CHAPTER 4: NAPATUWAD

1951 Words
“Sir, ‘wag po!” Iyon kaagad ang nasabi ko habang naka-cover nang pakrus ang dalawang arm ko sa harapan ng katawan ko like I was about to get assaulted by this ravishingly gorgeous cop in front of me. Ngunit napatikom bigla ang bibig ko nang magsalubong ang kanyang may kakapalang mga kilay at iyong titig na ipinukol niya sa akin ngayon ay para bang nasusuya. “Ano? Bakit mo tinatakpan ‘yang sarili mo? Puwede ba, Miss, hindi kita type at wala akong interes d’yan sa katawan mong tinatakpan mo.” Tahasan niyang saad sa pagmumukha ko. Napa-aray ako ng todo sa loob-loob ko. Sa sinabi niya ay talagang na-offend ako. Feeling ko sa mga sandaling ito ay ako iyong ugliest woman sa buong mundo. Napatulis ang labi ko at para bang naiiyak ako na tila isang paslit na na-bully ng kalaro. I feel really insulted. Kung naririto lang si Manang Elodia ay baka nagkumahog na akong tumakbo sa kanya para magsumbong at umiyak pero dahil nga’y malayo na ako sa nag-iisang kakampi ko kaya kailangan ko nang matutunan kung paano maging matatag na walang inaasahang masasandalan at kakampi maliban sa sarili ko. “Nasa’n ang cellphone mo?” Seryosong tanong ni Sir na animo'y nag-i-interrogate ng kriminal. Dahan-dahan ko nang tinanggal ang mga arm ko sa katawan kong hindi niya type at taas noo siyang tinignan. Tumayo ako ng maayos. Ngunit nang maalis ko ang braso ko sa ay nakita ko ang pagbaba ng titig niya sa dibdib ko. I have a moderate breasts size which is C-cup at dahil push-up bra itong suot ko ngayon kaya my boobs look bigger. Halatado ito dahil medyo fitted ang top na suot ko. My waist is measured twenty-five inches at may abdominal muscles ako although hindi gaanong toned. I have no permanent work kaya bukod sa farm ay isa ang pagwo-workout sa minsang pinagkakaabalahan ko. We have a gym at home dahil kasama rin sa lifestyle ni Papa at ni Dominica ang mag-workout kapag may time silang dalawa. Dominica Hidalgo is my stepmother. “Bakit gan’yan mo titigan ang katawan ko, Sir? Partida, wala ka pang interes sa katawan ko sa lagay na ‘yan pero parang ayaw mo nang kumurap d’yan.” I courageously taunt the hot military man. His eyes lifted back to my face and his gaze turns darker. Malinawang ang ilaw dito sa kuwartong inuukopahan ko kaya malinaw ko nang napagmasdan ang mukha nitong pulis na sumaklolo sa akin sa kalagitnaan ng madilim na daan noong gabing patungo ako rito sa bayan ng Santillan. I know he’s handsome pero ngayon sa malapitan ay humigit ang kaguwapuhan n’ya. Ang lakas ng dating niya lalo pa’t ganoon ang uniporme na suot n’ya. His uniform makes him look more domineering, hotter. Kahit may kakapalan ang tela ng kanyang uniporme at halos walang balat sa kanya na na-expose ay mapapansin pa rin ang tikas na taglay n’ya. He’s tall with a pair of unfathomable, golden brown eyes, another thing about him that I have to admit I adore about him. I have never met a man who fascinated me like what I’m feeling towards this military man. “Kung ano man ang pagkakaintindi mo sa titig ko, guni-guni mo lang ‘yan, Miss.” Prangka pa ring wika n’ya. “Uulitin ko, nasaan ang cellphone mo?” “Bakit? Ano’ng kasalanan sa’yo ng cellphone ko at parang gusto mong arestuhin?” His prominent jaw clenched. “Wala akong panahon na makipagbiruan sa’yo. Dinelete mo ang video? Ilabas mo na nga ‘yong phone mo. Akina.” Para niya akong tauhan na minamanduhan. I was being mandated and manipulated by my father all my life, pati ba naman ngayong nakawala na ako sa poder ng Papa ko ay darating naman itong pulis na ito para i-terrorize ako. Hindi ako papayag! “Ayaw ko nga. Pribadong pag-aari ko ang bagay na kinukuha mo. Larceny iyang gusto mong gawin at dapat alam mo ‘yan dahil isa ka sa nagpapatupad ng batas dito sa Philippines.” Paninindigan ko. “At itong pag-trespass mo rito sa kuwarto ko, this is another criminal charge, qualified trespass ‘to. Puwede ring attempted assault dahil basta-basta ka na lang na pumasok dito.” Kung kanina ay nakakamatay ang titig niya, now he’s giving me a kind of look like he’s kind of impressed. At para bang hindi niya inaasahan na makarinig ng mga gano’ng bagay mula sa akin. “Yawaas giatay! Ang galing mo ha. Ano natapos mong kurso?” “Wala ah!” Paasik akong napatugon dahil nataranta ang isip ko sa naging tanong n’ya. Personal kasi at idagdag pang narito ako gamit ang doktorado na mga impormasyon sa pagkatao ko. Hindi ko maaaring ipagsabi ang totoong katauhan ko, kasama na roon ang educational background ko. “Ano? Anong ibig mong sabihing wala?” “Wala akong natapos, Sir.” Halata sa mukha niya na hindi siya naniwala. “Wala na kung wala pero na-delete mo na ba?” At this moment ay medyo kumalma na ang kanyang ekspresiyon at ang tono ng kanyang boses ay pormal na. I chewed on my inner lip before I slowly shook my head as an answer. Doon bumalik ang dilim sa kanyang mukha at sumama na naman ang tingin niya sa akin. “Please, Miss, i-delete mo na ‘yong video na na-send sa’yo bago mo pa maisipan na ipagkalat iyon.” Sinipat ko siya ng mabuti. “Bakit ka ba kasi nagse-send ng ganoong kalaswang video, Sir? Gano’n ka ba sa lahat ng nakaka-chat mo sa social media? Lahat pinapasahan mo ng video ng bulldog mo?” “Bulldog ba?” Naging sambakol ang mukha n’ya. “Ano’ng bulldog?” “Ha? Uh, ‘yong pe—p***s mo ba.” Napaka-awkward ng topic namin at hindi ko alam kung saan nanggaling itong courage ko para dalhin ang ganitong usapan. “Nabuksan no’ng ex ko iyong account ko. Nawala sa katinuan ‘yong babaeng iyon at isa iyong account mo sa pinasahan ng video na iyon. Luma naman na ‘yong video na 'yon at ewan ko sa babaeng ‘yon kung bakit nasa kanya pa rin hanggang ngayon,” he explains well. “Kaya sige na, Miss. Ilabas mo na,” he requests pero iyong mata niya ay napunta na naman sa dibdib ko. Nagkaroon ng epekto sa katawan ko iyong paninitig niya sa dibdib ko. Iyong feeling ay parang kapareho sa naramdaman ko nang panoorin ko ang masturbatíon video n’ya. Maalinsangan at parang nababasa ang private part ko. “Ha? Ilabas ko? Uhm, sige po.” Tumalima ako. Hinawakan ko ang laylayan ng suot kong fitted top at itinaas ang damit ko para i-show ang breasts ko. “Yawa!” Nagulat ako sa pagbubulas niya. “Gago! Bakit naghuhubad ka?” asik niya. Taka ko siyang sinipat. “Sabi mo kasi ilabas ko.” “Oo, ilabas mo. ‘Yong cellphone mo! Hindi iyang dalawang bulkan mo.” He uttered an oath as if he was alarmed. “Tangina! Nakakapang-init ka.” Mababa lang ang pagkakaanas niya pero narinig ko ‘yon. Napanguso ako. “E bakit sa boobs ko ikaw nakatitig?” sita ko sa kanya. “Nakaka-distract kasi ‘yan. Huwag kang magsusuot ng ganiyang kasikip na damit dahil masyadong bakat iyang dalawang bulkan mo. Isipin mong mga lalaki ang lahat ng tenant sa bahay na ito. Mag-ingat-ingat ka. Balutin mo iyang katawan mo.” Nasermunan ako ng wala sa oras but I don’t get his point because it sounds pointless. His words rather annoyed me. Pinalampas ko iyong sinabi n'ya na puro lalaki ang tenant at kung paano niya nalaman 'yon. “What? Excuse me, maayos ang pananamit ko, Sir. To get dressed like this is normal, why put a moral burden on it? Kung mababastos ako, hindi iyon dahil sa suot ko. Mababastos ako ng taong palyado ang utak. Now, do you find me kabastus-bastos? Kung oo, utak mo ang may problema at hindi itong kasuotan ko.” Parang natauhan siya sa litanya ko. “S-sorry kung ganoon ang dating no’n saiyo pero bakit mo kasi biglang inilabas ang didbib mo?” Parang nagkaroon ng discomfort ang kanyang anyo. “Ang pagkakaunawa ko kasi ay ilabas ko ang boobs ko dahil nandito sa boobs ko iyong mga mata mo. Wala ka namang specific na sinabi kung ano iyong ilalabas.” I reason stupidly. “Kung napunta ba sa ibaba mo iyong mata ko nang sabihin ko iyon, posibleng ihantad mo sa akin iyang pagkababáe mo?” “Depende. Puwede.” “Yawaas giatay ka, Miss!” he uttered na para siyang na-stress sa akin. “Anong words ‘yan?” Curious kong usisa. Naibaba ko na ang fitted top ko this time. Hindi siya sumagot at naalala niya iyong pakay niya sa akin. “Paki-delete na iyong video sa cellphone mo, Miss. Sige na.” “O—oo na. Pero sandali, paano mo nalaman na dito mo ako mahahanap?” Kasi noong gabing nakisakay ako sa minamaneho niyang patrol car ay sa harapan ng Casa Mariposa niya ako ibinaba, hindi rito sa paupahang bahay ni Chica. Hindi niya pinansin iyong tanong ko. “Ilabas mo muna ang cellphone mo para makasiguro akong wala na iyong video na iyon sa device mo?” Paninigurado niya. I pursed my lip to shut my mouth from saying any disagreement. Naisip ko na may utang-na-loob pala ako sa kanya kaya hindi na ako nagmatigas pa at napagdesisyunan kong sundin ang pakiusap niya kahit na may parte sa loob ko na nanghihinayang na burahin ang video niyang iyon. Plano ko na ring i-delete iyong account na dati nang naka-log in sa social media applications na nandoon sa cellphone na bigay sa akin ni Chica. Humarap ako sa cabinet na dati pa ay naririto na sa kuwartong ito. May apat na maliliit na drawer sa pinakaibaba niyon at sa huling drawer ko itinago iyong cellphone. I squatted to pull out the drawer pero nahirapan ako. Luma na kasi itong cabinet at na-stuck yata ng ilang dekada. Nahugot ko naman ito kanina pero bakit ngayon ay ayaw na. “Ano’ng problema d’yan?” tanong si Sir. “Ayaw ma-pull, Sir.” “Nand’yan ang phone mo?” “Oo, nasa loob ko nito itinago kanina.” Naramdaman ko ang paglapit niya sa gilid ko. Nanghina ako bigla nang ma-inhale ko ang perfume ni Sir Policeman. Ang bango n’ya. I cursed deliciously inside my head. “Ang tigas, Sir,” wika ko pero palihim kong kinagat ang pang-ibabang lip ko. Tinulungan niya ako. “Hindi nagagamit ‘to.” Tumango ako. Obvious naman na hindi nagagamit. Mabuti nga at nalinisan ko na ito kahit papaano kaya nawala ang mga alikabok. “Kaya mo ba, Sir? Mahuhugot mo ba?” “Nanikip na ‘to rito.” “Do we need to put anything na pampadulas?” “'Wag na. Bibirahin ko na lang 'to,” aniya. “Ha? Naku, 'wag po, Sir. Baka mawasak.” Pag-aalala ko. Baka mapagalitan pa ako ni Chica kapag masira itong cabinet. Alam kong nakakasagabal ako sa paghugot niya sa drawer pero dala ng kagagahan ko ay hindi ko nakuhang itabi ang sarili ko. Hindi rin naman niya ako sinita o pinagsabihan na umalis ako sa harapan ng cabinet. Hanggang sa lumipat siya sa likuran ko habang hawak niya ang handle ng drawer at natamaan ako bigla ng gitla. Imbes na tumindig ako mula sa pagkaka-squat ay napatuwad ako. My bútt accidentally poked a hard thing behind me. At bago ko pa ma-realize ang bagay na natamaan ng bútt ko ay bigla na lamang lumagabog ang pintuan ng kuwarto ko at bumukas iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD