Simula

515 Words
Simula Napahikab ako nang matapos ang klase ni Ma'am Nieva. Sakto rin namang tumunog ang bell. Hudyat na tapos na ang panghuling subject sa araw na ito. Uwian na. "NATASHAAAA!" Napa-ekis akong bigla sa ginawa ni Ciela (Chi-ela). Tumatakbo siya papalapit sa akin. Nililipad din nang hangin ang maroon checkered skirt niya na lagpas tuhod ang haba. Suot din niya ang kulay puti niyang t-shirt. "Oh? Anong nangyari?" Bungad ko nang makalapit siya sa akin. Pero hindi niya ako sinagot, imbes ay hinawakan niya ang pulsuhan ko at hinila. Nagpahila naman ako. Hingal na hingal man siya ay nagawa parin niya akong hilain pababa sa first floor nitong building namin. Hindi na ako nagtaka nang huminto siya pagkababa at hinawakan ang dibdib. Hingal na hingal siya at pingapapawisan. "Ang dugyot mo Ciela!" Hindi niya pinansin ang sinabi ko at inayos na lamang ang pagkakatali ng buhok niya. "Ano bang meron at hinila mo ako dito?" Nilingon ko ang paligid. Nandito kami malapit sa covered court nitong university. "May tune-up kasi ngayon! Kailangan nating panuorin sina Rei!" Sigaw niya kaya napailing na lamang ako. Tinutukoy nanaman niya ang tagapag-mana ng mga Cuervo. Napairap nanaman ako. "Ano bang meron sa Cuervo-ng 'yon at baliw na baliw kayong lahat? Pati sina Fia ay baliw din kina Liseo at Serio." Tukoy ko sa mga iba pang mga tagapag-mana dito sa Lealtad. Malalaki ang mga lupain dito at sagana sa mga palay at iba pa. "Jusmiyo, Natasha! Bulag ka ba, ha?! Tila maala-diyos ang kanilang mga mukha! Hindi mo ba nakikita? Hindi ba tumitibok nang mabilis ang puso mo tuwing nakikita mo sila? Tila ba—" Agad kong tinakpan ang bunganga niya upang tumigil na siya. "Oo na. Oo na! Sige na, Ciela," Ngumuso ako. "Pumunta ka na doon at magwala." Walang gana kong sabi. Sumimangot siya. Pinanood ko lang siyang pumasok sa covered court hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Kinabukasan ay normal parin ang naging araw ko. Walang pagwawala ni Ciela ang gumulo sa akin. "Belleza!" Agad akong bumalik sa sarili ko. Ngayon ko lang napansin na kanina pa ako tulala dito sa bintana at nakatulala lamang sa mga bulaklak na nasa hardin sa ibaba. Nasa akin din ang atensyon ng buong klase. "Get out of my class if you'll just stare out of the window!" Sigaw ni Sir Elias. Nag-sorry ako sa ginawa ko at itinuon ang buong atensyon sa klase ni sir. Buong hapon ay lutang ako sa 'di malamang dahilan. Umuwi ako nang bandang alas-siete ng hapon. Alangan namang umaga diba? Tss. "Bakit ngayon ka lang?" Bungad ni Auntie Lilian sa akin pagkapasok ko sa bahay. Ancestral house namin ito. Kaso lang ay kaming dalawa lang ni auntie ang nakatira dito. Minsan naman ay umuuwi dito ang anak niyang si Kuya Anton kapag may leave sa trabaho. Sa Maynila kasi siya nag-aaral at meron din siyang part-time job doon. "Tinapos lang po namin 'yong group project kanina, auntie." Sabi ko at katamtamang ngumiti. Inayos ko ang hinubad na sapatos at inilagay ito sa shoe rack na katabi lang ng pintuan namin. Nagmano ako pagkapasok ko. "Oh sige, magpahinga ka na muna at magluluto ako nang hapunan natin." Aniya at iniwanan na ako dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD