bc

The Governor Son (Ferco Ruthless)

book_age18+
91
FOLLOW
1K
READ
dark
HE
escape while being pregnant
mafia
disappearance
like
intro-logo
Blurb

Sa ilang taon na panunungkulan ni Laxon Ace Montemayor bilang Governor ay malaki na ang naitulong niya sa lalawigan ng Laguna lalo na ang mga tagong lugar at hindi nabibigyang pansin ng ibang nasasakupan.

Sa dami ng death threats, kaaway, kalaban niya sa loob ng pulitika ay hindi niya ito pinapansin at binibigyang oras.

Para sa kanya ay unti-unti rin itong mawawala at mananawa ang ibang taong gusto siyang mawala.

Sa loob ng ilang taon niyang pagtutok para sa bayan at sa tingin niya ay tahimik na muli ang mundo at puso niya pero muli itong naging magulo nang makita niya ulit ang babaeng umalis sa tabi niya limang taon na ang nakalipas.

Walang iba kundi ang babaeng minahal niya, si Alira Rain Mendoza. Ang babaeng iniwan siya limang taon ang nakalipas.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
ALIRA ASUL ang kulay ng kalangitan, ang alon ay kalma na para bang pinapahiwatig nito na magiging ayos ang panahon ngayon at ang langit ay nagkukulay kahel na indikasyon na malapit ng magpakita ang araw. Ang hangin ay malamig kaya napayakap ako sa braso ko at napatingin sa orasan. Alas-sais na ng umaga. Oras na para gisingin ko na rin ang kaluluwa at isip ko sa dami ng gawain, kailangan ko ng matapos ang lahat para wala na akong ibang aayusin pa kapag nagsimula na ako sa trabaho ko. Napatingin naman ako sa maliit na brasong yumakap sa bewang ko kaya ng tumungo ako automatic na sumupil ang ngiti sa labi ko ng makita ko kung sino ito. “Good morning, Mommy.” Bakas sa boses niya na inaantok pa ang anak ko kaya binuhat ko ito at matunog na hinalikan sa pisngi. “Good morning too my baby, bakit ang aga mong nagising? Mamaya pa naman tayo uuwi sa condo natin,” saad ko at lumabas na sa kwarto ng rest house na inupahan namin sa kaibigan ko dito sa batangas. Isang linggo na ang nakakalipas simula ng makauwi kami ng anak ko galing sa Amerika, dito na rin naman kami naninirahan dahil dito na rin naman niya balak pumasok na ng kinder. Noong una ay medyo nahihirapan pa ako dahil baka may makakilala sa amin na ipinagpapasalamat ko na lamang ay wala pa… sa ngayon. Bukod sa dito na rin kami maninirahan ay dito ko rin napatayo kasi ang second branch ko ng art museum dalawang taon na ang nakakalipas, dati kasi ay iyong assistant ko lamang ang nag-aasikaso ngayon ay ako naman. Ang art museum na pinatayo ko dito ay puno ng mga paintings na nagawa ko sa limang taon na nanirahan ako sa Amerika. Ito ang ginawa kong hanapbuhay para may makain kami ng anak ko si Grayson Levi, noong una ay mahirap dahil may anak na ako pero nagsumikap ako dahil kung hindi ay baka parehong wala na kami ng anak ko ngayon. Mahirap ang limang taon na dinanas ko para marating lamang ito, naalala ko pa noong unang punta ko sa Amerika para magtrabaho halos sumuko na ako dahil sa hirap pero nang malaman kong nagdadalang-tao ako ay para bang binigyan ulit ako nito na magpatuloy at magpursigi pa. Hindi dahil siguro kay Grayson ay baka wala ako ngayon sa mga pangarap ko. Nabalik na lang ako sa reyalidad ng may humalik muli sa pisngi ko at napatingin naman ako kay Grayson na ngayon ay nakanguso at nakaturo sa gatas niya. “Mama, milk ko po please,” malambing niyang suyo kaya nanggigil naman ako at magaan siyang kinurot sa pisngi. "Okay, baby. Please wait Mama here, kakanawan lang kita," paalam ko na magiliw naman niyang tinanguan. Nilagay ko siya sa sofa at binuksan ang television para hindi siya mainip kakahintay sa akin. Nang makita kong komportable siya ay saka na ako kumilos. Ang inuna ko ay ang gatas ni Grayson at ng matapos na ako ay ibinigay ko sa kanya at humiga naman siya habang nanonood. "Thank you, Mama ko." Malambing niya pasasalamat na nginitian ko naman. Nagpapasalamat na lamang ako dahil mabait at masunurin ang anak ko. Hindi ko rin siya pinalaking spoiled dahil gusto kong matuto siya na kung ano ang kaya ko munang ibigay ay matuto niya itong i-appreciate. Ang una ko munang ginawa ay nilinis ang kusina at nag-init lamang ng tinapay. Doon ko na aayusin ang lahat sa condo dahil maaga rin naman kaming aalis ni Grayson dito sa resthouse. Matapos kong linisin ang dapat ay linisin ay nagtungo naman ako sa kinaroroonan ni Grayson. Tapos na itong uminom ng gatas at tahimik na lamang na nannonood. Kaya umupo ako dito at sinamahan siya. "Mama ko, you're done na?" Bulol niyang pagtatanong kaya tumango naman ako at saglit na nagpahinga. Napangiti na lamang ako ng yakapin niya ako at humiga sa tiyan. "Maliligo na rin tayo, baby kasi uuwi na tayo sa condo at makikita ko na si MamaLa." Nakangiting saad ko kaya nagliwanag ang mukha niya at napatalon pa. "Sige Mama ko, excited na akong makita si MamaLa!" Sigaw niya at napatakbo na ikinangiti ko naman. "MAMALA!" Boses agad ni Grayson ang bumungad sa amin pagpasok sa condo namin, nakita kong excited na lumingon si Mama sa amin at tumakbo din ito at sinalubong ang yakap ng anak ko. Ibinaba ko muna ang gamit ni Grayson sa sofa at ipinasok ko naman ang maleta sa kwarto namin, napangiti na lang ako dahil bago pa kami lumipat dito sa condo ay talagang pinaghandaan ni Mama ang lahat. Noong una ay tumanggi pa ako dahil baka nakakaistorbo ako sa kaniya pero pinagalitan niya ako dahil ilan taong din akong nawala sa tabi nila at ito na raw ang isa sa paraan para makabawi sa amin ni Grayson. Bago pa kami umuwi dito ay inayos niya na lahat para wala na raw akong iisipin. "Mamala, sabi ni Mamako ikaw daw po muna ang mag-aalaga sa akin ngayon dahil pupunta daw po siya sa art museum niya," pakinig kong saad ng anak ko at ng silipin ko sila ay nakakandong na ito kay Mama at nanonood ng cartoon. "Oo apo, gawa kasi ng ngayon lang kayo umuwi ni Mama mo dito at titingnan niya kung ano ang nangyayari sa museum niya. Huwag kang magalala mamaya ay nandito na rin sj PapaLo at Ninong pogi mo," paliwanag ni Mama kaya tuwang-tuwa na naman ang anak kaya lumabas na ako. "Nasaan na pala yung dalawa Ma? Sila pa naman ang sobrang excited sa pag-uwi namin pero sila ang pahuli-huli," natatawang saad ko habang inaayos ang bag ko dahil aalis na rin ako para maaga akong makauwi mamaya. "May biglaang meeting ang Papa at Kuya mo, Lira. Aalis ka na ba?" Pagtatanong niya kaya tumango naman ako at umupo sa tabi nila para magpaalam na kay Grayson na ngayon ay nakatingin na sa akin. “Baby ko, aalis lang si Mama ha. Babalik din ako bago ka mag-sleep, tabi tayo okay?” Paninigurado ko kaya tumango naman siya at yumakap sa akin kaya hinalikan ko naman siya sa noo at muling binalik siya kay Mama. “Ma, alis na po ako,” paalam ko kaya sabay silang tumayo ni Grayson para ihatid ako sa pinto na ikinangiti ko naman. Bago ko pa man isara ang pinto ay muli akong humalik sa noo ng anak ko at nagpaalam na. Habang pababa ang elevator na sinasakyan ko ay tumigil ang mata ko sa isang post tungkol sa governor namin. Nang pindutin ko ang article ay muling bumilis ang t***k ng puso at nakaramdam ako ng kakaiba sa loob ng tiyan ko. Kahit limang taon na ang nakakalipas ay mas lalong naging matured ang mukha niya, ang mga mata niya na dati ay maamong tingnan ngayon ay sobrang bangis at talim na kung tumingin. Kahit limang taon na ay halatang marami na talagang nagbago lalo na ngayon ay nagbalik na ako dito at hindi ko alam ang gagawin kung ano ang mangyayari kapag nagharap muli kaming dalawa. Pagpasok ko sa kotse ay tinawagan ko muna ang secretary ko bago ako pumunta para alamin kung may mga media bang nakaharang sa entrance, nang malaman kong may barricade naman daw na iniligay para hindi ako mahirapan sa pagpasok mamaya. Mabuti na lamang at medyo malapit ang museum ko dito sa condo kaya hindi hassle sa traffic at biyahe, kung pagod man ako ay hindi na ako mahihirapang umuwi. Ilang minuto lamang ang itinuon ko sa pagdadrive at nakita ko nga na may mga media na naghihintay sa akin. Inannounce ba naman ng secretary ko na dito na ako maninirahan sa Pilipinas at expected na ako ang makikita nila sa loob ng museum once na gusto nilang maglibot dito, dahil doon ay ito na ang mga reporters para hintayin ako. Bago bumaba ay sinuot ko muna ang shade ko at tiningnan ang ayos ko sa sarili ko, tipid akong ngumiti at bumaba na ng sasakyan. Sinalubong agad ako ng isang assistant at guard dito sa labas. Habang naglalakad ako ay kumakaway na lang ako sa mga reporter at hindi na sinasagot ang tanong nila dahil ang iba ay medyo personal na. Pagpasok sa loob ng museum ay bumungad sa akin ang ilang turista na masaya akong sinalubong at kinausap, nagugulat pa ako dahil ang iba dito ay binibigyan pa ako ng regalo lalo na ang mga kabataan na ikinangiti ko naman. “I want to be like you in the near future, Ma’am,” saad ng batang babae kaya ginulo ko ang kanyang buhok at sumagot. “You will, little girl. Always trust yourself and don’t give up. Kung para sa’yo ay para sa’yo talaga,” payo ko na ikinagiti naman niya. Kahit gusto ko man batiin at kausapin ang mga taong nandito sa loob ng museum ko ay binulungan na ako ng assistant ko may naghihintay daw sa akin sa loob ng office. “Ma’am, may isang governor po kasi na naghihintay po sa inyo sa loob ng opisina mo. May pag-uusapan daw po kayong dalawa,” anas niya habang naglalakad kami papunta sa opisina kaya kumunot naman ang noo ko at muli siyang tinanong. “Governor? Sinong governor?” Pagtatanong ko dahil naalala ko na naman ang ilang governor dito sa Pilipinas na gusto ako ang gawing painter nila sa mga importanteng okasyon na minsan ay tinatanggihan ko muna dahil nasa ibang bansa ako at baka hindi ko maasikaso dahil marami rin ang kumukuha sa akin na taga-ibang bansa. Ngayong nandito na ako ay may pag-asa na sa kanila na ang atensyon ko. “Ayaw niya pong ipasabi kung sino siya. Naghihintay na po siya sa loob ng opisina mo, Ma’am,” paliwanag naman nitong katabi kaya kahit kinakabahan ay tumango na lamang ako at nagpasalamat na. Pagpasok ko sa opisina ko ay iba na ang naramdaman ko na ipinagsawalang bahala ko na lamang, nakita kong nakaupo ang naghihintay sa akin at ang bulto nito ay lalaki kaya inayos ko muna ang pananamit ko bago umupo ng hindi muna tumitingin sa kanya. “Good day, Governor. I’m Alira Rain Gonzales, the owner of this…” Napatigil ako sa pagsasalita at unti-unting humina ang boses ko ng makita ko kung sino ang taong nasa harapan ko. Kanina ay iniisip ko lamang siya pero bakit ngayon ay nasa harapan ko na siya? Pinaglalaruan ba ako ng tadhana. Ang taong nasa harapan ko ngayon ay walang iba kundi ang governor ng Laguna, si Laxon Ace Montemayor ang lalaking iniwan ko limang taon na ang nakalipas.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.3K
bc

His Obsession

read
72.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
89.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook