Kabanata 1
Doon Nagsimula
Nagising ako sa tilaok ng manok sa bakuran namin. Amoy na amoy ko rin ang mabangong niluluto ni auntie. Sa ibaba kasi ng kwarto ko ang kusina namin. Pagkababa ko ay nakita kong nakahain na ang mga pagkain sa lamesa.
"Nami, dalian mong kumain." Ani Auntie Lilian pagka-upo ko sa hapag. Napakunot noo akong lumingon sa kanya.
"Po?"
Pumihit siya paharap sa akin bago tuluyang lumabas dito sa dining room.
"Dumaan ang kaklase mo dito kanina at sinabing may assembly daw kayo mamaya." Aniya kaya agad akong nataranta. Assembly? Anong assembly 'yon? Mabilis kong kinain ang agahan ko at agad na naligo.
Sinuot ko agad ang palda at ang white short-sleeved blouse ko. Required kaming magsuot nang uniform dahil ito ang gusto nang president ng university namin.
Takbo-lakad ang ginawa ko pagkapasok ko pa lang sa gate ng Lealtad National High School. Lealtad means loyalty. Agad kong nakita ang pagpila ng ibang mga estudyante sa malaking school ground.
Aminado naman akong kalakihikan din naman ang Lealtad. Malalawak ang mga lupain dito at may naggagandahang mga bundok at burol. Mayaman sa puno at napaka sariwa ng hangin.
Kaya naman ang tulad nina Cuervo, Liseo at Serio ay talagang mayayaman. Sila ang mga tagapagmana ng mga lupain at mga rancho dito. Meron din silang malalawak na palayan, maisan at iba pa.
*
Mariin na lamang akong napapikit nang makita kong sarado na ang bookstore na pinupuntahan ko sa bayan. Nanlumo ako. Bigo akong naglakad papunta sa sakayan ng tricycle.
"Manong, sa mga Belleza po." Sabi ko at inihanda ang bayad para mamaya.
"Ay, ikaw ba 'yong pamangkin ni Lilianna?" Tanong ni manong driver sa akin.
"Opo. Ako nga po." Magalang kong sinagot ang tanong niya. Hindi na ako nagtaka kung kilala ang mga Belleza dito sa lalawigan ng Lealtad. Kahit pa na dalawa lang kami ni auntie ang naninirahan ngayon dito.
Masasabi kong sikat si Kuya Anton dito dahil sa galing niya sa basketball at sa angkin niyang kagwapuhan, kakisigan, katalinuhan at kabaitan. Nandoon na kasi siya sa Maynila para sa pag-aaral niya at sa paglalaro para sa basketball team na kumuha sa kanya.
Marahan kong ibinigay ang bayad kay manong at binuksan na ang gate. Alas-singko na ng hapon. Saktong naabutan ko si Auntie Lilian na busy sa pagwawalis sa bakuran namin.
Agad ko siyang tinulungan sabay sabing ako na ang bahala dito at magpahinga na lamang sa loob. Malakas pa sa Auntie Lilian. Ang totoo nga niyan ay maaga niyang ipinag-buntis si Kuya Anton.
"Kararating mo lang, Nami. Kaya ikaw ang magpahinga! Jusmiyo kang bata ka, malakas pa kaya ako! Kaya ko na ito, okay?" Malaking ngiti ang ipinakita niya sa akin kaya naiiling akong tinawanan siya. Maganda si auntie.
Katangkaran siya at makurba. Makinis din siya at maputi. Wavy ang buhok niyang hanggang balikat. Maganda siya ngunit may iilang wrinkles na din ang lumilitaw sa maganda niyang mukha. Kung tutuusin ay mukhang mataray at puno ng awtoridad ang mukha niya. Pero sobrang bait niya! Palabiro din siya minsan.
Habang paakyat ako sa ikalawang palapag nitong ancestral house namin ay nakita ko pa ang iilang mga litrato na nasa picture frame na nakalagay dito sa isang mahabang kahoy na patungan. Nakita ko ang sarili ko, si Kuya Anton at ang iilang mga kalaro namin noong mga maliliit pa kami. Nasa bukid kami at may mga putik pa sa mukha.
Hmm, what a nostalgic feeling.
May ngiti sa aking labi nang tuluyan akong pumasok sa aking kwarto. Simple lamang ito. Kung ikukumpara ang kwarto ko sa kwarto ng ibang mga babae dito sa Lealtad ay tiyak na walang-wala ito. Makintab na kahoy ang dingding ko habang matibay na wood planks ang sahig.
Hindi full na kahoy ang bahay, at dahil nga sa ancestral house ito na Spanish inspired ay may mga bahagi na konkreto. Ipina-renovate kasi nila ito noong mga bata pa lamang kami. At iyon nga, tanging kama, lamp, bookshelves, at gitara lang ang makikita mo sa loob. Syempre bukod na do'n ang mga pinaglalagyan ko ng mga damit.
Kahit ano na related sa libro ay papatulan ko. Kaya naman nagpasya si auntie na lagyan ng bookshelves ang kwarto ko. Ang iilan ko pang mga libro ay nasa library ay may sariling bookshelf.
Aaminin kong medyo spoiled ako pagdating sa mga ganito kay Auntie Lilian dahil mahilig din siyang magbasa at mangolekta nang mga libro kagaya ko. Puro ito pocketbooks. Ang iilan doon ay mga w*****d books na mula sa iba't ibang mga publishing company. Ang iba naman ay Harpers na galing pang ibang bansa.
"Magkano kaya ito kung ibebenta ko 'to lahat?" Hindi ko maiwasang taasan nang balahibo sa nasabi. Kalkula ko na aabot ito nang bente mil o higit pa. Naiiling kong inayos ang mga libro ko.
Hindi.
Hinding-hindi ko ibebenta ang mga ito kahit kanino o kahit kailan. Pangarap ko kasing magkaroon nang sariling library at puro koleksyon ko ang laman. At balak ko din itong ipamana sa magiging anak ko na babae.
Sinuot ko ang v-neck shirt ko na puti at itim na mahabang palda na lagpas tuhod, tsaka nag-tsinelas. Alam kong ang manang tignan, pero ito kasi ang nakasanayan kong suotin mula pa noon. Bukod pa dito ay mahabang puti na dress ang sinusuot ko. Parang maxi dress pero hindi revealing ang top portion. Square ang neckline sa harap at closed sa likod. Ayoko rin naman nang iba pang kulay dahil naiirita rin ako minsan. Hindi kasi siya malinis tignan sa paningin ko.
Bumaba ako para tignan kung anong ginagawa ni auntie. As usual, nagbabasa siya ng dyaryo sa may bakuran namin habang umiinom ng kape. Ganito naman ang nangyayari araw-araw. Wala namang bago.
Nagluto ako ng Chopsuey at nasarapan si auntie. Ngumiti siya sa akin habang ngumunguya.
"Ang sarap mo magluto ah. Pwede na mag-asawa!" Biro niya at kinindatan ako. Ramdam ko naman ang agad na pamumula ng mukha ko. Umiling na lang ako sa sinabi ni auntie.
"Nako, auntie. Ilang taon pa lang po ako. Bata pa po ako." Sabi ko sabay inom ng tubig. Ngumuso na lamang si auntie sa sinabi ko. Totoo naman kasi e.
"Ah basta! Tama ka, huwag kang mag-aasawa ng maaga. Nako! Hindi ko gustong magaya ka sa akin na huminto pa ng ilang taon para lang sa pagbununtis ko at sa pag-aalagabsa kuya mo! Kaya dapat lang na pag-aaral ang atupagin mo." Ngumiti siya.
Oh, her sweet smile makes my heart melt so much. I really love Auntie Lilian. Siya ang tumayong nanay at tatay ko. Siya ang sumagot sa pag-aaral ko at siya rin ang nagpapakain sa akin. Kaya naman ay napakalaki ng utang na loob ko sa kanya. I owe her my life.
Nagkatuwaan pa kami sa hapag kainan at nag-usap pa tungkol sa kabataan niya noon. Ako ang naghugas ng mga plato. Nagwalis din ako sa labas at loob ng bahay. Nagbasahan din ako. Nagsampay ng iilang mga nilabhang damit. Pinakain ko rin ang iilang mga manok na alaga ni Kuya Anton.
Pagod akong humilata sa kahoy na platform dito sa labas. Ito 'yong mostly na nakikita ng mga tao sa Koreanovelas. 'Yong malawak na wood planks na kung minsan ay hinihigaan din ng mga bida sa palabas. Sinulyapan ko ang madilim na langit. Puno ng mga bitwin ang langit.
Sobrang ganda.
Sa totoo nga lang ay pangarap kong makapunta sa lugar kung saan kita mo ang isang galamay ng Milky Way. Kaso kasi ay sa ibang bansa 'yon. Mahal ang pamasahe at mukhang imposible.
Well, kuntento naman ako sa estado ng buhay namin ni auntie. Tutal nakakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw at kung minsan pa nga ay sobra pa. Hindi rin naman ako binu-bully sa school. May iilan din naman akong mga kaibigan. Hindi naman ako aloof. Nakakasabay naman ako sa mga trip nila. Hindi ko rin naman inaasam na magkaroon ng mga mamahaling bagay tulad ng touchscreen na cellphone.
Okay na sa akin ang analog. Mas sanay nga akong gamitin 'yon e. Hindi rin naman ako mahilig sa mga picture-picture na ginagawa nila, at isa pa, wala naman kaming camera. Tsaka, mahal 'yon.
Napabuga na lang ako ng hangin. Ilang beses ko pang ginawa 'yon. Mariin na lamang akong napapikit. Ilang minuto pa ang lumipas nang mapag-desisyunan kong pumasok na at matulog.
*
Tulala akong lumabas ng room. Katatapos lang ng isang minor subject namin. Malapit na ang bakasyon. Isang linggo na lang ang kailangan naming hintayin.
"Oh? Ano nang plano natin?" Ngumuso si Ally sa gilid ko. Nandito kami sa third floor at nakatanaw sa mga estudyante na naglalaro ng volleyball sa open court. Nagsigawan ang iilan sa mga naglalaro dahil sa na-block ng ka-teammate niya ang palo ng kalaban.
"Ano? Picnic?" Suhestyon ni Cade habang tumutugtog siya ng gitara niya. Nakasabit ang strap sa kanya at kumakanta siya.
"Saan naman tayo magpi-picnic?" Tanong ko habang nakakunot ang noo.
"Sa Lakefront!" Aniya kaya napangiwi ako.
"Baliw ka ba? Under renovation ang lugar na 'yon e!" Sabi ni Ella at umirap. Tinalikuran ko sila at humarap sa naglalaro sa ibaba. Rinig ko ang usapan at mga argumento nila.
"Pasyal na lang tayo sa zoo!"
"Ano ka, bata?"
"Argh! Mag trampoline tayo sa Arias! Isang oras lang naman ang biyahe papunta do'n!"
"Huh? Mahal do'n!"
"Mag-swimming na nga lang tayo! Summer na naman e!"
Napalingon ako sa sinabi ni Ciela. "Saan?" Singit ko. Nae-excite tuloy ako!
"Sa El Prístino!"
Nawala ang excitement ko sa sinabi ni Ciela.
"Para namang afford namin ni Nami ang entrance fee diyan sa resort na 'yan! 1,500 pesos per head diyan e!" Angal ni Ally kaya agad akong sumang-ayon.
"Oo nga naman. Kayo lang itong may pera para pang-gastos. Sa ibang araw na lang ako sasama kung magsi-swimming kayo sa Prístino." Sinabi ko ang desisyon na nabuo ko sa aking isipan. Alam ko sa sarili ko na afford ko ang perang 'yon. 'Yon ay kung manghihingi ako kay Auntie Lilian. Pero ayokong gawin 'yon. Malaki ang one-five at pwede ko na itong ipambili ng pagkain at ng baon ko sa isang buwan.
"WHAT?! NOOO!" Sigaw ni Ella kaya naman ay napatingin ang iilan sa mga estudyante na dumadaan dito sa corridor. Agad niya akong nilapitan at inakbayan. Maging si Ally ay inakbayan niya rin.
"Hindi ako papayag na kulang tayo! Sagot ko na ang entrance fee ninyo. Magpapa-book na rin ako mamaya ng reservation para may room tayo doon. Okay?" Matamis na ngumiti si Ella.
"Isang Belleza, tapos walang pera." Pang-aasar ni Cade sa akin kaya inirapan ko siya.
"Woah! Iniirapan ako ng santa!" Aniya.
"Alam mo naman ang estado ng buhay namin Cade, 'di ba?"
Marahan siyang tumango at kinurot ang kaliwang pisngi ko. "Opo. Alam ko po ang estado ng buhay ninyo." Aniya't ngumiti ng matamis sa amin ni Ally. Tumango na lang ako.
Ally or Alleondore Jose Sandoval. Nagtatrabaho siya sa isang poultry farm na siyang pagmamay-ari ng pamilya ni Ciela. Dahil nga sa isa sa mga mayayaman na mamamayan ng Lealtad ang mga Hidalgo na siyang angkan na pinanggalingan ni Ciela ay marami din silang lupang nasasakupan at mga business na pinapatakbo. Isa na doon ang poultry farm. May prutasan din sila na tatlong ektarya ang lawak.
"Ella, sigurado ka ba dito? Ang mahal ng entrance fee doon e!" Utas ko nang pumasok kami sa room at pumwesto sa tapat ng bentilador. Tinaasan niya lang ako ng kilay niya pero walang epekto sa akin 'yon.
"Of course, I am! That day is memorable, Nami." Aniya at kinindatan ako. Ngumuso lang ako.
"So it's settled then. Sa Prístino tayo after recognition." Umupo sa gilid namin si Cade, dala parin ang gitara niya. Ngumiti ako. Gwapo si Cade.
Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa isang Cadenn Aroz Quintana?
Isa siyang bokalista sa banda nila. Isa rin siyang basketball player. Katalinuhan, mabait na masungit, medyo kaputian at matangkad siya. Isama mo na ang pagiging matipuno rin niya. Ang pinaka ayaw ko lang sa kanya ay 'yong grabe siya kung mang-asar. 'Yong tipong papatamaan ka talaga niya, tulad nang kanina.
Pero hindi e, hindi siya magiging si Cade Quintana kung hindi gano'n ang ugali niya. Iyon ang bumubuo sa pagkatao niya. Nakakatuwa lang dahil hindi naman namin inaasahan ang pangyayari kung paano kami nabuo at naging magkakaibigan.
Nagsimula kasi ang lahat no'ng nasa sixth grade kaming lima. Tumugtog sina Cade no'ng graduation. Fan girl naman itong si Ciela at baliw na baliw sa mga ka-banda ni Cade. Habang si Ally naman ay busy sa pagtulong sa mga taong nagliligpit sa venue. At kaming dalawa ni Ella ay kumakain ng paborito naming Spaghetti.
Katatapos lang tumugtog nina Cade at agad siyang dinumog ng iilang mga ka-batch mate at kasama na doon si Ciela. At dahil nga sa isa sa mga tumutulong sa pagliligpit si Ally ay aksidente na natumba ni Ciela ang drum set. Agad na umiyak si Ciela noon dahil sa takot at kahihiyan. Pero eto namang dalawa naming kaibigan na lalaki ay agad na pinuntahan at inalalayan si Ciela papunta ng canteen kung saan kumakain kami ni Ella. Umupo sila sa kabilang table at pinainom nila ng tubig si Ciela na umiiyak. Siyempre, may pagka-usisera si Ella kaya hinatak niya ako papalapit do'n sa tatlo.
"Anong nangyari sa kanya?" Tanong niya nang makatapat niya ang nakaluhod na si Cade. Tinatahan niya kasi si Ciela na umiiyak parin.
"Natumba niya ang drum set." Malamig na sabi ni Cade. Busy naman sa pagpa-paypay si Ally kay Ciela dahil ang buong akala niya ay mahihimatay na ito. Masyado lang kasi na nadala ito ng emosyon at halos matumba na.
"S-sorry! H-hindi ko s-sinasadya. Gusto k-ko lang naman m-makalapit sa inyo e." Humikbi si Ciela at namumula parin.
"It's not your fault. It was an accident, okay?" Paninigurado ni Cade kay Ciela. No'ng una pa nga ay inakala kong may gusto si Cade kay Ciela. Pero wala naman pala. Sadyang sweet lang minsan ang lalaking 'yon.
"Gusto mo ba ng Spaghetti?" Bigla kong sabi kaya naman tumingin ang apat sa akin.
"Meron b-ba?" Namumula parin ang mga mata ni Ciela na tumingin sa akin. Marahan akong tumango. Tinanong ko rin sina Cade at Ally kung gusto rin ba nila. Um-oo sila kaya naman ay nilibre ko sila ng pasta no'n. Buti na lang talaga at graduation 'yon at binigyan ako ng pera ni auntie.
Doon nagsimula ang lahat. Mula sa pagtugtog nina Cade, sa aksidenteng pagbangga ni Ciela sa drum set, sa pag-iyak at pagdalo nina Ally at Cade sa kanya, sa pag-usisa ni Ella at sa paglilibre ko sa kanila ng Spaghetti. Doon nagsimula ang friendship naming lima. We're not that good no'ng una. We have our own priorities lalo na't high school na kami that time.
May times pa nga na nag-aaway sina Cade at Ally. May times din naman na nag-aaway sina Ciela at Ella dahil sa isang laruan o bagay na gusto nila. May times din na nagsapakan at sampalan ang mga 'yan. At ako naman ay umiiwas sa mga away na 'yan pero talagang hindi ko maiiwasan 'yon. Nahigit na rin ng dalawang 'yan ang buhok ko. Ilang beses din kaming nagtalo ni Cade dahil sa mga instrumento. Kung minsan pa nga ay sa gitara. Dahil sa iilang strings na naputol. Kay Ally naman, dahil sa napatay ko ang alaga niyang Avocado noon. Naapakan ko kasi kaya nabali ang maliit na puno at hindi na tumubo pang muli. Naaalala ko pa nga na sinigawan niya ako ng napaka-lakas noon at umiyak ako.
Pero napagtantuan ko rin na kung hindi nangyari ang lahat nang iyon, ay walang kami na magkakaibigan ngayon. We're happy and contented with what we have. Iba-iba din ang estado ng mga buhay namin. Kung may mayaman, may mahirap din. Kaya naman buong pasasalamat ko sa kanila na natanggap nila kami ng buo at naging tapat sa isa't isa.
Mahal na mahal ko ang mga 'yan. Sila ang naging sandalan ko sa mga problemang nararanasan ko. Tinutulungan nila ako hangga't kaya nila. Sila ang naging pamilya ko. Kaya naman malaki ang pasasalamat ko sa graduation day namin noon dahil doon nagsimula ang lahat. Ang pagkakaibigan naming lima.