pa nga niya. "CADE!" Hindi na ako nagtaka kung bakit sumigaw si Ally para tawagin ang lolo niyo. Agad na lumingon sa amin si Cade na hinihila pa ng isang babae na taga kabilang section. May tatlong lipstick stains sa mga pisngi niya. Dalawa sa kanan at isa sa kaliwa. "Jusmiyo.." Sabi ko nang may kumiss na nanaman sa kanya. Sa baba niya. Naiiling na napayuko ako habang nakahawang ang dalawang daliri ko sa magkabilang sentido. Those girls are really unstoppable when it comes to him. "Cade! Baby.." Agad na naglakad na para bang model si Ella papunta doon. May isang babae pa nga na bumangga sa kanya. "Excuse me, miss?" Mataray niyang tinignan ang babae at agaran na hinila si Cade palayo sa mga baliw na babaeng 'yon. I wonder kung paano niya nagawa 'yon. Nawala ang isang batalyon ng mga babaeng 'yon. Pero alam kong naka-antabay parin sila. "Those girls are crazy over you, Cade! Argh!" Umirap si Ella. Ayaw na ayaw niya talaga sa mga babaeng 'yon. Mas lalo na kapag nakita niyang naghahabol na si Shia sa kaibigan namin. "Woah. Easy there, Ella. Bakit ba ang init ng ulo mo pagdating sa mga fan girls ni Cade, huh?" Isang mapanuksong ngisi ang ipinakita ni Ally sa amin. Hindi sumagot si Ella, imbes ay inirapan niya lang Ally. Tumawa lang naman ito. "Mag-picture na nga lang tayo." Singit ko sabay turo sa Instax ni Ciela. May isang kakilala si Cade at nakiusap siya na ito ang kumuha ng litrato naming lima. Nagpasalamat naman kami sa kanya. Sunod kaming nag-picture sa mga phones nila. "Say cheese!" Masayang sabi ni Ciela at ngumiti sa phone ni Ally. Ilang tawanan at asaran ang nangyari. Nagpasya na kaming umuwi matapos 'yon. May kanya-kanya kasi silang gala. Tapos bukas na ang swimming namin. Kaya paniguradong maghahanda na rin sila para bukas. Masaya kaming kumain ng tanghalian ni auntie. Nagluto siya ng pancit na may gulay at bumili ng isang chocolate cake. Congratulations, Nami! 'Yon pa nga ang nakalagay sa ibabaw. Ilang beses akong nagpasalamat kay Auntie. Hindi na ako nagulat nang may tumawag sa analog phone ko. Si Kuya Anton. "Congratulations, Nami! Gold ka ulit!" Masayang bati niya. "Thank you, kuya! 'Musta ka na pala diyan?" Masaya akong kumakain ng cake habang nakaupo sa duyan. "Okay naman. Pagod lang sa trainings." Sabi niya. Narinig ko pa nga ang pagbuga niya ng hangin mula sa kabiling linya. "Sayang. Wala ka dito. Nagluto pa naman si auntie ng pancit." Pang-i-inggit ko sa kanya. Paborito niya kasi ang pancit na luto ni Auntie Lilian. Naaalala ko pa nga noon na nag-aagawan pa kami, maka-kuha lang ng marami. Nag-uunahan din kami sa pag-ubos ng pancit na may mga gulay. "Tss. 'Wag ka nga." Na-i-imagine ko tuloy ang naka-ngusong si Kuya Anton. Actually, isang taon lang naman ang tanda niya sa akin e. Sadyang trip ko lang talaga ang maging magalang at tawagin siya kuya imbes na sa pangalan lang niya. "Ah ewan ko sa'yo! Summer na oh! Miss ka na ni auntie." Narinig ko pa ang pagtawa ni auntie sa loob ng bahay dahil sa palabas na pinapanood sa tv. "Oo. Sige. Tignan ko kung makaka-uwi ako. Sige na Nam, baba ko na 'to. Tinatawag na ako ng mga kaibigan ko e." "Okay. Sige. Ingat ka diyan, kuya! Bye!" Pinutol ko na ang tawag at pumasok sa loob ng bahay. Agad naman akong na-excite. Swimming na namin bukas!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD