Shein MALALIM na napabuntong hininga si Shein. Mahigpit niyang hawak sa kamay ang dala niyang plastic container na may lamang pagkain na niluto niya para sa lunch ni Doc Eon. Ilang araw na din niya iyong ginagawa, ang dalhan ng pagkain ang binatang doktor. Kung minsan may pakiramdam siya na para bang natural na niya iyong ginagawa. Kahit kabado siya sa tuwing nakakaharap ang binata, dahil baka bigla siya nitong sungitan. Mas nangingibabaw pa rin sa kanya ang kagustuhang lumapit dito. Lalo na ngayon. Simula ng dalhan niya ng pagkain ang binata at pangahasan siya nitong yakapin. Ramdam niyang kailangan siya nito. Muli siyang huminga ng malalim bago marahang kumatok sa pinto ng opisina ng binata. Pero nakakailang katok na siya wala siyang naririnig na salita mula sa loob. Nangunot ang noo

