CHAPTER 5: PAKASALAN

2146 Words
“Susmio! Ano’ng kapusungan ang ginagawa mo sa dalagang iyan, Lazarus?” Dali-dali kaming napaayos ng tayo ni Sir sa pagbulalas ng isang matandang babae. Bale tatlo ang bumungad sa amin nang puwersahang bumukas ang pinto ng kuwarto. Isang matandang babae, isang matandang lalaki at isang matangkad na lalaki na katulad ni Sir ay nakasuot din ang fatigue na military uniform. “Inang, Tatang, narito kayo?” Napaturan ang pulis sa likuran ko. Halatang nasorpresa siya sa presensiya ng dalawang matanda. “Naririto nga kami ng Tatang mo at bago pa bumukas itong pinto ay narinig na namin ang… ang mahalay na usapan ninyo ng dalagang ‘yan. Tapos gan’yang posisyon pa ninyo ang madadatnan naming!” Napangiwi ako dahil sa uri ng titig ng mga tao sa may pintuan ay waring ang bigat ng akusasiyon nila sa akin. Sa amin ni Sir Pulis. “‘Nang, nagkakamali ho kayo. Wala po akong—” Tangka sanang magpapaliwanag si Sir Pulis sa matandang babae ngunit agaran iyong naudlot dahil sa sinabi ng matandang lalaki. “Kayong dalawa, Lazarus, hija,” tukoy sa aming dalawa ng Tatang ni Sir Pulis. Nakaturo sa amin ang hawak nitong parang vintage smoking pipe habang ang mga mata ay puno ng kapormalan na may kasamang superiority. “Kailangan nating apat na mag-usap ng masinsinan. Lumabas kayo riyan. Pag-usapan natin ang pag-iisang dibdib ninyong dalawa.” “Ho?!” “Yawaa!” Magkasabay na reaksiyon namin ni Sir Pulis na tinawag sa pangalang Lazarus ng dalawang matanda. “Maghihintay kami rito sa sala de estar. Apurarse!” (Translation: Hurry!) Pareho kaming hindi nakaimik ni Sir Lazarus like we were both struck by a destructive thunder. “Grandparents mo sila?” untag ko kay Sir. I’m slightly nakatingala sa kanya kasi nga’y matangkad s’ya. I guess his height is more than six feet tall. Nauna akong magsalita sa kanya habang siya ay tila natutulig pa rin sa mga hindi inaasahang pangyayari. Dahan-dahan na lumingon sa akin si Sir at hindi ko man lang nagawang iatras ang sarili ko pmaging ang mukha kahit na magkadikit na ang mga tagiliran namin. We’re standing side by side and our arms are brushing off each other. “Oo.” Tipid at walang gana niyang tugon. “Naletse na ‘to,” he added those words. He looks worried. “Naletse? Bakit ho?” I ask him along with a respectful manner. Kahit masungit siya ay kailangan ko pa ring igalang ang profession n’ya. Ang uniform n’ya. He glowers at me with a sullen annoyance across his handsome face. “May diperensiya ba iyang tainga mo? Hindi mo ba narinig na pag-uusapan daw natin iyong kasal nating dalawa? And knowing Inang and Tatang, oras na may igiit silang bagay ay walang sino mang makakakontra ro’n.” Nagkibit ako ng balikat. “Okay.” “May saltik ka bang babae ka? Ano’ng okay? Wala ka bang gagawing bayolinteng reaksiyon kung totohanin nila Inang at Tatang na puwersahan tayong ipakasal?” “No po. Wala akong gagawing gano’n. Tinatamad ako e. Masaya pa nga ‘yon. I’ll have an instant husband. Imagine, stranger ikaw pero ikaw pala ang tutupad sa pangarap ko na maging wife. Merry me.” Malapad ang naging ngiti ko. Nagpupunyagi ang kalooban ko. As easy as this, mukhang matutupad kaagad ang misyon kong magkaroon ng asawa at soon ay magkakaanak din kami ni Sir Lazarus. Hindi na ako mag-iinarte pa kung ito man ang response ng langit sa prayer ko. At isa pa, winner na winner ako kay Sir Lazarus. Why, he seems to be a God of striking good look. Natitiyak ko na magagandang children ang mapo-produce naming dalawa. “Lazarus pala ang name mo, Sir. Ang pogi ng name mo. It’s nice to officially meet you po, my future husband. Si Mary naman ako. Mary Sy.” I couldn’t stop myself from giggling. Masaya talaga ako. Naglahad pa ako ng kamay for a handshake and Sir Lazarus just stared at me na para bang fart ako na nabuo at nag-transform to be a beautiful fairy. Kung ako ay mayroong malapad na ngiti, si Sir Lazarus naman ay hindi maipinta ang hitsura. Iyong gatla sa kanyang noo ay lumalim. Sy ang dala-dalang surname ni Chica and we both agreed na iyon din na lang ang kunwaring gagamitin ko kapag magpapakilala ako sa mga tao rito sa Santillan. Bale sa huwad kong pagkatao ay lalabas na pinsan sa ina ni Chica ang mother ko. Masamang tinitigan ni Sir ang inilahad kong kamay and then he returned his deadly glare at my face. Sa uri ng titig niya ay parang ibig na niya akong sibakin. “You’re unbelievable.” May galit na anas niya. I chuckle softly. “Thank you, Sir.” At kusa kong kinuha ang kamay niya at kinamayan siya. I almost mutter an oath when I suddenly feel a tingling current that shoots through me. Iyong pagkalapat ng mga palad naming dalawa ay nagdulot ng nakakakuryenteng epekto sa sistema ko. I guess he felt it too dahil parang nakukuryente siyang umatras at marahas na binawi ang kamay niya from my hold. Rude, Sir. “Ah, Sarge,” Naputol ang momentum namin ni Sir Lazarus nang may tumawag sa kanya. ‘Yong uniformed man na kasama ng grandparents n’ya. “Sarge, lumabas na raw kayo riyan. Mainit na ang ulo ng Lolo’t Lola mo, Sarge.” “Sige, Ramos.” Muling humarap sa akin si Sir Lazarus. His gaze is threatening. “Kung ano man ang kabaliwan na igigiit nina Inang at Tatang para sa ting dalawa mamaya, mariin kang tumanggi. Maliwanag?” Kunwari ay nag-isip ako but instead of responding to him, nalusutan ko siya at dagli akong lumabas ng kuwarto. Narinig ko ang yabag ng combat boots ni Sir Lazarus. He’s behind me ngunit hindi na niya ako naabutan dahil nauna na ako sa sala nitong paupahang bahay ni Chica. Bilang pagbibigay ng respeto sa elders ay nagmano ako sa kanila. “Magalang na bata. Hmm.” Narinig kong bulong ni grandma sa asawa n’ya. I thought na si Papa na iyong pinaka-strict na taong kakilala ko until I met Sir Lazarus’ grandpa. Sir Lazarus’ grandfather’s name is Felipe Aranda habang si grandma niya ay nagpakilalang si Esmeralda. Now I understand kung bakit ganoon na lamang kaguwapo si Sir Lazarus. It’s in their genes. Matangkad at mestizo ang kanyang Lolo. Mestiza rin ang kanyang Lola. Matangos ang ilong ng dalawa. Masasabi ko kaagad na mukhang dumaan sa pagiging heartthrob at campus crush ang mag-asawang matanda noong kabataan nila. “Maupo kayong dalawa riyan,” utos ng matandang lalaki sa amin ni Sir Lazarus. Nauna akong sumunod. “Tumabi ka sa nobya mo, Lazarus.” Mariing utos pa ni Lolo nang tangkang uupo si Lazarus sa bakanteng upuan malayo sa akin. Wala siyang nagawa kundi ang tumalima at sundin ang kanyang istriktong elders. Pag-upo ni Lazarus sa aking tabi ay doon din magkasabay na bumaba ang mag-asawang si Sir Alfred at Jazz. Nagtatanong ang mga mata ng dalawa. And then the other three tenants came and they all remained standing by the open door pati na iyong kasamang pulis kanina ng grandparents ni Sir Lazarus nang buksan nila ang kuwarto ko. “‘Tang, ‘Nang, itong babae ho ay hindi ko ho nobya.” Kaagad na nagpaliwanag si Lazarus. “Hindi mo nobya ngunit nasa loob kayo ng iisang silid tapos gano’n pa ang posisyon n’yong dalawa? Kung hindi pa namin nabuksan kaagad iyong pinto ay tiyak na mabibiktima mo na naman ang dalagang ito. Umayos ka, Lazarus.” Muling dinuro ng matandang lalaki si Sir Lazarus gamit ang kanyang vintage smoking pipe na wala namang smoke. “Tama nga siguro ang nakakarating sa aming balita tungkol saiyo na kung sinu-sino na lamang na mga babae ang kinakalantari mo. Napariwara ka na nga siguro.” Sermon ng kanyang Lola. “Ay totoo ‘yan, ‘Nang. Babaero ho talaga ‘yang si Sarge Aranda. Idol namin ‘yan pagdating sa chickababes. Pinakamatinik sa lahat ‘yan. ‘Di ba, Sarge?” singit ng Pulis na kasama kanina ng grandparents ni Sir Lazarus. “Yawa! Manahimik ka, Ramos. Ipapahamak mo pa lalo si Sarge.” Dagling suway dito ng isa sa apat na bagong dating. Nagmukha silang mga bodyguard sa paligid namin na animo’y napaka-confidential nitong transaksiyon na aming pinag-uusapan na kailangan nila kaming bantayan para walang makalabas ni isang impormasyon. “Ilang taon ka na pala, hija?” The old woman asks me. “Twenty-five ho, Ma’am.” I smile. Hindi nila ako makikitaan ng kaba although aware ako na tensionado ang tagpong kinaroroonan ko. “At iyong mga magulang mo?” “Si Mama po ay nasa ibang bansa ngayon, nagbabakasyon. Siya na lang ho ang family ko aside from Chica.” I answer confidently. Napatitig sa isa’t isa ang mag-asawa. “Nasa wastong edad na siya, Felipe,” anito sa esposo. “Bueno, hija. Tutulungan ka naming kumuha ng mga kakailanganin mong papeles para sa kasal ninyo ng aming apong si Lazarus.” “Tang!” angal ni Sir Lazarus. Hindi na talaga maipinta ang kanyang hitsura. “Tang, padalus-dalos naman kayo riyan. Handa naman kaming magpaliwanag. Kung pagdesisyunan ninyo ang kasal ko’y para bang napakasimpleng bagay lang nitong sinasabi ninyo.” “Callarse! Husto na itong kalokohan na ginagawa mo sa buhay mo, Lazarus. Kaya sumadya kami rito ng Inang mo ay para makausap ka nang sa gano’n ay matigil na iyang pagiging palikero mo at kung sinu-sino na lamang ang babaeng pinapaiyak at niloloko mo. Kami ng Inang mo'y naeeskandalo na sa ating baryo dahil nakakarating na sa mga kapitbahay natin iyong kalokohan mo.” (Translation: Keep quiet) “Pero, ‘Tang—” “Kailangan mo nang itigil ang paglalaro mo sa mga babae, Lazarus. Hindi ka namin pinalaki at pinaaral para paglaruan ang mga babae at samantalahin ang pagkakagusto nila saiyo ngunit sa huli ay hindi ka naman pala magseseryoso. Bago pa man may maihalintulad na babae sa nangyari sa’yong ina, nararapat nang matigil ka sa pagiging palikero mo. Pakasalan mo itong nobya mo sa lalong madaling panahon!” Natahimik ang lahat sa loob ng mahabang segundo hanggang sa nagitla ako nang hawakan ni Sir Lazarus ang kamay ko. He stands up and pulls me up along with him. “Pag-uusapan na ho namin ang tungkol sa aming kasal, ‘Tang, ‘Nang.” He excuses himself at tinangay niya ako. Dali-daling tumabi sa hagdanan si sir Alfred at Jazz nang higitin ako ni Sir Lazarus paakyat. “Wala munang aakyat ni isa sa inyo.” Mahigpit na bilin niya sa mga kabaro niya bago pa kami tuluyang napunta sa ikalawang palapag. Hila-hila niya pa rin ako sa pasilyo. Naglabas siya ng susi at binuksan ang pinakahuling pinto sa kanang side ng hallway. “T—tenant ka rin dito?” I can’t believe it. Ibig sabihin ay siya iyong Sarge na palaging nababanggit ni Sir Alfred at Chica. Siya iyong crush ni Chica! Ini-lock niya ang pinto at hindi niya ako pinansin. Padabog ang kilos niya habang pinapalaya niya ang kanyang katawan mula sa makapal na uniporme at combat boots. “Uhm, maghuhubad ka ba talaga sa harapan ko, Sir?” He still neglects me. Ang ginawa ko na lang imbes na tumunganga sa kanya ay pinulot ko na lang ang uniporme na pinaghubaran n’ya kasama na ang boots n'ya na itinabi ko malapit sa pintuan. Wife material ang drama ko kumbaga. Pakitang gilas kahit papaano. “Galit ka ba?” untag kong muli kahit na parang hangin iyong kasama ko rito sa kuwarto. Hindi niya talaga ako pinapansin. “Tama naman iyong Lolo't Lola mo, Sir. Hindi rin maganda sa reputasyon mo bilang isang pulis na paiba-iba ka ng babae. Magugulo ang buhay mo at madadamay ang trabaho mo. Halimbawa na lang iyong sinabi mong ex mo na nag-send no'ng video mo na nagma-masturbáte ka. Kapag hindi ka pa tumigil sa pagiging playboy mo, baka maging dahilan ang scandal mo sa pagka-dismiss mo sa trabaho. Ikaw din.” Hindi pa rin niya ako kinikibo. Ang lalim ng kanyang iniisip. Sinamantala ko na ang pagbida-bida ko at nakialam na ako sa cabinet n’ya para kumuha ng hanger para isabit itong mga nahubad niyang uniform. Only to froze upon seeing a photo attached at the back of his cabinet door. Dalawang tao ang nasa picture—si Sir Lazarus na suot ang uniform n’ya kasama ang isang buntis na babae na parang anghel sa puti at ganda. “S—sino itong—” “Putangina! Huwag mong pakialaman ‘yan!” Napaigtad ako sa pagsinghal niya sa akin at para siyang kidlat sa bilis na nakalapit sa kinaroroonan ko. I didn’t expect him to harshly push the cabinet door to close it. Nagtangka akong umiwas pero huli na. Naipit ang kamay ko sa ginawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD