Rocket KAHARAP ni Rocket ang dati niyang nobya. Wala siyang nagawa ng bigla na lang siya nitong hatakin palabas ng restaurant. Nagpaubaya siya kahit kanina pa niya ito gustong talikuran para balikan si Shein. "What do you want?" Inis na tanong niya sa dalaga na taas noong tumitig sa mga mata niya. "I want you Rocket. Matatapos na ang kontrata ko kaya pwede na ulita ta— "May girlfriend na ako." Putol niya sa sinasabi nito. Sabi na nga ba niya! Inaasahan na niya na sa muling pagkikita nila mag dedemand ito na balikan niya. As if namang gagawin niya! Hindi pa siya nahihibang para muling makipag balikan dito. Pagkatapos ng mga ginawa nito. "I'm not interested anymore. Kalimutan mo na ang nakaraan. Dahil wala ng dahilan para balikan pa natin. Besides, sino ka ba sa akala mo? Sa tingin mo

